webnovel

Chapter 180 Is She Already Late?

DERICK >>>

"Welcome Manager Mackenzie!" ang mainit na pambati sa akin sa una kong araw sa trabaho ko bilang manager ng restaurant na 'to.

Ang landlady at si Claire muna ang naiwan sa anak ko.

Matapos ang mahabang araw, may dyaryong naiwan sa mesa habang abala na kami magsara. Itatapon ko na sana ng...

Totoo ba itong nababasa ko...

Sh*t . Di dapat 'to mabasa ni Claire.

"Guys, mauna na ako. May kailangan kasi akong puntahan kaagad. Tommy, kaw na ang in-charge sa paglock."

"Opo Sir. Mag-iingat po kayo."

Nagmadali akong makauwi.

Kumatok ako at si Aby ang bumukas.

"Si Auntie Claire?"

" Papa...umiiyak po siya. Nasa loob po ng room niya."

Umakyat ako...

Nabasa na niya ...

Kumatok ako.

"Claire ako 'to."

Walang umimik.

Ngunit maya-maya bumukas ang pinto.

Basang-basa ang mga pisngi niya.

"...ba-bakit?."

"..Claire ..."

Saka bigla na siyang humagulgul ng iyak.

Yung matapang na babaeng kilala ko noon, ngayon ko lang nakita kung gaano siya nasasaktan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter