1 Prologo

Sa Sitio Marangwan nakatira ang isang dalaga na tila ay naiiba. Ang dalagang ito ay si Juana De Garcia.

Simula pagkabata, nagagawa na nitong gumamit ng mahika. Ito ay syang ikinakatago-tago ng kaniyang pamilya sapagkat pinagbabawalan ang dalaga na lumisan ng bahay. Buong buhay siyang nasa kanilang mansion na labis na ikinalulungkot nito.

Ngunit isang araw, sa ikalabing-anim nitong kaarawan, kalayaan ang siyang ineregalo ng mga magulang nito sa kanya. Maaari na siyang lumabas ng bahay at makapag-aral. Subalit, dahil sa pag-aalala ng kaniyang mga magulang, hindi magagawang lumabas ng dalaga kung hindi niya kasama ang kaniyang bantay. Sa sobrang tuwa ng dalaga, sumang ayon na lamang ito sa lahat ng kondisyon na hindi naman niya pinakinggan.

Hindi nito alam, mas lalo lamang gugulo ang kaniyang buhay sa tuwing magkasama sila ng kaniyang gwapong bantay.

avataravatar
Next chapter