17 S I X T E E N

      "Hoy babae! Magpaliwanag ka nga,bakit nawala ka nalang bigla kahapon?," sita sa akin ni Arlyn ng magkita kami kinabukasan. Maaga kasi akong umuwi kahapon dahil wala naman akong ginagawa kasi nga kay Michael lahat ipinagawa ni Cj ang mga gawain ko. At maaga din akong pumasok dahil iyon ang bilin ni Ma'am Ana kaya heto at ngayon nila ako binabato ng mga katanungan nila habang nasa locker room kami.

  "Nasugatan kasi ako eh," sagot ko sa kanila bago ipakita ang sugat ko sa kamay na nilagyan ko ng bandaid.

  "Dahil lang dyan?," gulat na tanong ni Arlyn.

  "Eh noong elementary tayo ang laki ng sugat mo sa tuhod pero pumasok ka pa din. Tapos maliit na sugat lang umuwi ka agad?," hindi makapaniwalang tanong niya.

  "Bakit hindi ka man lang nagsabi sa amin na uuwi ka ng maaga?," tanong naman ni Lorraine.

  "Siguro totoo ang sabi-sabi nila na pinag-awayan ka daw ni Cj saka nung isang gwapong chef?,"

"Si Geraldine na naman ba ang nagpakalat niyan?," walang ganang tanong ko.

  "Hindi, narinig lang namin sa ibang cook assistants," sagot nito.

   "Inako pa nga daw ni poging chef ang lahat ng gawain na sana ay gagawin mo,"

  "Michael ang pangalan niya," napapailing na turan ko.

  "Close ba kayo? Ilakad mo nga ako?," sabi nito na inilapit pa ang mukha sa akin. Hinatak siya palayo ni Arlyn.

  "Umeepal ka na naman, nakita mong inako nga niya ang gawain ni She edi ibig sabihin kay She may gusto iyon," sabi naman ni Arlyn.

  "Baka lang naman kasi makalusot," nakalabing sagot naman ni Lorraine.

  "Tumigil nga kayong dalawa," inis na turan ko.

  "Hindi sila nag-away at Arlyn walang gusto sa akin si Michael, nakikita lang daw niya sa akin ang kapatid niya kaya siya malapit sa akin," paliwanag ko bago sila iwanan upang matungo na sa kusina. Huling araw ko na doon dahil bukas ay papasok na si Antony.

  Nang pumasok ako ay si Michael lang ang naabutan ko doon. Nilapitan ko siya.

  "Goodmorning kuya," pabirong bati ko sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya, marahil siguro ay wala akong kapatid na lalaki at sa kanya ko nakikita iyon.

  "Wag ka masyadong naglalalapit sa akin," nakangiting sabi niya matapos lumayo ng kaunti.

  "Baka magselos na naman ang boyfriend mo,"

  Napairap ako at napailing.

"Hindi ko nga siya boyfriend," sagot ko.

  "Pero gusto mo siya?," tanong niya habang nakangisi na naman at paulit ulit pa na itinaas ang dalawang kilay.

  "Wag mo ng itanggi, nakikita kita palagi na pasimpleng tumitingin sa kanya, kitang-kita sa mata mo,"

Ilang sandali akong natahimik bago muling magsalita.

  "Halata ba talaga," nakangiwing tanong ko. Tumango siya bago pitikin ang noo ko kaya agad akong napasimangot.

  "Oo kaya kung ako sayo, aminin mo na kasi mukhang nagtataguan lang kayo ng nararamdaman," muling sabi nito.

  "Ang dami mong alam bakit na-inlove ka na ba?," nagdududang tanong ko.

  "Hindi pa," natatawang sambit niya kaya napangiti ako sa naisip ko.

  "May ipapakilala ako sayo," sabi ko habang itinataas baba ang mga kilay.

  "Sino? Iyong kulay abo ang buhok na palagi mong kasama?," excited na tanong niya na ang tinutukoy ay si Arlyn.  Oops! Sorry Lorraine, mukhang si Arlyn ang type ng gwapong chef mo.

  Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ng tawagin ako ni Geraldine. Kahit nagtataka kung bakit ay lumapit padin ako.

  "Sabi ni Sir Jhon paki kuha mo naman daw ang karne ng baka na nakalagay sa green na box sa storage room," nakataas ang kilay na sambit nito.

  "Ako?," takang tanong ko. Ngayon palang ako inutusan ng ganito ah?

  "Oo sino pa ba? Baka inaasahan mong si Michael na naman ang gagawa nyan para sa iyo," nakapamewang na turan niya.

  "Gumising kana, kung inaakala mong may pag-asa ka kay Cj,"

Gusto ko din siyang tarayan pero ayoko namang pumatol sa sira-ulo kaya nginitian ko nalang siya. Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita.

  "Siya nga pala Sheyi, kalimutan mo na ang pagpapantasya mo kay Cj dahil magkasama sila ngayon ni Ma'am Ana and for your info, may nakaraan sila at nalalapit nang muling magkabalikan," sabi nito bago ako tuluyang iwanan. Chismosa talaga! Hindi ko naman tinatanong!

Napairap nalang ako at napailing. Aaminin ko, naapektuhan ako sa sinabi niya. Kaya siguro mainit ang ulo sa akin ni Ma'am Ana, baka sinabi ni Geraldine na mula high school ay hinahabol ko na si Cj. Walang duda, chismosa talaga siya.

   Nagtungo na ako sa storage para kuhanin ang sinasabi ni Geraldine na karne ng baka na nakalagay sa kulay green na box pero ilang minuto na akong naghahanap ngunit wala akong makita. Nakakailang ikot na ako dito sa loob ng storage pero wala parin akong matanaw na kulay green na box.

   Hindi kaya ginagago lang ako non?

  Huli na ng mapagtanto ko ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Nako patay!

Halos liparin ko na ang pintuan ng storage dahil sa naisip ko. Naalala ko nga pala na binanggit ni Cj na sira ang pintuan ng storage room at kailangang lagyan ng harang para hindi ito sumara dahil sa labas lang ito nabubuksan.

   Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng malamang nakasara na ito at nakalock. Lalo akong nagpanick ng hindi ko makapa ang cellphone ko. Naalala kong naiwan ko nga pala ito sa bag ko. Huminga ako ng malalim at sinubukang kalmahin ang sarili. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng posibleng daanan palabas ngunit sa kasamaang palad ay wala akong nakita.

Medyo nakakaramdam na ako ng panginginig dahil sa sobrang lamig dito sa loob.

  Okay Sheyi, kalma ka lang, siguradong may magbubukas nito dahil tiyak na may kukunin silang ingredients. Sana lang.

  Nag-ikot-ikot muna ako para maghanap ng bagay na pwedeng gamitin upang buksan ang pinto pero wala akong makita bukod sa mga gulay at karne na nakasalansan sa paligid. Nagbalik ako sa may pintuan at sinimulang kalampagin ito at umaasang may makarinig sa akin mula sa labas. Ngunit ilang minuto ko ng kinakalampag ang pintuan at paos na din ako sa pagsigaw ay wala pa ding dumadating upang buksan ang pinto. Imposible? Kada kinse minuto ay may nagtutungo dito para kumuha ng mga sangkap?

 

  Ngunit parang bente minuto na ang nakalilipas ay wala pa ding dumadating. Hindi nakakatulong ang lamig na nararamdaman ko upang kalmahin ang sarili. Ramdam ko ang  unti-unti ng pagsakop nito sa buo kong katawan,naninigas na din ang mga daliri ko at nanginginig na ang mga kamay. Hindi na din ako makahinga ng maayos. Napaupo ako at niyakap ang sarili. Kinakalma at kinakausap ang sarili na may darating para ilabas ako dito. Pinagkikiskis ko ang mga palad para kahit paano ay makaramdam ng kaunting init pero wala iyong epekto. Pakiramdam ko'y manhid na ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako dahil nahihirapan na akong huminga.

  Nang sa wakas ay magbukas ang pinto,ang unang tumambad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Cj. Napangiti ako kahit na kinakapos ng hininga. Nang matiyak na siya nga iyon at hindi ko lamang siya guniguni ay agad ko siyang niyakap ng makalapit siya sa akin. Marami siyang sinasabi ngunit hindi ko naiintindihan dahil unti-unting bumibigat ang mga talukap ng aking mga mata. Ang huli kong naramdaman ay ang mainit na luhang dumaloy sa aking pisngi bago magdilim ang buong paligid.

  ***

avataravatar
Next chapter