18 Chapter 17 Rich Man, It's annoys Her.

<<< CLAIRE >>>

Maaga akong umalis ng bahay para iwasan ang pag-iintriga nila sa akin.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagdating ko sa pinapasukan kong trabaho.

"Bakit may Lobo At bulaklak dito?"

Tanong ko sa naglilinis na kasamahan ko. Opening ba ngayon? May celebration ba? Di ako na-inform...

"....ayon itanong mo kay Manager."

Nilapitan ko naman ang striktang manager namin.

"Claire, Dumating ka na pala.Yung manliligaw mo dumaan dito para supresahin ka ng ganyan. Hehe... di mo kaagad sa akin sinabi na manliligaw mo pala si Mr.Brundon..."

"Ha?'

Eh? Pati ba naman dito! Malaki ang inpluwensya niya!?

"Wala.bumalik ka na lang sa trabaho mo"

Napatango-tango na lang ako.

Umalis na ako at pumunta sa pwesto ko.. bwisit na bulaklak at lobong 'to... pangulo masyado.

Nang bigla akong sikuhin ng katrabaho ko.

" kinikilig ako sa'yo. "

Tss... Wala akong nararamdaman sa lalaking yun. Kinakabahan nga ako sa kanya eh.

" kung ako sa'yo sasagutin ko na siya"

"...ayoko ngang ligawan ako nun... "

"means... di mo siya sasagutin"

"hindi."

"Hala. Eh ang tatay nun diba ay yung Gobyernador natin?"

"Alam ko."

"Saka stockholder sila ng Crysastic Corporation. Balita ko nga siya ang Vice President."

"...Alam kong mayaman siya."

Haist. Yun ba ang sukatan? 

" ...Ang choosy... Hindi naman totoo ang truelove sa mga panahon ngayon. Ang uso One sided love... saka ang importante ngayon P.E.R.A... pera. Ayaw mo talaga kay Derick? Bahala ka, Kapag na-inlove siya sa akin di na yun kasalanan ni Derick."

"Sure... magiging masaya ako sayo."

Nagsimula na akong magtrabaho. All around ang trabaho ko kaya nalilibang ako ng husto na walang iniisip. Boung araw, boung sigla kong ginagawa ang trabaho ko.

Pagkatapos ng boung araw pauwi na sana ako ng...

"Claire, tawag ka ni Manager."

Nagtaka ako. Pumunta naman ako kaagad.

"Maupo ka Claire."

Naupo naman ako.... kinakabahan ako...

" May kumausap sa akin kanina. At ang pinag-usapan namin ay tungkol sa'yo."

Lalo akong kinabahan. May nagreklamo ba sa akin?

" Claire, kaya mo pa bang magtrabaho."

Nanlamig ako sa tanong ni Manager.

"Ho?...Ah Opo! Kayang-kaya."

Masama ang kutob ko sa itinanong niya sa akin. Pero ngumiti siya sa akin.

" Masaya ako na marinig Yan Claire. Ngunit..."

Magbabawas na ba sila ng tauhan at ako ang pinili nilang paalisin...??

" ...may kumausap sa akin na nagmamagandang loob para sayo. Ayoko sanang mawalan ng isang kagaya mo..."

Wow... nagmamagandang loob ba yan na palayasin ako sa trabaho ko?..

"... ngunit ang taong 'to ay gustong hindi ka na makitang nahihirapan."

Parang gusto ko na mangiyak... obvious kailangan ko ang trabahong 'to.

"...At alam ko di mo 'to tatangihan."

Tanging-tangi na nga ako!

"... hindi ka na papasok dito.. pero ang maganda dun...mananatili mong matatangap ang sahod mo."

Nanlaki ang mata ko... Ano daw????...

" Ha-ah?" ayaw remihistro sa kukuti ko ang sinabi ni Manager.

" Naguguluhan ka?."

"Eh... Sino po yung nag-offer niyan?."

" Well, di siya nagpakilala. Pero kung tatangapin mo 'to... napakalaki ng tulong mo sa fastfood chain na ito....Isa sa mga tauhan ng Crysastic Corporation... At ang napupuntirya ko parang tauhan ni Mr. Brundon...at kay Derick galing ang tulong na'to para sayo At sa amin. Kailangan mo lang pirmahan 'to."

Inilahad niya sa akin ang isang folder.

Haist. Si Derick na naman.

Ayoko tumangap ng tulong sa kanya... lalo na ang kalokohan nato.

Libangan ko ang magtrabaho dito.

Ibinalik kay Manager ang folder.

"Di ko po matatangap yan Manager."

"A-ano?!." pag-iba ng expression ni Manager.

"... kung ganun wala din akong magagawa na patalsikin ka sa trabaho mo."

"Ba-bakit naman po..."

"Mamili ka ang tangapin ito o mawalan ka ng trabaho."

Aray... Yung Option grabe.

" Mam pag-iisipan ko muna."

"I'll give you fifteen minutes."

Umalis si Manager...

Lumipas yung minuto...

Eh sa wala akong magagawa...

"Pirmahan mo lang yan."

Napapirma ako... napangiti si Manager.

"Good choice Claire. Goodluck sayo."

Asar!

avataravatar
Next chapter