7 S I X

Sheyi's POV

"Uy, sasali ba kayo sa JS natin?," tanong ni Lorraine habang nagsusulat ng lecture namin.

"Sasali ako," sagot agad ni Arlyn. Syempre yan ang sasabihin nya dahil sabi nga nya hindi nya palalagpasin ang ganitong pagkakataon.

"Ikaw ba?," baling nya sa akin.

"Ewan, pag-iisipan ko pa," sagot ko habang nagsusulat.

"Sasali ka, wag ka nang mag-isip!," turan ni Arlyn. Okay wala na din akong sariling isip. Sya na din ang nagdedesisyon para sa akin.

"Tinanong nyo pa ako??," nakasimangot na lintanya ko.

"Malapit na ah, ilang araw nalang," sabi ulit ni Lorraine sabay bilang sa kamay nya.

"Apat na araw nalang, may susuutin na ba kayo?,"

Iling lang ang isinagot namin ni Arlyn.

"Ako din eh, sabay sabay na tayong magrent?," anyaya nya sa amin.

"Hindi ako magrerent lang, bibili ako," mayabang na turan ni Arlyn na hindi naman namin pinansin ni Lorraine. Minsan may pagkamayabang din sya eh. Sanay na kami.

~~

"Wow girl ang taray ng aura mo ngayon ah?," puna ni Arlyn habang iniikutan ako.

"Para kang kontra bida sa isang teleserye na handa nang maghigante,"

Iniikot kolang ang aking mga mata sa kumento nya bago tumitig sa repleksyon ko sa salamin. Black na cocktail dress ang suot ko na tinernuhan ko nang black din na high heels. Mama ni Arlyn ang nag-ayos sa amin dahil may mga gamit naman sila para tipid. Kinulot nya ang hanggang bewang kong buhok na ngayon ay hanggang balikat ko nalang.

Nilagyan din ako ni Tita ng fake eyelashes para magstand out daw ang mata ko. Hindi gaanong makapal ang make up na ini-apply nya kaya parang natural lang ang itsura ko. Ang kapansin-pansin lang ay ang dark red na lipstick na inilagay nya sa labi ko kaya sabi ni Arlyn ay para daw akong kontrabida. Habang sya naman ay kulay puti na cocktail dress. Simple lang ang ayos nya. Ang buhok nya ay pinlantsa lang ni Tita. Ang make-up nya ay natural lang din kagaya ng sa akin. Ang pinagkaiba lang ay ang lipstick.

"Okay na yan, basag na ang salamin namin," sabi nya bago ako hilahin palabas ng kwarto nya.

"Dalagang dalaga ah," puna ng papa ni Arlyn sa amin nang masalubong namin ito sa salas nila na sinagot lang naming dalawa ng thumbs up at hagikgik.

Inihatid kami ng papa nya hanggang sa convention center ng lugar namin dahil doon gaganapin ang JS prom.

"Ready?," tanong ni Arlyn nang nasa harap na kami ng convention center.

"Time to shine girl!,"

"Alam ko na ibig sabihin nyan," sabi kong nakatawa.

"Grab a boyfriend girl!,"

Tinawanan nya lang ako at nagsimula nang humakbang papasok sa convention. Pagpasok namin ay marami nang tao sa loob. Lahat ay pabongahan ng gown at dress. Hindi nga namin nakilala agad ang mga classmate namin dahil sa mga make-up nila. Nasa bandang gilid ang upuan ng section namin.

"Wow nemen! Ang gegende eh," sabi ni Lorraine sabay yakap sa amin ni Arlyn.

"Huy! Ano ba! Malulukot ang dress ko," pag-iinarte ni Arlyn bago itulak palayo si Lorraine. Natawa nalang ako sa kakulitan nilang dalawa.

Ilang minuto pa kaming nag-asaran at nagkwentuhan ng magsimula na ang programa. Habang busy ang lahat sa pakikinig sa sinasabi ng MC ay busy din ako sa paglibot ng paningin sa paligid. Napansin naman ako ni Arlyn kaya siniko nya ako.

"Sino ba ang hinahanap mo?," tanong nya na sinagot kolang ng pag-iling.

"Nako-nako!! Si Cj na naman noh?,"

Hindi ko nalang sya pinansin at nakinig nalang sa sinasabi ng MC. May pageant na gaganapin ngayon at sabi ng MC ay magsisimula na. Tahimik kaming nanuod at minsan ay natatawa dahil may ilang mga kalahok ang madalas matapilok. Nang magsawa ay nagkwentuhan na lang kami.

Ilang minuto din ang lumipas bago matapos ang pageant para sa Mr. and Ms. JS. Nang ianunso na ang nanalo ay nagulat pa ako dahil ang nanalong Mr. JS ay si Cj. Ni hindi ko napansin na kasali pala sya. Hindi kasi namin tinapos,nakipagkwentuhan lang ako at nagselfie lang kami nila Arlyn.

"Gulat ka noh," biro ni Arlyn sa akin bago ako hatakin patayo.

"Bakit ba?," tanong ko ng kaladkadin nya ako sa dance floor.

"Shunga ka talaga! Nasaan ka na naman ba? Nasa outer space?," tanong nya bago kami huminto sa gitna ng dance floor.

"Sayawan na, hindi ka ba nakikinig,"

Napalingon ako sa paligid at tama nga sya, marami nang tao sa dance floor at nagsasayaw.

"Gusto ko sana lalaki man lang ang first dance ko," reklamo ko sa kanya.

"Palagi nalang tayong dalawa ang magkasama, nangangamba na nga ako na baka ikaw na lang din ang makasama ko sa habang buhay,"

"Bakit may masama doon?," nakasimangot na tanong nya. Tinawanan ko lang sya at nagpatuloy nalang sa slow dance namin.

"Huy, nakatingin sayo si Cj," sabi nya maya-maya.

"Funny," bagot na sagot ko lang. Gusto kong mag-enjoy ngayon at ayoko munang isipin si Cj. Nagulat nalang ako ng biglang ibaling ni Arlyn ang mukha ko sa isang sulok at doon nga ay nakita ko si Cj na may kausap na babae.

"Arlyn? Pinagtitripan mo ba ako?," medyo inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi!," sagot nya. Tinitigan ko lang sya ng masama.

"Nakatingin sya talaga sayo kanina!,"

Kaysa mag-away pa kami ay hinayaan ko nalang sya sa mga sinasabi nya. Lumipas ang oras at nasa dance floor parin kami ni Arlyn. Mababait ang mga kaklase naming lalaki kaya hindi kami nabangko ni Arlyn. Pati si Alvin isinayaw din kami.

"Iidlip lang ako," bulong ko kay Arlyn nang nakaupo na kami. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko.

Hiniram ko ang dala nyang jacket at itinakip sa mukha ko at sinubukang umidlip.

Hindi pa man ako nakakaidlip ay may humawi ng nakatakip sa mukha ko. Si Arlyn pala.

"May gustong magsayaw sayo," sabi nya na sinagot ko lang ng simpleng ayoko. Pero hinatak nya ako patayo.

Parang nagslow motion ang lahat ng makita ko si Cj na palapit at nakatingin sya sa akin. Hindi ako makagalaw. Pinipilit kong isaksak sa utak ko na hindi ito totoo. Imposible.

***

avataravatar
Next chapter