108 Chapter 107 The President is in the Supermarket!

Deo>>>

Supermarket??

Anong gagawin niya roon?

At ngayon ko lang narinig na pupunta siya roon?

"Anong gagawin natin dun Sir?"

"Mamimili ng prutas."

"Sir, may utusan nam--."

"No. Gusto ko ako ang mamili ng prutas paglilihian ni Claire."

Yun pala ang dahilan kung bakit umalis siya ng dis-oras sa meeting na yun.

Nakalimutan ko magiging ama na pala si Zhio.

"Pero Sir, dilikado na pumasok kayo sa pampublikong lugar...masyadong matao at pagkakaguluhan kayo."

Bakit kasi di na lang iutos.

"Saka Sir. Sinusundan tayo ngayon ng mga taga-media."

"Tss.. Kaya nga hinayaan ko na sila sumama."

Tinutukoy niya mga tauhan niya.

"Saka kung may chansa ngang pagkaguluhan ako ng mga tao... Simple lang i-utos mo sa management ng Mall na sa oras ngayon, wala silang papasukin na customer sa supermarket."

"Sir, anong idadahilan ko?"

Habang kinukuha ko ang phone ko .

"Sabihin mo , sinabi ko."

Diniall ko na.

Ano pa nga ba ang dami kong contacts na nakasave.

In Case of Emergency.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter