webnovel

At Last

"Yes, Terry?" Ani niya ng makita ang pangalan na naka-register sa screen ng kanyang cellphone kinabukasan pagkagising niya.

"We need to talk here in my office, Alexia. My problema tayo." Tila irritable ang tono na ani ng bakla. Napakunot naman ang nnon niya sa narinig.

"Why? What happened?" Nagtatakang tanong niya.

"Mahabang kwento. Dito ko na lang ipapaliwanag. Bilisan mo, sister." Sagot nito.

Agad naman niyang iniutos sa katulong na si Mildred na tawagin ang driver nila na si Mang Gener. Pagkatapos ay nagpahatid na siya dito sa opisina ng Queen Agency.

"What's the problem, Terry?" Bungad niya dito habang nakaupo ito sa swivel chair sa harap ng mesa nito habang nagbabasa ito ng dyaryo.

"Ayan, nasa headline ka 'te." Pairap na sabi nito saka tila pagalit na iniabot sa kanya ang binabasa kaninang dyaryo.

Napakunot ang kanyang noo ng makita ang larawan nila ni James na magkayakap sa lobby ng hotel na tinuluyan nila sa Felicia Island habang may malaking mga letrang nakasulat doon na SIKAT NA CEO, HULI SA AKTO NG PAMBABABAE. Muntik pa siyang masamid sa nabasa.

"God! Paano na ang kontrata natin niyan..mukhang magbabayad ako ng malaki." Namomoblemang sabi ng bakla.

"Wala ka namang dapat isipin dyan, Terry. Wala namang katotohanan ang nakasaad dito!" Giit niya sa bakla.

"I don't know, pero clear sa litrato na may relasyon kayo ni Mr. Ferrer. Alam mo namang hindi ka muna pwedeng pumasok sa relasyon illegal man 'yun o hindi, hangga't di pa tapos ang kontrata natin!" Inis na sumbat sa kanya ng manager.

Napabuga naman sa hangin si Sierra. Hindi niya alam kung dapat na ba niyang sabihin dito ang tunay niyang pagkatao o hayaang ito na lang mismo ang makaalam sa tamang panahon.

"At isa pa, tiyak na masisira ang imahe ni Mr. Ferrer at ng kumpanya nila kaya tiyak na marami ang talagang magagalit sa 'yo! My God!" Pagpapatuloy ng bakla saka tumunog ang telepono nito na agad naman nitong sinagot.

"Good morning, Queen Agency…Yes? Ok, Ma'am. We will be there. Thank you." Ani nito sa kausap sa kabilang linya. Matapos maibaba ang telepono ay binalingan na siya nito ulit.

"You prepare yourself now, Alexia. Pinapa-attend tau ng Ferrer Company sa press conference nito. Andun daw lahat ng mga national media regarding sa scandal ninyo. Please, you try your best na mapabulaan lahat ng allegations sa 'yo my dear dahil kung hindi, ibig sabihin- it's the end of your career- and my business." Mariing pakiusap nito sa kanya.

Nanatili lamang na tikom ang bibig ni Sierra hanggang sa marating nila ang hotel na pagdarausan ng sinsabing press conference. Pagpasok nga nila sa bulwagan nito ay punong-puno ito ng mga media. Ang mga photographer ay kanya-kanya ng shots ang ginagawa kay James kasama ang iba pang matataas na opisyales ng kumpanya na nakaupo ngayon sa mahabang mesa sa harap.

Dahil sa dami ng tao ay hindi pa magawa nila Sierra at Terry na makipagsiksikan upang makaupo din sa harap. Nag-umpisa na ang press con kaya nanatili na lamang sila sa bandang likuran.

"Magandang umaga. Naririto po ako ngayon sa Crown Hotel kung saan ay kasalukuyang ginaganap ang press conference hinggil na kinasasangkutan ng CEO at may-ari ng Ferrer Company na si Mr. James Ferrer. Alam naman natin na si James Ferrer ay isa sa mga tinaguring Top Ten Most Powerful Men in the Country at Top Ten Most Popular International Bachelor. Kamakailan nga ay may mga kumalat na larawan at videos sa internet na kinasasangkutan ng CEO at ng isang sumisikat pa lang na modelo na nagngangalang Alexia Lee. Naging usap-usapan po ito ngayon dahil may asawa na ang CEO. Kaya po ngayon ay narito tayo upang marinig- mismo mula kay Mr. James Ferrer- kung may katotohanan nga ang mga naglalabasang eskandalo." Pagbabalita ng reporter na nasa likod ni Sierra na halatang nasa live coverage.

Maya-maya pa ay tumahimik na ang lahat ng kunin na ni James ang mikropono.

"Good morning to all of you. I'm here today to clarify some issues being raised on different newspapers and television reports. At first, I didn't like to speak about it anymore because I believe it's just absurd to talk on things which are not true. However, lately.the issues somehow are affecting my company so I am here. So again, let me reiterate this- I don't have an affair to any woman because I have my wife and I love her." Mariing panimula ng lalake na tila nagpahinto sa pagtibok ng puso ni Sierra. Mababanaag ang sensiridad sa mukha ng lalake habang nakatunghay sa mga media.

"Kung ganun po ba, sinasabi ninyong wala kayong relasyon ng modelo na si Alexia Lee kahit na maliwanag na ito po ang kayakap nito sa mga litrato at mga videong kumakalat ngayon?" Pagkakalaro ng isang reporter.

"Like what I've said, I don't have any relationship with other woman except my wife." Muling pag-uulit ng lalake.

"Kumusta naman po ngayon ang inyong asawa? Marami po kasing ang excited makilala siya dahil never pa siyang nakilala ng publiko." Tanong ng isa pang media.

Napangiti si James at saka bumuntong-hininga.

"Well, we got married when I was 20. She's 14 then." Nakangiting wika ni James. Malakas na bulung-bulungan ang umalingawngaw sa loob ng bulwagan.

"Bata pa lang kasi kami ay pinagkasundo na kami ng mga magulang namin. My mom during that time was dying and asked me to marry her even she's really young that time. Our marriage became official when we turned into the legal age. Her name is Sierra Venosa. She's a great woman." Pagsasalaysay ng lalake. Si Sierra naman ay napasinghap at pakiramdam niya ay nagsisikip ang kanyang paghinga habang nakaupo sa likuran

"How about Alexia, sir. Ano po ang tingin niyo sa kanya?" Tanong naman ng isa pang reporter.

Napahinga naman ng malalim si James.

"Well, Alexia Lee is my company's newly hired model. She definitely looks awesome, but somehow mysterious." Nakangiting sagot ng lalake na may kakaibang kislap ang mga mata. SI Sierra rin ay hindi naiwasang mapatawa sa sinabi nito.

"Mysterious, ha.." Pag-uulit ni Terry na ikinangiti niya.

"Kung ganoon po sir, bakit humantong po sa yakapan ang naging eksena ninyo sa litrato with her? Sinadya po ba 'yun? Part ng commercial? Diretchong tanong ng isang reporter.

"No. It's real. I mean, I really embraced her." Nakangiting pag-amin ni James.

Muling umugong ang malakas ng bulung-bulungan. Si Terry ay nanlalaki ang matang tumingin sa kanya. Siya nama'y tila nangingiti sa napapanood na eksena.

"Bakit niyo po siya niyakap? I mean, alam niyong may-asawa kayo but then you embraced another woman…" Pagpapatuloy na tanong nito.

"Well, she's not a different woman. She has always been a part of me." Nakangiti pa ring sagot ng lalake.

'What do you mean, Sir? Inaamin niyo na po ba ngayon na may relasyon talaga kayo?" Muling pagkaklaro ng isang reporter.

"No. I don't have any relationship with Alexia Lee- but with Sierra." Muling sagot ng lalake. Muling umalingawngaw ang matinding bulungan. Halata ang kalituhan sa mga ekspresyon ng mga media na naroroon.

Huminga ng malalim si Sierra saka tumayo.

"Saan ka pupunta, Alexia?" Nag-aalalang tanong ni Terry.

"I think, it's time to clarify things." Ani niya dito saka nakipagsisiksikan sa mga press hanggang makarating na siya sa unahan. Napatayo naman si James at nagtagpo ang kanilang mga mata.

Nakasisilaw ang mga flash ng camera na ngayo'y nakapukol kay Sierra. Ang pangalang ALEXIA LEE ang kanyang naririnig na sigaw.

"Si Alexia Lee!" Kinig niyang ani ng ilang mga reporters.

Lumapit sa kanya si James na kinintalan siya ng maliit na halik sa pisngi saka siya iginiya paupo sa isa pang upuan sa tabi nito.

"Are you ready for this, honey?" Bulong sa kanya ni James.

Napabuntong-hininga naman siya saka kinuha ang mikropono.

"Good morning, guys. Actually, kanina pa po ako nakaupo sa likod at nakikinig. Kitang-kita ko na nako-confuse kayo sa mga sinasabi ni James patungkol sa relasyon ko sa kanya o with his wife. Ang totoo po niyan, Alexia Lee is not real. She's just a product of a woman's desire to find herself- to know what she really wanted to do. And now, she came to a point where she has to reveal herself." Panimula niya sabay sulyap kay James na matiim ang matang nakatunghay sa kanya.

"Diretchohin mo na kami Alexia. May relasyon ba kayo ni Mr. James Ferrer o wala?" Muling tanong ng isa pang reporter.

Huminga muna ng malaim si Sierra bago nagsalita.

"Being Alexia Lee, I don't have an affair with him. But...…. as Sierra Venoso- ofcourse I have…..because he's my husband." Mabagal niyang wika na tila iniinip ang mga nanonood sa mga gagawin niyang rebelasyon. Muling malakas na bulung-bulungan ang pumuno sa bulwagan. Kitang-kita niya ang pag-awang ng bibig ni Terry dahil sa pagkabigla. Mababakas din sa mukha ng mga press na naroroon ang matinding pagkabigla sa kanyang pag-amin.

"That's true. Alexia and Sierra are just the same person. I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa inyo because I want her to do it." Nakangiting sabi ni James saka inakbayan si Sierra at kinintalan ng maliit ng halik sa labi ang babae.

Malakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa lugar. Si Terry rin ay tila mangiyak-ngiyak sa pagpalakpak.

"Wow! This is a very nice love story! Pero let me know Mr. and Mrs. Ferrer, what happened there at Felicia Island where the video that leaked showed how emotional you are?" Muling tanong ng isa pang reporter.

Bagkus na si James ang sumagot ay si Sierra ang humawak sa mikropono.

"Almost 8 months ago, I left James. Tumakas ako, nagpakalayo-layo because I want to find myself. I really want to know what I really feel for him. Kasi alam niyo 'yung feeling na ipinagkasundo ka lang..when you turned 18, you'll realize you're married. So I tried to find a job. And I thank Terry for letting me be a part of the modeling agency. I thought I can be able to forget James but then we met again at Ferrer Heights. I remained so cold to him til I went to Felicia Island with the company for a work." Pagsasalaysay niya.

"I badly wanted her to come back to my life then.So I pleaded at the hotel lobby. I embraced her so tight to let her feel how much I missed her and love her." Pagpapatuloy naman ni James saka siya muling kinintalan ng halik sa labi.

"Now that we're together again- I will not ever let her leave me again." Muling ani ng lalake sabay kindat kay Sierra.

"I promise I won't leave you anymore..because now I'm really so sure of myself. I do love you, James Ferrer." Nakangiti niyang sabi dito na lalong ikinalawak ng ngiti ng lalake.

"I love you so much, honey." Malambing na wika ni James saka mainit na sinakop ang kanyang mga labi na parang sila lamang dalawa ang naroroon.

Malakas na hiyawan ang pumuno sa buong bulwagan. Isang standing ovasion ang ibinigay ng press sa kanila.

"Talagang sobrang kinikilig ngayon ang lahat ng press na naririto! Ang isang akala natin ay isang malaking eskandalo ay napalitan ng napakagandang pag-iibigan ni CEO at Chairman James Ferrer at ang napakagandang si Miss Sierra Venoso a.k.a Alexia Lee. Alam kong maraming masasaktan ngayon sa katotohanang ang napakagwapo nating bachelor noon na si James Lee ay confirmed married na, pero dapat lang tayong magsaya dahil he found he's one true love naman. Kaya eto muli ang inyong kachikahan sa umaga- Beauty Hernandez para sa Entertainment Today! Back to the studio!" Masayang pagbabalita ng babaeng reporter sa harap ng camera man nito sa bandang likuran na kinauupuan ni Terry.

Ang bakla naman ay mangiyak-ngiyak na lumapit kina Sierra ng makitang nakikipagkamay na ang dalawa sa mga press. Mahigpit niyang niyakap ang babae maging si James.

Magkahawak-kamay na nilisan nina Sierra at James ang hotel na wala ng anumang agam-agam.

Samantala, sa harap ng telebisyon ay lumuluha ngunit masayang nanonood si Shirely Venoso dala ang pag-asang makakaharap muli ang anak sa tamang panahon.

-Wakas-