1 Prologue:

" Ba't mo ko iiwan? "

" I'm sorry, nakapagdecide na kasi ako. "

" Decide? Hindi ba boyfriend mo ko? Dapat lahat ng desisyon mo tinatanong mo muna ako kung ayos lang ba o hindi. Yan ang hirap sayo kasi sarili mo lang ang iniisip mo. "

" Hindi mo kasi maiintindihan pag sinabi ko saiyo ang dahilan. "

" Ano ba kasi yung dahilan mo? Pipilitin kong intindihin wag mo lang akong lisanin. "

" Malalaman mo rin balang araw, hindi ngayon. I'm sorry pero ayaw na kitang pakasalan. "

* sabay balik ng singsing kay Darren *

" Kung susukuan mo na ako, handa akong maghintay sa pagbabalik mo. Dahil alam ko na alam mo na MAHAL NA MAHAL KITA NG SOBRA. HANGGANG SA MULI NATING PAGKIKITA. PAALAM. "

Handa mo bang iwanan ang taong mahal mo kapalit ng pangarap mong maging sikat na pianista? Pinagtagpo sila ng musika. Musika rin ang dahilan ng kanilang pamamaalam. Nanaisin mo pa bang maghintay sa taong iniwanan ka sa ere at di alam ang dahilan kung kung bakit niya nagawa iyon? O kakalimutan mo na siya't bibitiw ka na rin sa pangako?