406 Chapter 189 What if

@International_Pen

@International_Pen  ((( MISSAMY ))) Buhay pa ako. Napbangon upo ako, at si Jeff nga itong katabi ko na nakayakap sa akin. Agad kong inalis ang kamay na nakayakap sa akin. Pero hinila niya ako pabalik ng higa. Iminumulat niya ang kanyang mata. "Jijingle lang ako Jeff!" saka patapon kong inalis ang braso niya. Ang sakit kaya sa puson. Pumasok na ako ng banyo, at kinusot kusot ang mata ko. Ano na bang oras?Paglabas ko para alamin kung ano yung oras. Nalaglag ang panga ko. 1:36 pm.Seryoso?!"Sira na ba ang orasan mo Jeff?"Ngunit yung tinatanong ko wala na pala sa higaan. Ayun na sa may terrace at nakikidebate kung sino man ang kausap niya. Mabuti ngang lumabas na ako. Pero nakita ko sa sahig yung baril, sinipa ko pailalim ng upuan. Highblood pa naman yung may ari noon. Dapat sa mga pulis di ini-issuehan ng baril yung mga taong mabilis mapressure at maistress, mamatay ang mga yun ng disoras.  

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter