896 Chapter 130 I am a Physician

( Monina POV's )

Hinintay ko siya magmulat ng mata para makita niya na di ako yung babaeng nagpapatinag sa siga niya. Subukan mo lang ako saktan Cedrick. Uubusin ko talaga ang buhok mo.

Ngumiti ako yung tipong inaasar siya.

Ngunit kanina pa akong ganto… di parin uminumulat ang mata.

Hoy! Sinasayang mo lang ang oras ko! Imulat mo na ang mata mo. Kung sino nga ba sa ating dalawa ang napaka-intimidating.

Wala.

Nakatulog ba?

Nilingon ko si Mike. Mata kong nagtatanong kung nagpahinga ba ito at natulog na lang ng ganito sa aking harapan.

Ngumiti lang si Mike.

Mga taong to wala akong makukuhang normal na respond.

"Cedrick!" sigaw ko na ng pangalan niya.

Walang imik. Di man lang gumalaw.

Tumayo na ako at kinaluskos ang sleeve ng pampatulog ko. Hangang balikat para intense ang pambubugbog ko sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit dito.

Gigil na gigil na talaga ako sa ka-abnormalan niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter