176 Chapter 174 She is... Mean

CLAIRE>>>

Pagbaba ko sa eroplano, sinalubong ako ng hangin ng lupang sinilangan ko.

Napangiti ako.

Sa wakas makikita ko na ang mag-ama ko.

Ngunit di mawawala ang kabang nararamdaman ko.

Nag-aabang ako ng Taxi.

Nang...

"Tulungan na kita dyan."

Nang lingunin ko si Derick.

"Derick..."

"Bakit nag-iisa ka?"

Ngumiti ako.

Parang wala siyang alam.

"Papa."

Isang batang babae na humawak sa laylayan niya.

May dala rin si Derick na maleta.

Ibig sabihin ...

"Aby, dito lumaki si Papa. Maligayang pagdating dito."

Saka niya binuhat ang batang babae.

"Aby, Auntie Claire mo... Claire, anak ko."

Nanlaki ang mata ko.

May dumating na Taxi.

"Ano Claire sabay na tayo?."

"Ah...sige. Marami kang ikukwento sa akin."

"Kaw din."

"Dyan ka muna kay Auntie Claire ha." tukoy niya sa kanyang anak na agad naman nito ikinatango.

Isa-isang nilagay ni Derick ang bagahe namin sa likuran ng sasakyan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter