13 T W E L V E

     Ilang minuto mula ng matapos ang shift ko at halos lahat ng mga kasama ko ay nakauwi na. Konti nalang kaming natira doon. Pagkapalit ko ay tinawagan ko si Arlyn para sabihin na pauwi na ako dahil nga nangako siya na susunduin ako.  Sabi niya mga 30 minutes pa daw kasi wala pa ang daddy niya kaya maghihintay pa ako ng 30 minutes. Habang naghihintay sa may harap lang restaurant ay may humintong puting kotse sa harapan ko. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang paglalaro sa cellphone ng biglang may magsalita sa harapan ko.

  "Hindi ka pa ba uuwi?," Nagulat ako ng makitang nakatayo si Cj sa harap ko at nakatingin sa akin.

  "Maya-maya pa, hinihintay ko si Arlyn eh sabi niya 30 minutes pa daw," sagot ko sabay tingin sa orasan.

  "Tawagan mo,sabihin mong wag ng pumunta," sabi nito.

  "Ha?," takang tanong ko sabay tingin ulit sa kanya.

  "Ihahatid na kita, wala ng tao dito mamaya," sagot niya na ikinabigla ko. Seryoso ba? O guni-guni ko lang?

 

 

  Pinanuod ko siya ng lumakad siya patungo sa kotse niya.

  "Halika na ihahatid kita," sabi niya ng napagtantong hindi ako gumagalaw sa kinalalagyan ko. Nilapitan niya ulit ako at inilahad ang kamay sa akin. Ilang sandali ko munang tinitigan ang kamay niya dahil hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Nang hindi pa din ako kumilos ay siya na mismo ang kumuha ng aking kamay at marahan akong hinatak patayo. Nang dumikit ang balat niya sa balat ko ay dumoble pa ang lakas ng tibok ng puso ko at ang kabang palagi kong nararamdaman kapag malapit siya sa akin. Inakay niya ako hanggang sa tapat ng passenger seat bago buksan ang pinto nito at igiya ako papasok. Hinawakan ko ang dibdib ko nang makaupo na ako at nang maisara na niya ang pinto. Ilang beses akong napalunok at pinipigilan ko lang ang sariling kurutin ang pisngi para siguraduhin na gising ako at hindi ako nananaginip.

  "Natawagan mo na ba ang susundo sa iyo?," tanong niya ng makasakay din habang ikinakabit ang seat belt niya. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko ng dumukwang siya at lumapit sa akin.

My God She! Huminga ka, kumalma ka at wag kang impokrita! Tutulad ka ba sa mga napapanuod mo? Ikakabit lang niya ang seatbelt mo gaga!

  Dahil sa kanya inaaway na ako ng sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na siyang ikabit ang seatbelt sa akin at bumalik na din sa wakas sa kanyang pagkakaupo. Palihim akong bumuntong hininga at pilit na kinakalma ang sarili dahil nagwawala na ang puso ko dahil sa mga nangyayari. Muntikan ko ng mailaglag ang cellphone ko ng tumunog ito. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag. Si Arlyn pala ang tumatawag para sabihing 10 minutes nalang pero sinabi ko na wag na akong sunduin dahil nakasakay na ako. Syempre dahil maurirat yon ay tinatanong niya kung kanino sabi ko saka ko na ipapaliwanag sa kanya.

   "Saan nga pala ang sa inyo?," tanong niya ng nasa daan na kami. Tahimik kong itinuturo sa kanya ang daan. Napag-alaman kong alam niya ang daan papunta sa amin dahil may kaibigan pala siyang doon din nakatira sa barangay namin. Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ko. Hindi ko din naman alam kung paano ko sisimulan ang conversation. Sobra pa din kasi ang pagkabog ng puso ko. Ilang sandali pa ay malapit na kami sa bahay ko. Sinabi kong ihinto nalang sa tapat ng poste ng ilaw dahil katapat na non ang bahay namin.

   "Uhm, salamat ha," sabi ko ng nakahinto na kami.

  "Asan ang bahay ninyo jan?," tanong niya habang nakalingon sa mga bahayan. Itinuro ko sa kanya kung saan at inaya siyang magkape muna.

  "Maybe next time, medyo gabi na din kasi pero since alam ko na ang bahay niyo,lilibot nalang ako para makilala ko naman ang pamilya mo," sabi niya na ikinagulat ko ng sobra. Bakit gusto niyang makilala ang pamilya ko??

Napatango nalang ako bago muling magpasalamat sa kanya bago tuluyang bumaba. Bago siya umalis ay ibinaba niya ang bintana at lumingon sa akin.

 

  "Salamat ulit sir, ingat kayo sa pag-uwi," sabi ko ulit sa kanya. Nginitian niya ako bago tumango at muling itaas ang bintana at umalis na.

Ilang minuto na siyang wala sa paningin ko ay hindi padin ako pumapasok sa bahay. Grabe, inihatid niya ba talaga ako??

  Napapailing ako habang naglalakad patungo sa bahay namin. Hindi na ako nakakain ng gabing iyon dahil sa sobrang kilig. Busy kasi sa paglipad ang mga paroparo sa tiyan ko. Habang nakahiga ay paulit-ulit kong iniisip ang mga pangyayari kanina. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at mamilipit dahil sa kilig. Pero sinaway ko din ang sarili dahil ayokong umasa ulit. Ayoko ng masaktan ng dahil sa kanya.

~~

   "Ano na girl, kwento na dali," sabi ni Arlyn ng nasa locker room kami kinabukasan.

   "Oo nga, bakit may bulungan na inihatid ka daw ni Cj?," pakli naman ni Lorraine habang nagpapalit ito ng uniform. Napabuntong hininga ako bago magkwento sa kanila. Lahat ng detalye ay sinabi ko at wala akong kinalimutan sa mga nangyari dahil hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa din sa alaala ko ang mga nangyari kagabi.

  "Grabe girl! Baka ito na ang tamang panahon para sa inyo ni Cj?," kinikilig na sambit ni Lorraine..

  "Ito na siguro ang continuation ng love story ninyong dalawa,"

  "Wag mo ngang bigyan ng false hope si She," nakasimangot na sambit ni Arlyn kay Lorraine bago lumingon sa akin.

  "Alam mo She, bibigyan ka lang ng lalaking iyan ng pag-asa pagkatapos ay paiiyakin ka na naman,"

  "Alam mo Arlyn, naiintindihan namin na kagagaling mo lang sa break up pero please, kung bitter ka wag mo ng idamay si She," sabi nitong nakataas ang isang kilay habang nakatingin kay Arlyn. Lumingon ito sa akin at ngumiti bago hawakan ang magkabila kong pisngi at pigain ito.

  "Malay mo naman, ito na talaga ang panahon para kay She, kaya wag mo ng sirain,"

  Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko.

  "Alam ninyo, magtrabaho na tayo, kapag nakita na naman ako ni Ma'am Ana, pagagalitan na naman ako nun," sabi ko sabay hatak sa kanila palabas ng locker room para simulan na ang aming trabaho.

 

    ***

 

avataravatar
Next chapter