1 promo girl

isang araw may isang babae na ang pangalan ay Zhaira na laging nabibigo sa pag ibig. Nang araw na iyon ay papunta sila sa school ng Pacita complex national high school para mamigay ng biscuit na voice. Sa haba ng byahe nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Habang abala ang mga kasama niya na mag ayos ng lamesa na paglalagyan nila ng mga biscuit, siya naman ay abala mag make up. Dahil kailangan maayos at maganda sila humarap sa mga estudyante. Makalipas ang ilang minuto bumaba na siya sa jeep para pumasok sa skul na dala dala ang malaking bag na may laman na mga biscuit. Nang pag pasok niya sa gate ng skul biglang may isang lalaki na nakatingin sa kanya at nakangiti. Ang pangalan ng lalaki ay Zac. Napangiti din siya dito ng di nya namamalayan. Habang nakangiti sila sa isat isa hindi nya maintindihan kung anong saya ng puso nya ng makita nya ang lalaki na para bang kakilala na niya ito at muli silang nagkita. At ng mga oras na yun parang tumigil ang ikot ng mundo at sa kanilang pagkikita ay isang pakiramdam na di maintindihan. Lumapit ang lalaki sa kanya na mukhang kabado at masayang masaya. Nakipagkamay si Zac kay Zhaira at nang makita ni Zhaira ang kanyang mga kuko biglang na turn off si Zhaira sa kanya. Dahil mahahaba ang kuko ni Zac ng mga panahon na yun. Sumunod na hiningi ni Zac ang facebook email ni Zhaira at cellphone number nito kahit na wala pa siyang cellphone ng mga panahon na yun. Humingi naman ng papel at bolpen si Zhaira sa kanya. Dahil sa di nya alam ang gagawin nya nakalimutan nyang may notebook siya na nakaipit sa kilikili nya, at nang agaw pa siya ng kapirasong papel sa katabi nya. Dahil di lang siya ang lalaki na lumapit kay Zhaira ng mga oras na yun marami silang humihingi ng number at email ni Zhaira. Natawa lang si Zhaira sa kanya kasi ang cute ni Zac sa ginawa nya. 😊 Di naman nag dalawang isip si Zhaira na ibigay ang email at number nya at saka pa lang niya naalala magbigay ng biscuit sa kanila dahil yun ang trabaho niya ng mga oras na yun. Binigyan niya ng tatlong biscuit si Zac at tuwang tuwa na umalis dahil baka makaabala siya kay Zhaira sa pag tratrabaho nito. Nang araw na yun may program sa skul na yun kaya magulo ang mga estudyante. Habang nagbibigay si Zhaira ng mga biscuit di niya alam na binabantayan siya ni Zac saan man siya pumunta. Dahil napakaraming lalaki na umaaligid kay Zhaira para hingiin ang number niya. At sa bawat kilos ng mga lalaki na nakapaligid kay Zhaira ay nakabantay si Zac. Nang biglang my yumakap kay Zhaira na kunwari di sinasadya, nainis si Zhaira kaya umalis na ito at bumalik na sa mga kasama niya. Sa isang banda di niya alam na sinapak ni Zac yung lalaking bumastos sa kanya. Dahil si Zac ay kilalang pasaway at palaaway sa skul nila sa madaling salita BAD BOY siya yun ang tawag kay Zac ng mga estudyante dun. Ngunit habulin ng babae si Zac sa skul nila dahil kahit maliit na lalaki ito magaling siya pumorma at cute talaga siya. Pero hindi siya yung lalaki na kalikaliwa ang mga babae. Pag magmahal si Zac totoo at iisa lang, di niya ito niloloko. Pero alam niya sa sarili niya na di pa din niya nakikita ang tunay na magpapatibok ng puso niya. Dumating na ang oras na uuwi na si Zhaira at nakita ito ni Zac. Nagkunwarian siya na tutulog magbuhat ng mga lamesa dahil di siya pedeng lumabas ng skul na di pa tapos ang program. Pero may pagkapasaway si Zac ginawa niya ito para makalabas at sa huling sandali makita niya si Zhaira. At habag papalayo na ang sasakyan ni Zhaira nandoon pa din yung saya na naramdaman ni Zhaira at Zac sa puso nila na ngyun lang nila naramdaman. At dito nagtatapos ang unang chapter ng ating kwento, abangan nyo ang susunod na kabanata kung ano gagawin ni Zac para ligawan ni Zhaira at kung paano niya ito mapapasagot! 😊😊😘

avataravatar