16 Chapter 15 Her Unwanted Suitor

<<< CLAIRE >>>

Pagdating ko sa harap ng bahay... nagmadali akong pumasok.

"Whhhhooo... ang lakas ng ulan."

"Nagpaulan ka naman?."

Nagitla ako sa tumugon sa akin. Kilala ko ang boses na yun...

At laging gulat ko... ng makita at makilala ang nakatayong si ...

"De-Derick?...

Lumapit siya sa akin.

" Sabi ko dba sa'yo. Malalaman at malalaman ko rin kung saan ka nakatira. Kauwi mo pa lang ha?."

" ... ah may dinaanan lang ako saglit.Kanino mo nalaman ang address ko?."

"Well, I just buy this."

Haist. Mga mayayaman talaga. Hawak lang naman niya ang Resume ko.

Kinuha ko yung twalyang nakasabit...

"..."

"Clarita nakauwi ka na rin. Iho ipagtitimpla lang kita ng ng Juice..." si Ate Nadine na may hawak ng isang sachet na Juice.

Diretsong pumasok si ate sa kusina.

"Maupo ka... "

"Hm-mm dito kayo nakatira?."

"...Yap." habang hinuhubad ko yung coat.

"...kaninong coat yan?."

"Ahh..."

Asar.Tsk. Boyfriend ko ba ang asungot na'to ... kung makatanong sagad?.

"Dumaan ako kanina sa isang ukay-ukay... Tapos binili ko to dahil pAra

kay kuya Dexter... pwd sa paghahanap ng trabaho niya."

... kung hindi lang 'to regular na customer sa fastfood chain na pinagtatrabaohan ko.. tiyak sinipa ko na to palabas ng bahay.

"Pwede. Pero... parang ..."

"Uy, gabi na." pag-iiba ko sa usapan.

"Gabi na nga.Tara sumama ka muna sa akin."

"Pagod na ako.'

"Ganun ba." Ngumiti siya bigla. Tsk alam ko ang ngiting yun...

"Ayoko na magpaliguy-liguy pa. Andito ako dahil nagkakainterest ako sa'yo sa totoo lang."

....ahem. Sinasabi ko na nga ba. Mauuwi lang 'to sa...

" Gusto kong ligawan ka."

"Ha?... Eh... Hindi ako yung may gusto sayo... yung isang cashier dun."

"... Ikaw ang gusto ko..."

Umiling ako.

"Hindi... nagbibiro ka lang."

"Satingin mo ba nagbibiro ako?... No Im not."

"...ano di naman ako maganda para ipares sa isang kagaya mo... "

" ...Sino nagsabi?...maganda ka. Kaya nga nabulag ako sayo."

Heto na tayo..

Ayoko ng ganito...

Bumukas ang pinto ... si Step Mother.

" May naligaw... ?? Boyfriend mo Clarita?"

"Ah... Ma hindi po."

" Hello po. Manliligaw po niya ako... "

"Clarita hindi na uso ang magpakipot ngayon. Grabe... ikaw ba ang anak ni Gov. Brundun?."

Biglang ngumiti si Derick.

"Ako nga po. "

"Clarita?....anu pa ang hinihintay mo?..Buti Iho di ka pinagkaguluhan sa labas."

"...Anong di pinagkaguluhan... kung di ako dumating wala ng damit yan... Hinihila kaya siya. Dereck ... heto yung juice mo. Ikaw naman Clarita hinanap ka ng tao kaya sapat na malaman mo seryoso siya sa'yo.'"

Napailing ako.

"Magpapalit muna ako."

Dinig ko sa loob ng kwarto ang pag-interview nila kay Derick.

Hindi ako bagay sa isang tulad niya. Tsk... ang daming magagandang babae dyan eh. Ba't ako pa?.

Iniiwasan ko na nga siya simula pa nung nagpapakita na siya ng intersest sa akin.

At ngayon sana maturn-off na siya .... eh hindi talaga pwede.

Paglabas ko.

"Liligawan mo ba talaga siya".

Tinignan niya ako. Ngumiti siya sa akin.

"Liligawan ko po Siya. At hindi po ako susuko haga't di ko siya napapasagot."

Parang mabibilaukan ako ng dis-oras ... teka bat parang naging determinado lalo?.

" Clarita.... ??."

Yung titig sa akin ng dalawa parang sinasabi ...

Ang choosy ko. Eh di nga pwede.. langit sya lupa ako... Wala eh... saka wala akong nararamdaman sa kanya...

"Derick..."ngumiti ako sa kNya...

"Delikado na kung magtatagal ka pa dito... Hatid na kita sa labasan."

"Thank you for your concern... Pero sa tingin ko I can handle myself... Magpahinga ka na muna."

Tumayo na siya.

"Mauna na po ako." pagpapa-alam niya kina ate Nadine At kay Ma.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya." pagsulpot bigla ni Kuya Dexter.

"Sumunod ka sakin."

Bago lumabas si Derick. Ngumiti siya sa akin... at napaba-bye na lang ako.

Nang mawala sila sa paningin namin...

"Ikaw...Huwag ka ngang pakipot. Minsan lang magkagusto ang mayayaman sa mga tulad natin na baon sa hirap... Saka ng makaraos na tayo sa hirap... at mabayaran ang baon na baon na utang."

Tsk. Ito na nga ang sinasabi ko....

Simula ngayon... kukulitin na nila ako tungkol kay derick.

avataravatar
Next chapter