908 Chapter 142 Closure

( Cedrick's POV )

Maya-maya nakapaligid na ang ilang tauhan ko sa akin. Lumapit na sa amin si Mike.

Dahan-dahan ko na naman itong binuhat.

Bago ko talikuran si Mike…

"Mike sure na wala nang lalaking aaligid kay Monina. Nagkakaintindihan ba tayo Mike."

"I'll make sure."

Tama lang dahil bigla nang bumuhos ang malakas na ulan nang makapasok kami sa sasakyan.

Di sa bahay ko ang punta ng sasakyan. Kundi sa pamamahay nila. Ganoon ang ligaw, hatid-sundo.

Nagawa ko na Monina. Tinulugan mo nga lang ako. Nang nasa tapat na kami ng bahay nila. Tipong tinatanong ko ang sarili na gigisingin ko ba ito o hindi.

Be gentle Cedrick. She will be your wife. Be gentle.

Binuhat ko ulit at maingat kaming pinapayungan ng mga tauhan ko. Hangang sa inakyat ko ito sa magiging silid niya pasamantala.

Babalik ka din sa pamamahay ko kapag natapos na ang ligawan na ito. Tsk.

Tomorrow, magpopropose pala ako sa babaing to.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter