173 Chapter 171 Fighting Spirit

ZHIO>>>>

"Sir, sigurado na po ba kayo dito?."

Tinapik ko lamang sa balikat si Deo bilang tugon. Alam ko nalulungkot rin siya. Di rin makapaniwala. Higit sa lahat, marami rin siyang pinagdaanan ng dahil sa amin.

"Salamat Deo. Hayaan na nating lumaya siya."

"...hiling ko nga po nasa maayos siyang kalagayan."

"Hiling ko rin."

Umakyat na kami ng eroplano.

Pagpasok ko... nilapitan ko ang katulong na nag-aalaga kay Kevin.

Binigay niya sa akin ang bata.

" ...paano na Sir, kapag tinanong niya sa inyo ang tungkol sa Mommy niya."

Ngumiti ako kay Deo.

"Di tatagal, babalik din si Mommy di'ba?"

Sagot ko kay Deo na ang punto para sa bata.

Ngumiti rin si Deo.

Dahil alam niya kahit paano, umaasa parin ako.

Walang sino man ang papalit kay Claire sa puso ko.

Ngunit...sana mahanap ni Dr. Eriez kaagad ang pinaglalagyan niya. Pangako, hindi ko siya guguluhin haga't nasa maayos siyang kalagayan. Narito parin ako para sa kanya.

POPSEE>>>

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter