893 Chapter 127 This Moment

( Monina's POV )

"Uhmm, ate? Bakit parang wala kang engagement ring? Diretso ba kayo kasal? Di ka man lang tinanong na, will you marry me?"

"Oo nga ate. Masyado ngang mabilis eh."

"Di ka nagkukwento. Ano ito ate… Umamin ka nga. Shotgun wedding ba?"

"Hala ate! Baka… ng dahil sa aming pamilya mo kaya ka magpapakasal sa kanya! Binenta mo sarili mo ng dahil sa amin."

Sa totoo lang parang tama din ang mga sinasabi nila.

Ngumiti na lamang ako.

"Kumain na nga lang kayo. Syempre hindi. Di man maganda ang simula ng kwento namin ng kuya Cedrick niyo. Syempre di ako haharap sa altar na napipilitan lang."

"Yun naman pala… si Ate ata ang nangayuma. Naligaw ata si Kuya Cedrick sa convenient store tapos, ginayuma ni ate. Saan mo ba nabili ate? Effective eh?"

"Tumigil na kayo. Maging masaya na lang kayo sa akin. Ikakasal na ako!"

"Hahaha. Kaya nga ate. masaya kami para sayo. Kahit wala man lang ebedensya na dinate ka ni Kuya Cedrick."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter