185 Chapter 182 Will They Meet Each Other?

ZHIO >>>

Kinabukasan, maayos ang panahon.

Tinawagan ko si Deo na ipasecure ang Zoo.

At kung maari iwasan nilang maraming tao ang papasukin.

"...Sir, may isang Kindergarten na inaasahang darating...ipapakansela ko po ba?"

" Huwag na. Mahalata pa ni Kevin na kukunting tao lang ang naroroon."

"Sige po."

Binaba ko na ang phone ko, kasunod ng marinig ko ang katok sa pinto...

"Pasok..."

"Good Morning Daddy!."

Ngumiti ako.

"Morning... ang lapad ng ngiti ng anak ko oh."

"Kasi po maganda ang panahon. Means... tuloy po tayo sa Zoo!"

"... hiniling mo kay Papa God di'ba?"

Tumango siya.

"Daddy...magiging safe rin naman di'ba tayo kung kasama po kayo diba? Kahit wala yung tauhan niyo po."

Pinisil ko ang ilong niya.

"Aww..."

Tulad ni Claire...ayaw rin niyang may simusunod sa kanya.

"Parehong-pareho kayo."

"Huh?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter