8 S E V E N

"Pwede ba kitang isayaw?," tanong nya. Naghiyawan ang mga nasa paligid namin. Nangingibabaw ang boses ni Arlyn. Hindi ko magawang sumagot o magsalita lalo na nang ilahad nya sa akin ang kamay nya.

Kahit nag-aalangan ay inabot ko parin ang kamay ko at lumakad kasama sya patungo sa dance floor. Walang patid ang tiliian ng mga kaklase ko. Mga kinikilig ang mga putek. Grabe totoo ba ito??

"Uhm, ang tangkad mo pala," sambit nya nang nasa gitna na kami at nagsasayaw. Medyo nanginginig pa nga ang mga kamay ko na nakapatong sa balikat nya.

Okay Sheyi kalma lang! KALMA LANG!!!!

"Mataas lang kasi ang heels ko," maikling sagot ko na sa kabilang dako nakatingin. Hindi kasi ako makatitig sa kanya. Grabe ang gwapo niya pala lalo sa malapitan.

Natapos ang tugtog at nalungkot ako ng magpaalam siya na pupunta na sa mga kaklase niya. Paupo na sana ako ng bigla akong hatakin ni Alvin at isayaw ulit.

"Akala ko mahihimatay kana kanina," natatawang sabi niya habang nagsasayaw kami.

"Tara iikutin natin itong dancefloor,ilalapit kita sa kanya tapos aagawin ko ang kasayaw niya tapos ikaw ang pumalit,"

Napailing ako sa kalokohan na iniisip niya.

"Siraulo ka talaga," sambit ko habang iniikot ang paningin sa paligid para hanapin si Cj. Nakita ko siya na isinasayaw ang isa sa mga kaklase niya. Ang saya nilang dalawa.

"Alam ko naman na pinilit mo lang siya para isayaw ako,"

"Hayaan mo na nga siya,magsaya ka nalang muna ngayon," sabi niya. Ilang minuto pa kaming nagsayaw bago kami umupo. May kasayaw si Lorraine at Arlyn kaya wala akong kausap ng iwanan ako ni Alvin para bumalik sa mga kaklase niya. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagtulog. Nawalan nadin naman ako ng ganang sumayaw kaya kinuha ko ulit ang jacket ni Arlyn para itakip sa mukha. Nagising lang ako ng may tumapik sa pisngi ko.

"She!! Uwian na! Maiiwan kaba dito?," sabi ni Arlyn kaya agad akong napaayos sa pagkakaupo. Tinanggal ko ang jacket niya na nakatabing sa mukha ko at iniikot ang mata sa paligid. Tama nga siya uwian na dahil kakaunti na lamang ang tao. Hinatak niya ako patayo at inakay palabas hanggang sa makasakay na kami sa sundo niya. Nauna na daw umuwi si Lorraine. Itinuloy ko ang pagtulog ko habang daan, napagdesisyonan kong kila Arlyn na din makitulog dahil inaantok na talaga ako at hindi ko na kayang umuwi.

~~

"Kamusta naman ang pakiramdam na maisayaw ka ng crush mo?," tanong ni Lorraine habang kumakain kami ng tanghalian sa loob ng room. Ilang araw na ang nakalilipas mula noong JS at mula noon ay hindi ko na nakikita si Cj.

"Okay naman," sagot ko bago sumubo.

"Alam mo dapat masaya ka kasi atleast nahawakan at nakausap mo siya," sabi nito ng maramdamang wala ako sa mood.

Mas masaya sana kung ika-crush back niya ako.

Napailing ako dahil sa naisip, hindi naman kasi mangyayari iyon. Napasimangot ako at itinuloy nalang ang pagkain.

Lumipas ang ilang subject namin na panghapon pero hindi padin dumadaan si Cj sa harap ng room namin. Nalulungkot ako, hindi ko kasi siya nasisilayan eh. Tinanong ko si Alvin kung nasaan si Cj ang sagot niya ay hindi niya alam. Ilang araw din ang lumipas ng makita ko siya ulit.

"Love is magical," sabi ni Arlyn habang nakatingin sa akin. Kasalukuyan kaming nag-aaral para sa gagawin naming dula sa english.

"It can make you cry and smile at the same time,"

"In short, love can make you crazy," sabi naman ni Lorraine kaya napalingon ako sa kanila dahil wala naman sa script namin iyon.

"Ano bang pinagsasabi ninyo?," tanong ko bago ibalik kay Cj ang paningin na busy sa ginagawang pagpapractice ng sayaw.

"Wala naman sa script natin iyan,"

"Kahapon ang lungkot, akala mo namatayan, pero nung nakasilay, jusko akala mo nanalo sa lotto," iritang sambit ni Arlyn kaya nilingon ko siya at nginitian. Dapat siguro hawahan ko ng kasihayan ang isang to.

~~

Ang bilis ng panahon,dalawang taon na naman ang lumipas pero ganoon padin ang nararamdaman ko sa kanya. Ewan ko ba, hindi ko alam pero kahit wala akong pag-asa sa kanya ay hindi pa din ako bumibitaw sa nararamdaman ko sa kanya.

"Seryoso? Hanggang ngayon patay na patay ka pa din kay Cj?," tanong ni Arlyn habang pinapanuod ako sa pag-ngiti ko ng parang tanga at sa pagtitig kay Cj.

"Kasalanan mo yan Arlyn eh," sambit naman ni Lorraine na busy sa pagsulat ng tula.

"Ilang taon na nga ba?,"

"Limang taon na," napapailing na sagot ni Arlyn.

"Grade seven tayo noon ng makilala nya iyan, hanggang ngayong grade 11 na tayo ay baliw pa din siya sa Cj na yan,"

Hinayaan ko lang silang pag-usapan ako at ipinagpatuloy ko nalang ang pagtitig at pangangarap kay Cj.

"Hayaan mo na, ilang buwan na lang naman ay gagraduate na din si Cj," sabi ni Lorraine kaya bigla akong napatuwid sa pagkakaupo. Sa sinabi ni Lorraine ay napalitan na naman ng lungkot ang saya na kanina ay nararamdaman ko.

"Oh bakit napatahimik ka?," siniko ako ni Arlyn, nilingon ko siya at umiling bago ibalik sa ginagawa ang atensyon.

Natapos ang ginagawa namin na tulala ako. Ngayon ko lang napagtanto ang isang masakit na reyalidad. Ganito ba talaga ang pag-ibig? Nakauwi kami ng hindi ko namamalayan. Masyadong okupado ang utak ko. Ilang beses akong binatukan ni Arlyn bago siya umalis. Pasalamat siya at marami akong iniisip.

Lumipas ang mga araw na sinusubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Cj. Pilit kong isinasaksak sa isip na isa lamang itong puppy love at dala lamang ito ng mura kong kaisipan.

"Hoy, napapansin kong parang hindi mo na binabantayan ang bawat kilos ni Cj?, " puna ni Arlyn habang kumakain kami.

"Malamang napagtanto na niya na hindi siya mamahalin ng taong mahal niya," sambit naman ni Lorraine. Tinignan ko sila ng masama.

"Kasi nga ilang linggo nalang graduation na,"

"Ang dadaldal niyo," sita ko sa kanilang dalawa. Hindi man lang kasi nila ako suportahan sa ginagawa kong paglimot.

"Kumain na nga lang tayo,"

"Ang sunget?," sambit ni Arlyn bago ituloy ang pagkain. Itinuon ko nalang din ang atensyon sa pagkain.

"Alam mo She, bakit hindi mo aminin na crush mo siya?," maya-maya ay sambit ni Lorraine.

"Baliw kaba? Ano ba ang tingin mo kay Cj? Bobo? Malamang dati na niyang alam na patay na patay itong si She sa kanya," sabi ni Arlyn habang nakahalukipkip.

"Eh kahit nga si manong guard alam iyon eh, legend na kaya iyon dito sa school,"

Napairap ako at napatampal sa noo. Sino kaya ang may kasalanan kung bakit nalaman ng lahat na crush ko si Cj? Kung hindi ko lang mahal si Arlyn baka matagal ko na siyang tinanggalan ng dila dahil sobrang dalahira niya.

Napabuntong hininga ako. Siguro hindi talaga ito ang tamang panahon para magmahal. Bata pa naman ako, sure naman ako na may makikita pa kong iba diba??

Ilang araw bago ang graduation nila. Medyo nasasanay na ako na walang Cj na bumubuo ng araw ko. Na walang Cj na sinisilayan. I'm sure, makakaya ko nang hindi siya makita kahit kailan. Kahit na masakit.

~~

Isang taon ko ng hindi nakikita si Cj. Buti pa ang panahon napakatuling lumipas pero ang pagkagusto ko sa kanya walang kakupas-kupas.

Sa totoo lang, nasanay na ako pero syempre, ang hirap tanggalin sa sistema ko na limang taon ko siyang gusto. Siya lang, kaya aaminin ko,nami-miss ko siya. Sobrang miss ko siya.

"Hay! Ang saya noh? Nagbalik na sa normal si She," narinig kong sambit ni Arlyn. Kasalukuyan akong nag- aayos ng ipapasa kong tula,requirements sa English subject namin habang sila naman ni Lorraine ay nakatunganga at pinag-uusapan ako.

"Oo nga,nakakalungkot lang," sagot naman ni Lorraine.

"Bakit naman? Mas gusto mo bang nakikita iyong lutang na She na laging lovestruck?," nakasimangot na tanong ni Arlyn.

"Hindi ganon ang ibig kong sabihin," yamot naman na turan ni Lorraine. Napailing nalang ako at minabuting ituloy nalang ang pag-aayos ng requirements.

"Ang ibig kong sabihin, nakakalungkot kasi,kung kailang malapit na ang graduation saka siya natauhan,ilang buwan nalang natin siyang makakasama ng hindi nakatulala at nakatitig sa lalaki,"

"Wala ba kayong sariling buhay?," inis ba baling ko sa kanila.

"Relax, isang taon ng mainit ang ulo mo, one year kaba nireregla," sambit ni Arlyn. Napailing nalang ako at minadali ng tapusin ang ginagawa para maiwanan ko na silang dalawa.

Nang maipasa ko na ang requirements ay bumalik na ulit ako sa room. Napahinto ako ng mapadaan sa parte kung saan ko palaging nakikita si Cj na nagpapractice ng sayaw. Namimiss ko na siya.

Friends naman kami sa fb kaya lang ayoko namang i-stalk siya ng madalas kasi baka isipin niya ang wirdo wirdo ko na. Pagkatapos kong huminto ng ilang sandali ay napagdesisyonan kong bumalik na sa room. Pagdating ko ay mag-uumpisa na ang practice namin para sa graduation. Ilang araw din kaming nagpapractice at hindi na nagkaklase. Kanya kanyang drama ang mga kaklase namin, kesyo mamimiss daw kami, hindi makakalimutan. Nagsusulatan na sila sa mga slam book, pati uniform, pinapirmahan nila. Hindi ako sumali kasi tiyak papatayin ako ni mama, ipapamana ko pa sa kapatid ko itong uniform ko.

***

avataravatar
Next chapter