14 T H I R T E E N

     "She, pinatatawag ka ni Ma'am Ana sa office  niya," sabi ni Antony at halata sa mukha niya ang pag-aalala.  Napasimangot ako bago tumango at magtungo sa office. Ilang araw matapos noong inihatid ako ni Cj. Maraming bulungan ang nangyari dahil sabi ng iba, ngayon lang daw ginawa ni Cj iyon. Kinikilig ako oo,pero pinipigilan ko pa din ang sarili ko dahil nga ayoko ng masaktan.

   "Ma'am, ipinapatawag niyo daw po ako?," nakayukong tanong ko ng nasa loob na ako ng office niya.

 "Ano bang pinakain mo kay Jhon at nakuha mo ang atensyon niya?," taas ang isang kilay na tanong niya sa akin.

  "Po?," takang tanong ko. Napairap siya bago tumingin sa akin ng masama.

   "Kung hindi lang niya sinabi, I'm not gonna be easy on you. Pasalamat ka at si Jhon ang nakiusap para sayo," sabi nito bago ako tuluyang itaboy. Pero bago ako makalabas ay muli siyang nagsalita.

  "But She,mag-iingat ka pa din,dahil babantayan ko pa rin ang bawat kilos mo,so don't do any mistake,"

Nakasimangot akong lumabas sa office ni madam maldita at nagdiretso sa likod ng restaurant na para lamang sa mga empleyado, pinaka pahingahan din kaya lang dito tumatambay si Geraldine at si Ma'am Ana kaya sa locker room lang kami pero ngayon sigurado akong walang tao doon dahil work hour pa. Doon ako nagtungo para huminga at kalmahin ang sarili.

  Bakit ba galit na galit sa akin ang babaeng yon? Saka bakit naman kinausap siya ni Cj para sa akin?

  Ilang sandali pa akong nanatili doon at nang matiyak na ayos na ako ay napagpasiyahan kong pumasok na sa loob at baka mapagalitan na naman ako. Lumipas ang maghapon na walang nangyaring kakaiba, bukod sa mga mapanuring mata ni Ma'am Ana na nakasunod palagi sa bawat galaw ko. Gustuhin ko man magkamot ay hindi ko magawa. Punyetang Ana na iyan. Ano kayang problema sa akin?

   "Alam mo, may gusto ata sa iyo si Ma'am Ana," sabi ni Lorraine habang nagpapalit kami dahil tapos na ang shift namin. Napasimangot ako at hindi napigilang kilabutan dahil sa mga sinabi niya.

  "Pwede ba Lorraine? Pagod na ako sa maghapong pagsunod niya sa bawat galaw ko, pwedeng wag mo na siyang banggitin?," lintaya ko habang nakasimangot. Tatanda ata ako agad sa lugar na ito dahil sa kakasimangot.

  "Ano ba ang tagal nyo naman," reklamo ni Arlyn. Kanina pa kasi siya nakapagpalit at kami nalang ni Lorraine ang hinihintay. Nang makauwi ay nag-aayang tumambay muna sa kanila si Lorraine dahil unang madadaanan ang bahay nila. Sabi ko sa susunod nalang dahil medyo napagod din ako kaya nagdiretso na din kami ni Arlyn pauwi. Maaga akong nakatulog dahil sa pagod na nararamdaman.

~~

    

   Sa mga sumunod na araw ay palihim parin akong tumitingin sa gawi ni Cj at kapag lilingon naman siya ay agad akong tumatalikod.

  "Ayan tayo eh," puna ni Arlyn sa akin ng minsang mahuli niya ako sa pagsilay kay Cj.

   "Parang bumalik tayo sa nakaraan ah?," nakahalukipkip na turan nito.

   "May tinitignan lang ako," pagsisinungaling ko pero alam ko namang hindi ako makalulusot sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay bago hatakin patungo sa usual spot namin.

  "Ganyang-ganyan ka din noon. Ano bang meron sa lalaking iyan at ganyan nalang ang paghanga mo," tanong niya habang nakatayo kami at naghihintay ng mga customers na tatawag sa amin.

   "Hayaan mo na ako, ito nalang ang ikinasasaya ko," nakalabing sambit ko sabay lingon sa kanya ngunit napawi ang pagpapacute ko sa kanya ng malingunan kong nakatingin na naman si Ma'am Ana sa akin. Automatic akong napatahimik. Mukhang mapapagod na naman ako ngayong araw.

 

   "For table 20," sabi ko sabay abot ng piraso ng papel na may lista ng order para sa table 20. Pasimple akong sumilip at iniikot ang pangingin sa loob ng kusina. Nagulat ako ng biglang sumulpot ang mukha ni Antony at natawa ng makita ang gulat kong mukha. Napairap ako ng makabawi sa pagkakagulat.

  "Sino bang sinisilip mo?," tatawa-tawang tanong niya.

  "Hinihintay ko lang ang order noh," defensive na sagot ko sabay halukipkip. Napansin kong kakaiba ang suot niyang uniform.

"Bakit ganyan ang suot mo?," tanong ko.

  "Eh, dito na kasi ako, kulang ng cook assistant kaya kinuha ako ni Sir Jhon," paliwanag nito. Naputol lang ang usapn namin ng dumating na ang pagkain na para sa table 20. Nagpaalam ako kay Antony at sinabing mamaya na lamang kami mag-usap.

Nang mailapag ko ang order sa table 20 ay agad kong nilimpya ang mga plato at kalat sa katabing table nito. Pagkatapos kong punasan ay muli akong bumalik sa pwesto namin. Ako lang mag-isa ang nandoon dahil busy pa ang iba kaya tahimik lang akong naghintay.

~~

  Kinabukasan ay maaga akong pumasok nauna ako sa dalawa dahil nakatanggap ako ng text mula kay Ma'am Ana na agahan ko daw. Pagdating ko ay si Manong guard palang ang nandoon at ang utility. Pagkabihis ay sa kusina ako dumiretso para gawin ang trabaho doon. Pagpasok ko ay walang tao kaya naman kumuha ako ng malinis na tela at tahimik na sinimulan ang pagpupunas ng mga kagamitan. Ano kayang problema na naman ni Ma'am Ana at maaga akong pinapasok?

  Napasimangot ako ng maisip na baka naman sinabi lang iyon ni Ma'am dahil trip na naman niya ako. Naglilihi kaya?

  "Nandyan ka na pala," nagulat ako ng may magsalita sa harapan ko. Nang mag-angat ako ng paningin ay nakita kong nakatayo si Cj sa harapan ko at may hawak na mga karne na nakalagay sa isang tray.

  "Ikaw muna ang papalit kay Antony, may sakit siya at hindi makakapasok ng ilang araw,"

  Ako? Patay! Paano ako makakapagtrabaho ng maayos kung kasama ko siya?

  ***

avataravatar
Next chapter