webnovel

INTRODUCTION

Pangit. Losyang. Weirdo. NERD.

Yan ang kadalasang itinatawag sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko. Kulang na nga lang ipalagay ko yan sa birth certificate ko at palitan ang pangalang Wendy Martinez na nakalagay don!

Kinalakihan ko na ang mga masasakit na salitang binibitawan nila. Pero sino ba naman sila para husgahan ang pagkatao ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila kaya naniniwala akong kahit hindi kaaya-aya yung itsura ko ay karapat-dapat pa din ako para sa respeto nila.

In fairness, ang haba ng pasensya ko. Sa loob ng 20 years na existence ko sa mundong ibabaw ay nakayanan kong magpakatatag sa kabila ng pambu-bully nila sa akin.

Pero jusko. Kahit na ang bombang may pinakamahabang mitsa ay sumasabog din kapag naabot nito ang kadulo-duluhan. Parang ako. Hindi habang-buhay magpapa-api ako. Balang-araw ay lalaban na ako sa kung sino mang mangutya pa sa akin at sa tingin ko ito na ang tamang panahon. Kaya wag silang magkakamali dahil nako! Sinasabi ko sa inyo, malilintikan sila sa akin. Makikipag-joined forces ako sa lahat ng superheroes at sa lahat ng troops sa COC! Uso na ang COME BACK IS REAL! Uso na ang REVENGE!

Tinatawag akong 'NERD' at aminado ako dun dahil sa ipinanganak akong may IQ na doble ng sa kanila at again, dahil nga sa itsura ko. Wala akong braces, may salamin ako dahil sa sobrang labo ng paningin ko na minana ko sa mama ko. Hindi rin ako marunong manamit dahil una, wala akong lakas ng loob na magsuot ng mapopormang damit. I lack in self-confidence. At pangalawa, wala akong perang pambili ng mga magagarang damit kaya kaysa ibili ko ng ibili ng kung anu-anong abubot sa katawan eh ibibili ko nalang ng mga librong kailangan ko sa pag-aaral. At pangatlo, masaya naman ako sa itsura ko kaya GO LANG NG GO! Paki ba nila? E dito ako masaya!

Pero kahit ganon, hindi na ako yung nerd na inaapi-api at tinatapak-tapakan lang. Modern version na ako. Tapos na ko sa pagpapaka-martir. Panahon naman na siguro para ipagtanggol ko naman ang sarili ko. Panahon na para ituwid ko yung mga pagkakamali nila. Panahon na para patunayan ko sa kanilang hindi lang ako basta-basta at may ibubuga din ako bukod sa palaging perfect score ko sa mga exam namin.

Isang bully, isang ganti. So don't you dare mess up with me.

Yes, I'm a nerd. And I love to play games. Games that only me knows the mechanics. Games that are always under my control. Games that are made to beat everyone except me.

REST IN PEACE NUMB NERD WENDY.

YOU DON'T MESS WITH THE BAD NERD.

Wendy Martinez