webnovel

Chapter 30

" O hijo tama ka ang si Romeo dumating ka kagabi, aba at bakit di ka nagpasabi dintuloy kami nakapaghanda , tsaka di manlang kita nasalubong ,tulog na kasi dangan nga kasi ay naimom ako ng gamot para sa tuhod ,alam mo na rayum", ang masayang bungad sa kanya ni Yaya tessa,at puno ng galak na niyakap pa sya nito. Ito ang tumayong pangalawang ina niya ng siya ay lumalaki, madalas kasing nasa ibang bansa ang kanya mommy kasama ang kanyang daddy para sa business trip.Kadalasan siyang naiiwan lalo at nag-aaral siya ng mga panahong iyon. Yaya became the mothee na di niya naramdaman sa tunay niyang ina.

Recognition, parents meeting school activities name it, si yaya tessa ang palaging nandun. "Yaya, i miss you, kamusta ka na", ang masaya ding tugon niya dito.

"Kow, miss daw ako ni hindi ka nga naparini halos ilang taon na ,pulos tawag lang telepono", ang bakas sa boses ang pagtatampong saad nito.

"Yaya, busy lang alam mo na ako na ang pinapahawak nina mommybat daddy sa company, tsaka ikaw lang naman ang ayaw sumama sa akin sa maynila,kayo ni tay romeo kayo lang naman ang ayaw eh", paglalambing niya dito.

"Nakow, alam mo namang ang hanap ng katawan namin ay sariwang hangin, sa maynila pulos polusyon, di ko alam kung aank kayo nakakatiis manirahan doon", sabad ni tatay romeo na di niya napansing nasa bungad pala ng kusina.

" Tay romeo naman, wala naman ibang aasahan sila mommy kungdi ako, kung ako lang ,dito ako malamang mananatili", at inakbayan ang dalawang matandang napamahal na sa kanya.

"Sabagay, o sya halina at kumain na tayo ipinaghanda kita ng paborito mo, longganisa ng bayan natin with sukang buro na maraming sili.", yakag sa kanya ni yaya tessa.Sabay na silang pumanaog ni tay romeo sa hapag kainan , excited siyang makatikim ng luto nito matagal tagal na rin simula ng malasahan niya ang mga iyon. Pinapadalhan siya ng mga ito ng mga ganung produkto sa maynila, pero iba pa rin talaga ang lasa kapag ito ang naghain.

"Wow, ang bango yaya ,mukhang tataba ako nito", at isa isa ng inilagay sa kanyang plato ang mga putaheng nakahain.

" Aba dapat lang no, at syempre kapeng barako masarap na partner sa mga iyan", inilaag nito ang umuusok pang tasa ng kape sa tapat niya.Nilagyan din ni yaya tessa ng kape si tay romeo na tahimik na ring kumakain, bagon ito naupo at kumuha ng sariling pagkain.

"kain ng kain ha, aba maagang nagising yang yaya mo ng malamang dumating ka, aba ay di mag kamayaw uan ,parang sinisilihan ang pwet sa sobrang excited", buska ni tay romeo sa kabiyak. Ay, oo nga pala di ko pla nabanggit, mag asawa ang mga ito. They are together for 50 years, imagine that, dangan nga lang at di nabiyayaan ng anak ang mga ito. Kung kaya sya ang nakagiliwan ng dalawang matanda, at walang kaso sa kanha yun, growing up without his busy parents, gaya ng tipikal na bata he needs attention.

Tumayo siya at niyakap sa likod ang matandang babae. "Kaya mahal na mahal ko kayo eh ,alam ko kasing mahal nyo rin ako,salamat ya tessa ,salamat tay romeo, ", niyakap na rin niya ang matandang lalaki.

"Kow, kumain na nga tayo at baka maiyak pa tayo haha, nga pala iho hanggang kelan ka ba dito".Tanong ni tay romeo.

Bumalik muna siya sa kanyang upuan bago ito sinagot." 5 days po siguro, parating din kasi sila mommy, mag susukat ng damit for my wedding, at of course kasama ko na kayo pagluwas para maisukat nyo na rin yung damit nyo, di kayo pwedeng mawala sa kasal ko", ang masiyahang balita niya sa mga ito.

"Tuloy na tuloy na pala ang kasal mo hane? iyang bang fiancee mo eh mahal mo?", matiim ang tingin na parang nanunuring baling sa kanya ni yaya tessa.

"I need to ya, after all gusto ko na rin namang mag settle down, and have a family, k am not getting any younger gusto ko na rin namang mag kaanak ", sabay nguyang tugon niya sa tanong nito.

"Kailangan, pero di mo mahal, di kaya nabibigla ka lang , ang parati kong sinasabi sayo iho, ang kasal ay di parang kanin na kaag naiinitan ka ay iluluwa mo na lang bigla", wika ng matandang babae.

"Tessa, hayaan mo na, wala tayong magagawa mukhang sila ma'am ang may gusto, at tsaka tama si lance di na siya bumabata, aba ay kelangan na nating mag kaapo sa kanya", tinapik pa siya sa balikat na saad ni tay romeo.

"See yaya tessa, tay is right".

"Hay, kung sana....-----

"Tessa napag-usapan na natin to di ba?" baling ng matandang lalalke sa esposa nito.

"Hmmm", ang malalim na buntong hininga ng matandang babae" O siya maano ba ay kung saan ka masaya doon na rin kami, o siya ubusin natin to at ng maipasyal ka namin dito sa probinsya ang daming ng magbago iho, iyung hagdan na lubod na tinutulayan mo dati papunta sa falls aba ay sementado na , kaya ng pasukin ng sasakyan, tama mag piknik tayo sa falls ng malamigan tayo kahit paano. Medyo maiinit na rin ang klima dito sa probinsya mag susummer na kasi", ang mahabang pahayag nito.

"Oh really, i remember that falls, sige piknik tayo excited na rin ako to roam around here, dami kong namimiss , the school , pasyal tayo ya at tay ha", bakas ang siglang sabi niya sabay tingin sa dalawang matanda.

"Sige mainam ay nalinis ang sasakyan may magagamit tayo", sabi naman ni tay romeo.

"Oh ,sige sige mag sikain na tayo ng magkatotoo ang ating mga nais", ang natatawang buyo sa kanila ni yaya tess, na agad naman nilang sinang ayunan, kapag daka magana na silang kumain at mabilis ding natapos at nagkanya kanyang handa na para sa balak na pamamasyal.

Next chapter