webnovel

Chapter 16 His faithful Wish

<<<ZHIO>>>

Umalis ako ng mawala na sa paningin ko yung baliw na babaeng yun.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko... tumawag si Atty. Wenziel... at ng maibaba ko ang phone ko... nagsidatingan na ang mga gago... bumaba na ako sa sasakyan... at lumipat sa nakabukas na limo...

Binato ko yung susi sa isang tauhan ko.

"Ibalik mo yan kay Deo."

...agad nilang pinatakbo ang sasakyan ng makasakay ako.

Sa pag-iisip ko di ko namalayan pumasok na kami sa Gate na nasa likuran ng Zel Cantheliz Mansion... 

Sinalubong kami ng mga security... ngunit diretso akong naglakad ... Tinungo ang pinto at  ang hagdan patungo sa silid ko.

Muli ko na namang bubuksan ang walang kabuhay- buhay kong silid.

Hinubad ko ang coat.

At napaupo sa malapit na sofa.

May kumatok.

Bumukas... si Sya.

" ... Marami na bang naghihintay sa akin sa labas."

" Oo,Master Zhio. Kaya nga pinaakyat ako dito nina Dr. Eriez at Atty. Wenziel....at naparito ako para personal na sabihin sayo... na nakikiramay kami sayo"

" Bababa na lang po ako mamaya."

"Aasahan namin yan Master Zhio."

Umalis na si Sya.

Tumayo na ako... naghilamos...at pilit na kinakalimutan ang kaba na nararamdaman ko na di ko alam kung para saan. Nagbihis ...

At paglabas ko sa silid ko...

Tinignan ako ng mga katulong...

Nang dumaan ako sa kanila napayukod na lamang sa akin.

Nawala ang ingay ng mga tao nang makita nila ako sa hagdan.

Halos nakasuot ng kulay itim na damit ang lahat.

Hindi ko kilala ang ilan... at tanging mukha lang ng ilan ang kilala ko.

"Condolence Zhio."

Tumango na lang ako kung sino man sila.

Dahil ang tanging daan na nakikita ko ay ang daan papunta sa kabaong ng aking ama.

Tahimik nila akong pinagmasdan.

Sinulyapan ko ang aking ama... gaya ng nasa hospital pa siya...parang napakahimbing ng tulog niya...

May tumapik sa balikat ko...

Si Dr. Eriez.

" Hindi man niya sinabi sa'yo... pero alam kong ramdam mo naman ang pagmamahal niya di'ba?."

Tumango ako.

Kahit ganun siya... Alam ko, ang buhay ng isang Zel Cantheliz... ay napakahirap.

Iniwan ako ni Dr. Eriez at bago ako umalis...

" Thank's Dad for everything."

Yes, I didn't cry ... dahil alam ko masaya na siya kung nasaan man siya...

Naupo ako ... at may naki-upo sa tabi ko... kinausap ako tungkol sa aking ama.

Napalingon ako sa labas... May taga-mediang nakalusot.

Tinignan ko si Atty. Wenziel... at agad niyang nakuha ang nais kong iparating...

Sa paglabas ni Atty.Wenziel upang ayusin ang gulo... tumayo na ako at muling bumalik sa silid ko.

Dinig ko...

" Mabuting magpahinga na muna siya."

Sa pagtumba ko sa kama... isa lang ang ibinuntong hininga ko... na sana sa pagmulat ko... mag-iba na ang ikot ng aking mundo.

When sadness strike us, we pray and wish for a change. I hope your still faithful on living with that greatest hope.

I love you so much

International_Pencreators' thoughts
Next chapter