webnovel

Chapter 32

"Nag iba na rin pala ang ayos ng eskwelahan namin no, medyo lumaki na, at ang mga malawak na palayan before aba unti-unti ng nagiging patag, buti ho pumayag ang mga taga-rito na patagin ang kanilang lupain", tanong niya sa mga ito habang lulan ng saksakyan papunta sa falls, napansin niya ang pag babagong nangyayari sa kanilang probinsya.

"Wala naman magagawa ang mga tao iho ,kundi makisabay sa bago at agos ng pag-unlad, noong tumama kasi ang yolanda ,lansak lansak na pananim ang naperwisyo walang napakinabangan ang mga taga-rito,kaya ng may dumating na nag-aalok bilhin ang mga lupa dahil gagawin daw subdivison ,may mga kababayan tayo ditong pinili na lang ibenta ang sakahan nila at gawing puhunan sa negosyo ang napag-bentahan. Kaya hayan halos lahat sa mga kanayon natin ay sementado ang paligid ng kanilang bahay. May iba na di naman nagpasilaw sa pera at mas piniling pagyamanin pa lalo ang kanilang lupang sakahan, dahil na rin sa matandang kaugalian, lalo ang iba sa mga lupa nila ay ipina-pasa pasa sa henerasyon", sagot sa kaniya ni tatay, na kasukuyan ding nagmamaneho ng sasakyan, habang ang asawa nito ay naka-upo sa passsenger seat at nakikinig, sa likuran siya puwesta para malaya niyang makita ang paligid, sa kaliwa at kanan.

Di nagtagal narating na rin nila ang falls, may mangilan-ngilan na ring nag sisipaligo dito. Puwesto sila sa may malapit na puno para medyo malilim tsaka inilatag ni yaya ang sapin, sila naman ni tay ang magka-tulong na nagbuhat ng mga baon nilang pagkain mula sa trunk ng sasakyan.

Agad siyang lumusong sa tubig upang maligo, niyakag niya ang dalawang matanda pero nagpa-iwan muna ang mga iti mamaya padaw at baka lamigin sila tutal mamaya pa naman ng hapon ang kanilang uwi.Hinayaan niya na lang ang mga ito ,pumunta na sa pinaka dulong bahagi ng falls at lumangoy ng paroon at parito.

Samantala....

"Mag pahanggang ngayon pala ay di pa rin naitatama ni senyora ang lahat, di pa rin pala alam ni lance na di tumanggap ng pera sa saab", ang panimula ng kanyang kabiyak pag-alis ni lance.

" Sinabi mo ba ito kay lance? nakita kita ng pumanaog ka sa silid niya kanina, sinabi ko na sayo wala tayong karapatang makialam, nag-usap na tayo tessa. Kung anuman ang nangyari noon sa pagitan nila iyon,wala tayong kinalaman ,magagalit sila senyor at senyora,kapag nalaman nilang ninanais nating makialam. Kung gusto nilang itago ang pangyayari sila ang masusunod", sagot naman ng lalake.

"Pero di ka ba naawa kay lance at saab, nagkasikatan sila dahil sa isang kasinungalingan. Lalo pa at napag-alaman ko kay lance na si saab ang designer ng mga isusuot sa kasal, paniguradong magkikita at magkikita sila ni senyora at di malayong maungkata ang nakaraan. Mas magiging komplikado lalo at ng mapapangasawa pala ni lance ang pumili sa dalaga para maging designer",

"Sila na ang bahala doon, ang mabuti nating magagawa ay maging taga-agapay kay lance maari siyang masaktan oras na malaman niya ang kasinungalingan ng kanyang mga magulang".

"Ano pa nga ba? kung may karapatan lang sana tayo", dugtong pa ng babae sabay dantay ng ulo sa asawang lalake.

...

Mabilis na lumipas ang mga araw di namalayan ni lance na araw na pala ng pagluwas nilang tatlo para sa paghahanda sa kanyang kasal. Lumipas ang mga araw na kahit paano nabawasan lahat ng iniisip niya. Nakapamasyal siya sa mga lugar na madalas niyang tambayan nung bata pa siya. Nakakatuwa din palang balikan ang nakaraan, well yung part lang na masaya sana, pero di naman pwede dahil may mga lugar din siyang nadaanan na nagpapa-alala sa kanya sa mga bagay na may kaugnayan kay Saab.

"Hmmm", ang malalim niyang buntong-hininga, it's time to get back to reality. Kelangan na niyang bilisan ang kilos, a week or two ay kasal na niya.Sapat na siguro ang mga araw na nilagi niya dito sa Quezon, to clear things out with himself. Tatapusin n niya ang plano as soon as he gets back to manila.

"Iho, halina at baka gabihin tayo sa byahe, nasa sasakyan na ang tay mo, yung sasakyan mo ang gagamitin diba", pukaw sa kanya ni nay tessa na nakasilip ang mukha sa siwang ng pinto.

"Yes po ,tara na ", he got his key from the console table near the CR. Wala naman siyang masyadong dala nung umuwi sya dito kaya di rin siya natagalan sa pag-aayos ng gamit. More on mga pasalubong lang para sa mga kaibigan at kila mommy niya at Kassandra ang dala niya. Kasalukuyan na iyong nasa back compartment ng kanyang sasakyan.

He scanned the room once again, before leaving, he locked the door and go downstairs. Matatagalan pa uliy siguro bago siya bumalik doon.

....

Pasado alas-dyes na ng gabi ng makarating sila sa bahay nila sa makati, doon na muna niya pansamantalang patitirahin sila nay tessa at tatay, doon din naman din dederetso ng mga magulang pag-uwi mula ibang bansa.Nakapag-hapunan na rin sila habang daan dahil may nadaanan silang fastfood.Kanya kanyang punta na sila sa kanilang silid , nakahanda na ang silid ng mga ito bago pa man sila lumuwas.

Parang nanlalatang binagsak niya ang sarili sa kanyang kama. At banayad na ipinikit ang matang napagod marahil sa haba ng kanilang ibinyahe. Namimigat na ang mga mata niya ng tumunog ang cellphone niyang nasa bulsa.

Patamad na kinuha niya ito at pinindot ang accept call ng di manlang tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello", ang baritonong bungad niya sa nasa kabilang linya.

"Yow, dude zup?, san ka ba nagpunta at di kita mahagilap? sagot sa kanya ng nasa kabilang linya.

"Lennon", napabalikwas siya mula sa pagkakahiga pagka-rinig sa boses ng kaibigan.

"The one only man, where have you been at parang nakalimutan mo na ko, byaheng langit ba kayo nung chicks na nakuha mo sa bar? ,siguro sobrang galing nun kaya parang nakalimot ka haha", tudyo nito sa kanya.

"Gago, di yun natuloy umuwi ako sa quezon i stayed there for almost a week, binisita ko yung mga lugar na madalas nating tambayan at pasyalan before. Laki na pala ng pinag-bago ng probinsya natin pare, malalaki na ang bahay ng mga kanayon natin ,tapos madalang na lng ang may sakahan naipagbili na nila ,kasalukuyan ngang may ginagawang subdivision doon."

"Ang daya mo pare, sana inaya mo ko"

"Biglaan lang kasi, tsaka kasama ko rin pala sila nay tessa at tay pabalik dito sa manila, they will stay here in Makati, tutal dito rin naman na mag stay sila mommy at daddy once they get her in The Philippines", ang tila animated na pahayag niya.

"Ow, oo nga pala halos 3 linggo n lang pala ikakasal ka na?, sigurado ka na ba pare?

" Oo naman pare, teka lang pati ba naman ikaw tatanungin ako ng ganyan,alam mo bang yan din ang bungad sakin nila nay tessa pag-uwi ko sa quezon, teka bakit mo pala naitanong" natatawang pahayag ni lance.

"Wala baka lang ikako mamiss mo ang buhay binata, you know party and girls", sagot nito at pagak na tumawa sa kabilang linya." Nga pala ang dahilan ng pagtawag ko ngayon, pare eh tungkol ke saab, did you know na may Victoria show ang ex mo bukas , gaganapin sa the fort at wag ka pre main model sya?

Bigla siyang napatayo sa higaan dahil sa narinig. " Victoria secret as in the lingerie brand ,yung kadalasang mga model naka bikini et all lang"? di makapaniwalang tanong niya dito.

"Yes pare tumpak, nabalitaan ko lang from entertainment news sa tv kagabi, di ba puro wholesome ang mino-model nun?"

"Yeah, yun din ang alam, lenon what time bukas"?

"8 pm ata why?, don't tell me pupunta ka"?

" You are right it is high time to finish everything ", saad niya dito.

"Pare , talagang itutuloy mo? maraming tao dun, people from the press will also be there, alam mo naman dito sa atin madikit lang isang kilalang personalidad or makita lang na magkasama sa isang event issue agad? Baka malaman to ng mommy at daddy mo?, sabi nitong bakas ang pag-alala sa tinig.

"Don't worry lenon, i will handle that, relax okay, what u need to do is to accompany me there, at ako na ang bahala, sagot ko", at nakakalokong ngumiti sa naiisip at pagtapos at binaba ang ang cellphone at pinatay.Tommorrow everything will be finished, na dapat ay ginawa na niya noon pa. Dami pa mandin niyang kuskos balungos before. Victoria secret main model ha?Ano kaya ang magiging headline bukas, natatwang bulong niya sa sarili,he texted Kassandra afterwards, told her the olan for tommorow. The show is about to start Saab, magiging Main sa lahat ng Main ka bukas. It is payback time. Now that he already cleared his mind it is now time to polish everythinG, because after this, lalagay na siya sa tahimik. Just one last hoorah, so he finallg put the past to rest.It might be the hard and painful way, but he knows it will sum up the pain he experienced sa kamay ni Saab.He waited long enough, para makabawi, bukas it will happen.

"

Next chapter