3 Chapter 2 His Dad Last Will

Hindi ko maunawaan kung bakit laging umaalis ang aking ama...lalo na labas pasok siya ng bansa.

Naiiwan lamang ako sa napakalaking bahay, na lahat ng sulok mayroong bantay, kung hindi man may camera. Wala akong makausap at lumalaking napakatahimik.

Nagkukulong lamang ako sa aking silid, kapag wala akong interest pumunta kung saan ko man naisin. Sa bintana lagi kong nakikita ang paglisan ng aking ama... matapos kumain kami ng agahan. Na alam ko buwan ang papalipasin upang muli ko siyang makita. 

Tutorial ang aking edukasyon. Libro ang pampalipas oras ko. Kung nanaisin ko man lumabas... nag-iikot ako sa munting gubat ng Zel Canthlize Villa...sakay ng isang munting puting kabayo habang nakasunod na tauhan ng aking ama.

Isang araw, habang nakatanaw ako sa malayo.. gumitla sa akin ang boses ng aking ama.

"Ang nag-iisang Zel Canthel na sinasabing maiiwan mag-isa sa mundo... ay laging nag-iisa." sinabi niya iyon habang ng tauhan niya ang pamingwit sa kanya.

Hindi ko siya nilingon.. naupo lang ako sa isang tulay na yari sa kahoy at lubid.

" Hindi ko nais na lumaki ka ng ganyan Zhio. Lalo na iiwan ko sa'yo ang napakalaking responsibilidad...sa pamilya at kompanya."

Lumapit siya sa akin.

Inabot ang isang pamingwit.

Simpleng ngisi lamang ang itinugon ko...na ikanaabot ko ng pamingwit.

Naupo din siya sa sahig ng tulay malapit sa akin.

" Nong bata pa ako, mahilig ako mamingwit mag-isa, para makahuli ako ng marami."

Hinagis niya ang pain... saka ko naman isinunod yung akin.

"Lagi kasi akong kawawa kapag kasama ko ang tatlo kong kapatid na pawang nakakatanda ng husto sa akin. Dahil mag-isa ako noon... marami akong nahuli.

Pero ... hindi ko inaasahan na may masamang pangyayari akong madadatnan. Boung Zel Cantheliz ay pinatay... alam mo na siguro iyong tungkol sa Zel Cantheliz Masacre... At noon din itinakas ako ng pinakamatandang Zel Cantheliz. Nagtanong ako tunkol doon sa nangyari, at bakit yun nangyari..."

Tinignan niya ako.

" Sabi niya sa akin... napakapangyarihan ng Zel Cantheliz pagdating sa pera. Ang mga Uncle ko... o sabihin na nating kapamilya natin ang mismong nagbalak ng patayan ... Isa-isahin ang lahi ng Zel Cantheliz... kung saan ang labanan matira ang matibay...at maari niyang masolo ang kayamanan ng Zel Cantheliz. Si Lolo , ang pinakamatandang Zel Cantheliz noon ang tumapos ng gulo... nagpapatayan lang naman sila... kaya inutos niya na kung sinuman ang humangad ng labis na kasakiman tungkol sa yaman ng Zel Cantheliz ay papatayin."

Napalingon ako sa kanya.

"Noon .. kasing edad mo lang ako. Wala pa akong kaalam-alam tungkol sa kapangyarihan ng Zel Cantheliz... kaya naman bilang isang bata naiwan ako mag-isa. At nang lumaki ako ng husto... namalayan ko na lang si Lolo at ako na lamang ang natitira... kaya ng pumanaw si Lolo sa akin na kapangalan ang lahat-lahat ng mga properties ng pamilyang Zel Cantheliz... at ang habilin ng pinakamatandang Zel Cantheliz.... Ang masasabi ko lang Zhio, mahirap magpatakbo ng kompanya mag-isa."

Sa mga oras na yun pinipilit ko unawain ang sinasabi niya.

"At ngayon Zhio , kapag namayapa na rin ako... Gustuhin mo man o hindi... ikaw ang sasalo ng responsibilidad kong iiwan. Unang-una tungkol sa kompanya na kailanman di pa nakakatikim ng pagbagsak. Pangalaw ang habilin ng matandang Zel Cantheliz... tungkol sa ating pamilya... sa ngayon ikaw na lamang ang batang nag-iisang Zel Cantheliz na may apelyido. Ipangako mo kahit anong mangyari ... mag-aasaw ka at gagawa ng isang mapagmahal na pamilya. At muli mong papayabungin ang pamilya ng ZEL Cantheliz na hindi ko nagawa ng maayos."

Palubog na ang araw nang umuwi kami.

Bago ako umakyat sa aking silid... may sinambit sa akin ang aking ama na nagpalaya sa sarili ko...

dahil alam ng lahat kung ano ang sanhi na ikinamatay ng aking ina.

" Zhio , kahit kailan di kita sinisi sa pagpanaw ng iyong ina... kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Pareho tayo nawalan at walang may gustong mangyari yun... walang dapat sisihin."

at ngumiti siya sa akin. Na agad naman ako nilapitan ni Sya... ang katulong na nagpalaki sa akin.

"mabuti at nagkaroon ng oras si Master James upang masundan ka at samahan doon. Bukas , aalis na naman yun."

na ikinalungkot ko.

avataravatar
Next chapter