(Aby Sena POV)
Nangangati na ang kamay ko na makunan ng larawan si Zendeo my labs. Pero pasuspend masyado si Crush.
Ngunit biglang nagsibukasan ang mga sasakyan siguro dahil secure na din naman ang paligid. Nagsilabasan ang mga lalaking naka-unipormeng pang-amerikana na parang mga attorney ang dating. Ngunit sa totoo lang. Sila lang naman ang mga bodyguard ni Kevin. Ang back-up security guard ni Kevin in case magkulang pa nga ang nasa labas na nitong ilang bodyguards na nagkalat sa campus.
Ganyan kaalaga ang mga magulang niya sa kanya. Ang nag-iisang magmamana ng ari-arian ng billionaryo nilang kayamanan. Si Kevin.
Kaya nga ang tapang na asarin ako kasi aware ako na di ko maaring patulan ito, dahil nga sa impluwensya ng pamilya niya. Alam niya yun, kaya ang magagawa ko na lang talaga, pagpasensyahan ang pagiging attention seeker nito. Sa dalawa lang ang choice ko, palampasin siya o pagplanuhan kung paano patayin ito.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com