19 Chapter 18 Though He Is Woman Hater

<<<<<Zhio>>>>>>>>>>

"Fu*k!.Get out from my sight! Get Out!!"

Napasigaw ako ng biglang may humawak sa batok ko sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ko. Nang lingunin ko isang nakakadiring babae.

"Deo!"

"Sir..." Pagpasok kaagad ni Deo.

"Anong ginagawa nito sa loob ng opisina ko!?"

Grabe kumukulo na naman ang dugo ko.

"Fu*k! Sh*t! Deo... Mapapatay ko yan."

Kinaladkad ni Deo palabas ang babae.

Asar.

Nang makalabas si Deo kasama ang haliparot na babae ...ang bigla naman pagpasok ng dalawa kong ama- amahan.

Nakangisi at pinagtitripan na naman yata ako.

" Ang pambansang Woman Hater."

Pag-iinis sa akin ni Att. Wenziel, kasabay ng pagpapalakpak ni Dr. Eriez.

Inis kong hinubad ang coat ko. At muling hinarap ang monitor.

" Anong ginagawa niyo dito... Ang inisin na naman ako."

" Hindi. Gusto lang namin ipaalala sa'yo na kailangan mong mag-asawa."

Tsk.Asar. Sila na naman ang may pakana.

" Sabihin mo nga Zhio. May balak ka pa bang mag-asawa?."

" tss."

"Zhio. Sapat na ang gulang mo para mag-asawa." si Atty. Wenziel.

" Huwag na huwag mong kakaligtaan ang responaibilidad mo bilang Zel Cantheliz."

"..." Sasagot na sana ako ng tumunog ang phone ko.

Si Deo ang caller.

" Yes.."

Nakatitig sa akin ang dalawa kong ama-amahan na nakaupo sa malapit na sofa.

" Sige kakausapin ko."

Napahilot ako sa sintido ng marinig ko ang boses ng kinuha ni Deo na tauhan para sa pinapagawa ko.

" K. Just do the best to help her."

<<<<<<<<Dr. Eriez>>>>>>>>>>

Nakatitig lamang kami kay Zhio habang may kinakausap. Nang biglang namin marinig ang salitang mismo siya ang bumangit.

"K. Just do the best to help her."

At napalingon ako kay Atty. Wenziel.

Nagtataka... Kung sino ang tinutukoy niyang babae.

Nang ibaba niya.

"Sino yun?".

" ... Tss... Just mind your own business."

" Hay's tara na nga Dr. Eriez. Hayaan na muna natin magpakaworkaholic yan ... Isa pa di na tayo magtataka na ganyan yan , galing sa genes ni James..Workaholic tulad niya."

" O siya. Pagbutihan mo..." Bago kami umalis ni Atty. Wenziel.

Nang makalabas kami at tumungo sa suite ni Atty. Wenziel.

" May maganda 'ata tayong pag-uusapan ngayon. Anong sa tingin mo."

" Oo nga. Narinig mo din pala."

" Matalas yata ang pandinig ko kapag babae na ni Zhio ang pinag-uusapan.

" Sino kaya ang tinutukoy niya?."

" Palaisipan din sa akin. Ms. Chin ... Ipaghanda mo kami ng tsaa."

" Secretarya mo."

"Hehehe.. Kapag nalaman yan ni Zhio. Ewan mawawalan na naman ako ng secretarya."

" Haha. Sinabi mo pa. Mas malala pa nga 'tong si Zhio... Kaysa kay James. Nawala yung mga magagandang empleyada dito."

" Yan ang pinagtataka ko. Hindi naman woman hater si James. Pero itong anak niya sagad masyado."

" Alam mo Dr. Eriez... Siguro nagkakaganyan si Zhio ay dahil sa takot niyang mawala rin ang babaeng mamahalin niya tulad ng kanyang ina."

" Impact nga siguro ng pagkawala ng kanyang ina. Si Sya lang naman ang nirerespeto niyang babae... At siguro isama na natin ang panibagong "her."".

" Matanong nga kay Deo kung sino yang her na yan."

Inilapag ng secretarya ang tsaa.

" Sa tingin mo ba sasabihin ni Deo. ?.."

" Impossible. Yun pa loyal masyado kay Zhio."

" Sa tingin mo ba kailangan natin siyang tulungan pa?."

" Hindi na siguro...Our boy can handle that."

avataravatar
Next chapter