4 T H R E E

   Sabado ng umaga, maaga akong gumising dahil nga tumango ako na pupunta sa practice namin. Kahit nagdadalawang isip ay gumayak parin ako. May dula kasi kami sa Filipino kaya kami magpapractice. Kahit maaga akong gumayak ay naunahan parin ako ni Arlyn.

Nang makagayak ako ay umalis na din kami ni Arlyn patungo sa school. Pagdating namin ay nanduon na ang iba naming classmate at kagrupo, pati si Jenny.

Okay naman ang lahat, nakakasunod sila sa scrip namin, mukhang makakakuha naman kami ng magandang grades. Nakailang practice pa kami bago magreklamo ang ilan na magmeryenda daw muna.

Nagpunta kami ni Arlyn sa isang grocery malapit lang sa school para bumili ng makakain. Habang bumibili si Arlyn ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa bulsa ko para tignan kung sino ang nagtext.

Unknown number na naman. Binuksan ko yung message at binasa. Ang nakalagay sa text ay "bro asan ka?,". Nawirduhan ako sa text kaya nireplyan ko, tinanong ko kung sino sya kaya ko lang nalaman na sa sim two pala iyon text.

"Loko talaga si Alvin,mukhang kung sino sino ang itinext gamit ang sim ko," reklamo ko kay Arlyn habang papunta na ulit kami sa school.

"Tapon mo na kasi yan, may sim ka pa namang iba," sambit naman ni Arlyn.

Mayamaya ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko ulit kinuha sa bulsa ko. This time tawag naman. Kahit nagaalangan ay sinagot ko parin.

"Hello?," panimula ko at hinintay sumagot ang nasa kabilang linya.

"Alvin nasaan kaba?," sabi ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Hindi si Alvin to, hiniram lang nya itong sim nato," paliwanag ko.

"Sino ba to?,"

"Si Cj to," nang marinig ko iyon ay napahinto ako sa paglakad at napatulala. Paulit-ulit kong naririnig ang boses na sinasabi ang pangalan nya.

"Hello? Nandyan ka pa ba?," kaya lang ako napabalik sa katinuan ng magsalita sya ulit.

"O-Oo," maikling sagot ko. Hindi parin nakakabawi sa pagkabigla.

"Sino nga pala to?,Kasama mo ba si Alvin," tanong nya ulit at hindi ko malaman ang gagawin ko dahil parang musika sa pandinig ko ang boses nya.

"S-Si Sheyi to, hindi ko sya kasama," sagot ko na pinipilit pinapatatag ang boses.

"Nasa school kasi ako, sasabihin ko nalang na tumawag ka,"

"She, ikaw pala yan," sabi nya na lalo ko pang ikinabigla.

"Kilala moko?," gulat na tanong ko.

"Oo naman, ikaw yung grade 8 na kaibigan ni Alvin," sabi nya kaya lalo akong napanganga.

"Sige She, ingat ka dyan, paki sabi nalang kay Alvin na tumawag ako,"

Ni hindi na ako nakapagsalita hanggang sa mamatay ang tawag dahil sa sobrang kilig.

"Tapos na ba?," bagot na tanong ni Arlyn na nakatayo lang sa tabi ko.

"Aaarlyyyn!!," tili ko sabay talon ng paulit-ulit.

"Tumawag si Cj!! Kilala nya ako!!,"

Napailing nalang sya bago ako hatakin pabalik sa school.

Ilang araw akong hindi makatulog dahil sa tawag na iyon. Naubos ko na din ang bulalak ng millionaire ni Mama kaka-he loves me, he loves me not. Kahit nalang hindi na naulit iyong pag-uusap namin na iyon ay masaya parin ako. Umaasa ako na isang araw ay makakapag-usap din kami ng personal. Sabi nga ni Arlyn nababaliw na daw ako.

Hindi naman masamang mangarap diba? Hindi masamang maghangad ng bagay bagay. Kapag gumagawa ang tadhana ng bagay na nagiging dahilan ng lumalawak na pagkakagusto ko sa kanya, gumagawa din ang kapalaran ng bagay na nakakapagpawasak sa kaunti kong pag-asa.

Ilang araw bago ang Christmas party, nakatanggap ako ng text mula kay Lorraine na mag-usap daw kami pagkatapos ng klase. Kahit nagtataka ay nagkibit balikat nalang ako at hinintay na matapos ang klase. Sa library kami magkikita kaya pagkatapos ng last subject namin ay nagtungo na ako sa library. Hindi namin sya kaklase sa huling subject kaya nauna na sya sa library.

"Ano ba meron?," takang tanong ko bago umupo sa harapan nya.

"Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin ah,"

"Uh, ano kasi..," nag-aalangang sambit nya.

"Pano kung..,"

"Ano ba nangyari kasi?," tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"May kakilala kasi ako, ano eh.. Yung taong gusto nya, nagkagusto sa kaibigan nya,niligawan ang kaibigan nya,"nakatitig din sa akin na turan nya.

"Oh tapos?,"

"Paano kung... Kung sa iyo mangyayari yon? Anong gagawin mo?," tanong nya kaya napatahimik ako. Napatulala at napaisip habang nakatitig sa mga mata ni Lorraine.

"Bakit hindi mo nalang ako diretsahin?," sambit ko na ikinabigla nya.

"Nililigawan ka ni Cj?,"

Nang itinanong ko ang bagay na iyan ay ang tanging iniisip ko ay sana'y mali ang mga assumption ko pero ang pag-asang nararamdaman ko ay tuluyan ng nagiba dahil sa mga narinig ko sa bibig nya.

"Oo eh," sagot nya bago magbaba ng paningin. Nakaramdam ako ng betrayal na dapat ay hindi ko nararamdaman dahil wala namang kasalanan si Lorraine at saka hindi kami ni Cj.

"She? Galit ka ba?? Sorry,"

Ngumiti parin ako kahit na nasasaktan ako. Hindi ko ipinakita na nasasaktan ako.

"Syempre naman hindi," sagot ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha.

"Bakit naman ako magagalit, ganoon talaga, wala kang kasalanan. Sige alis na ako ha?,"

Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin nya dahil ayokong maiyak sa harap nya. Pag-uwi ko ay nagpunta ako kila Arlyn, mas maaga syang umuwi sakin kasi natagusan sya kanina.

Sinabi ko lahat sa kanya. Umiyak ako sa harap nya. Tumulo uhog ko sa harap nya.

"Tumigil ka nga," inis na lintanya nya sabay abot sa akin ng tissue.

"Hindi pa man kayo ganyan kana,"

Inirapan ko nalang sya at nagpatuloy nalang sa pag-iyak. Palibhasa kasi hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko.

Buti nalang ay sabado kinabukasan kaya hindi nila makikita na maga ang mata ko. Hinatid ako ni Arlyn sa bahay nang matapos ang mahaba kong drama. Nakatulog ako ng umiiyak. Daig ko pa ang may jowa na nabroken heart.

Pagdating ng lunes ay pinilit kong ibalik ang dati kong sigla para walang makahalata. Sa totoo lang, parang ayoko na ngang pumasok eh, kaya lang ang aga na namang nagpunta ni Arlyn sa bahay. Wala man lang syang kasuposuporta sa akin.

Pagpasok namin sa room ay dumiretso ako sarili kong upuan. Hindi ako nag-abalang makipagkwentuhan sa mga iba pa naming kaklase. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin si Lorraine at bumulong.

Ilang minuto nang nakaalis si Lorraine sa tabi ko ay nakatulala parin ako.

"Huy? Napano ka ba?," tanong ni Arlyn na nakipagpalit na naman sa katabi ko ng upuan. Tumitig ako sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang balikat.

"Fake news Arlyn! Fake news," sabi ko habang niyuyugyog sya. Agad naman nyang tinabig ang kamay ko at lumayas sa tabi ko.

"Baliw," sabi nya sabay layo sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako masaya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sabi kasi ni Lorraine ay iba daw yung Cj na nanliligaw sa kanya at ang Cj my loves.

Si Carl Jonathan pala ang nanliligaw sa kanya at hindi si Cris Jhon. Magkaklase sila at pareho silang tinatawag sa nickname na Cj.

Akala ko talaga nililigawan niya si Lorraine. Sobrang saya ko dahil hindi pala totoo iyon. Sa sobrang saya ko isang linggo kong binabaunan ng hotdog si Arlyn. Iba talaga ang nagagawa ng love kahit pa sabihin na masyado pa akong bata para mintindihan kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Kahit na sabihin ng iba na mura pa ang isipan ko para rito ay walang makapipigil sa akin na magmahal. Because for me, that's love.

***

avataravatar
Next chapter