189 Chapter 186 He Warn The Woman

IVY>>>

Di nagtagal sumakay na si Zhio ng sasakyan.

Nakahinga ako dahil di niya kasama yung babae. Siguradong may napag-usapan sila.

Pagpasok niya...

Humihikbi na lang si Kevin.

"Dad...."

Ngumiti si Zhio kay Kevin.

Binuhat niya ito at inupo sa sarili niya.

Ginulo niya ang buhok nito saka niyakap.

Umandar na yung sasakyan.

Biglang nagsalita uli si Kevin...na halos di ko nagustuhan.

"Dad...si Mommy po ba yun?"

Tumango si Zhio bilang tugon.

"...bakit hindi po ninyo siya kasama? Saka bakit nagalit si Mama Ivy kay Mommy..."

Halos napapikit ako...

Kailangan pa talagang ipaalala kay Zhio...

"Mahal mo ba ang Mama Ivy mo?"

Isang tanong ang isinagot ni Zhio...

Na halos napalingon ako sa mag-amang katabi ko...

Ipit ako sa tanong na yun...

"Dapat lang po dibang mahalin si Mama Ivy kasi inalagaan niya po ako habang di pa umuuwi si Mommy...Dad...kailan po uuwi si Mom sa atin? Niyaya niyo na po ba siya? Kinumbinsi niyo na ba siya..."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter