20 N I N E T E E N

    Araw ng lunes ay maaga akong gumayak para pumasok. Hindi daw papasok si Arlyn kaya dumiretso na ako sa restaurant para doon na hintayin si Lorraine.

Pagkapalit ay sa kusina ako dumiretso. Nakasalubong ko si Cj habang palabas ito ng kusina. Nagbaba ako ng tingin at nagdiretso lamang sa paglakad.

  "Bakit kulang nalang eh gumapang ka," sabi ni Michael ng tuluyan akong makapasok sa kusina.

  "Oh hi, goodmorning too," sarkastikong sabi ko sa kanya na tinawanan lang niya.

  "Ang init ng ulo ah?," sabi niya habang nagtatadtad ng kung ano.

  "Hindi kasi pinansin ng prince charming eh,"

  "Tumigil ka nga jan," nakasimangot na lintanya ko.

  "Mukhang hindi naman totoo ang sinasabi mo eh,"

  "Alin? Na hindi ka pinansin?,"

  "Hindi iyon, yung sinabi mo na may nararamdaman din siya sa akin," malungkot na pahayag ko.

  "Wala naman akong sinabing ganon," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

  "Joke. Alam mo bakit hindi mo kaya itanong sa kanya?,"

  "Sira ka ba?," tanong kong nakataas ang isang kilay.

  "Syempre hindi," sagot naman niya.

"Pero may naisip akong paraan kung gusto mo talagang malaman kung gusto ka din niya,"

  Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinanong kung ano. Ilang sandali niyang ipinaliwanag kung ano ang plano niya. Nakasimangot akong tumingin sa kanya.

  "Sigurado kang gagana iyon?," tanong ko.

  "Miss Polyano! Ang aga aga nakikipagkwentuhan ka na agad," napalingon ako sa nagsalita at nakita ang mabagsik na mukha ni Ma'am Ana. Patay! Bad shot na naman.

  "May tinanong lang ako Ma'am," pagsalo sa akin ni Michael. Tinaasan ako ng kilay ni Ma'am.

  "Oras na ng trabaho," sabi nito na sa akin nakatingin. Nagpaalam ako kay Michael bago sumunod kay Ma'am Ana. Tinipon niya muna kami sa locker room para mag-announce.

  "Simula ngayong araw na ito ay bawal na kayo sa loob ng kusina, " mariin na sambit nito.

  "Para maiwasan natin ang mga delikadong bagay," sabi pa nito at talagang tumingin pa sa akin ng masama kaya napababa na lang ako ng tingin. Trip niya talaga ako.

  Nagsimula ang araw na ako nalang palagi ang nakikita ni Ma'am Ana. Pinapagalitan niya ako kahit konting bagay lang.

  "Wag mo nalang pansinin," malungkot na sambit ni Lorraine. Napatango nalang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang hindi kumibo.

   Pinilit kong wag gumawa ng mali dahil nakasunod parin sa akin ang mata ni Ma'am Ana. Sa kapipilit kong wag gumawa ng mali ay mas lalo pa yata akong nilalapitan ng malas dahil kahit anong gawin ko ay palaging mali. Napagpalit ko ang order ng table 6 at 9.  Naitapon ko ang tubig sa isang costumer at kahit na mababait sila at ni isa ay walang nagreklamo ay hindi parin ako nakaligtas kay Ma'am Ana.

  "Ano ba Miss Polyano, naapektuhan ba ng lamig ang utak mo at simpleng trabaho lang ay hindi mo magawa?," nanggagalaiting tanong nito.

  "Sorry po Ma'am," nakayukong sambit ko.

  "Hindi ko alam kung lampa ka lang talaga o tanga ka," galit pa ding sabi nito.

  "Doon ka sa dishwashing area,"

  Palihim akong napairap bago sumunod. Napipikon na ako sa kanya!

Bumubulong ako habang padabog na naglalakad patungo sa kusina dahil doon ang daan papuntang diswahing area.

  "Hoy! Bawal kayo dito ah?," hinarang ako ni Michael ng makapasok ako sa kusina.

  "Baka makita ka na naman ni Ma'am Ana, papagalitan ka na naman non,"

  Nakasimangot ko siyang hinarap at tinapik sa balikat.

  "Salamat sa pag-aalala, pero kanina pa niya ako binubusa, itinapon niya ako sa diswahing area," sagot ko bago muling magpatuloy sa paglalakad papunta sa dishwashing area.

  Masama ang loob na tumulong ako sa mga nag-huhugas ng pinggan. Tinanong nila ako kung napagalitan ako at sinabi kong oo. Katulad nga ng sinabi ni Lorraine ay sinabi din nilang hayaan ko na lang daw dahil magsasawa din daw iyon sa pagsusungit.

  Pagsapit ng lunch break ay pagod na pagod akong nagtungo sa locker at naabutan kong titig na titig sa cellphone niya si Lorraine nag-angat lang siya ng paningin ng mapansin ang presensiya ko.

  "Oy kamusta? Kaya pa?," nag-aalalang tanong ni Lorraine.

   "Oo naman ako pa ba," hinihingal na sagot ko. Saglit lang akong napahinga dahil tinawag na naman ako ni Ma'am Ana. Malimit-limit na akong sumigaw, mabuti nalang at napigilan ko pa. Bubulong-bulong akong nagtungo sa dishwashing area at sinimulan na muling maghugas ng pinggan. Kamukha ko kaya ang umagaw sa boyfriend niya kaya galit na galit siya sakin?

  "Oh heto pa daw," nakasimangot na sabi ni Jessy, isa sa mga dishwasher.

  "Pasensya kana Sheyi ha, utos kasi ni Madam eh. Sa iyo daw pahugasan itong mga kaldero,"

Napapikit ako ng mariin bago muling dumilat at tumingin kay Jessy at ngitian ito.

  "Sige paki lagay mo nalang dyan sa gilid," sambit ko.

  "Nako ate ano bang ginawa mo at trip na trip ka ni Madam?," nakasimangot na tanong niya habang sinisimulang hugasan ang mga malilit na kasangkapan. Napabuntong hininga ako bago sumagot.

  "Malamang kamukha ko ang umagaw sa boyfriend niya," biro ko kaya natawa siya. Hindi ko alintana ang bigat ng trabaho ko dahil naging kakwentuhan ko si Jessy. Madaldal siya at nakakatawa kaya kahit paano ay hindi ko ramdam ang pagod.

  Nang matapos ako sa mga malalaking hugasin ay pinatawag akong muli ni Ma'am at sinabing sa waiting area daw ako para mag-serve ulit.

  Talagang pinapagod ako nito.

  Ilang beses kong nagawa ang gawain ng walang nangyayaring kakaiba hanggang sa makatapat ako ng isang costumer na kaugali ni Ma'am Ana. Orange juice ang order niya pero ice tea ang nai-serve ko. Sinubukan kong humingi ng paumanhin at nangakong mabilis na papalitan ang inumin ngunit nagalit ito agad at isinaboy sa akin ang orange juice at nag-demand na kakausapin daw niya ang manager. Agad na tumakbo sa akin si Lorraine para punasan ang basang basa kong mukha at damit. Hinatak niya ako patungo sa locker room habang kinakausap ni Ma'am Ana ang costumer.

   "Miss Polyano,talaga yatang sinusubukan mo ang pasensya ko!," galit na turan nito ng pasukin kami ni Lorraine sa locker room.

  "Alam mo ba ng dahil sa iyo ay nakakaroon ng hindi magandang reputasyon ang restaurant na ito dahil sa mga kapalpakan mo?,"

  "Sorry po Ma'am," sagot ko habang nakayuko. Kasalanan ko din naman kasi.

"Doon ka ulit sa dishwashing area," utos nito. Napakagat labi ako bago tumango.

  "Ikaw ang maghuhugas ng mga kasangkapan at mag-oover time ka hanggang sa matapos mo lahat bilang parusa sa mga kapalpakan mo,"

  Nakayuko akong nagtungo sa kusina at nagdiretso sa dishwashing area. Hindi na ako nag-abala pang sagutin ang mga tanong ni Michael. Naiinis kasi ako sa katangahan ko.

  Ilang minuto na akong naghuhugas, ang iba ay nagsasalansan na ng mga kasangkapan kaya ako nalang ang naiwan para maghugas.

  "Alam mo hindi mo dapat hinahayaang gawin sa iyo iyon ni Ana," napaangat ako ng paningin at nakitang nakatayo sa harapan ko si Cj. Medyo nagulat ako dahil simula noong naospital ako ay ngayon lang niya ako muling kinausap.

  "Wala naman akong magagawa," sagot ko at itinuloy nalang ang ginagawa at sinubukang ipagsawalang bahala ang presensya niya.

  "Ganyan sa iyo sa Ana dahil sa akin,pasensya kana," sabi nito, hinayaan ko lang siyang magsalita at nagpatuloy lamang sa ginagawa.

  "Kung hindi mo maiwan ang trabaho mo dahil sa akin--,"

  Dahil sa narinig ay naibagsak ko ang inuurungan dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita at mapaupo upang tignan ang mga kamay ko. Agad kong hinatak ito at tumingin sa kanya.

  "Bakit ba ganyan ka?," tanong ko na nagsisimula ng mamuo ang mga luha. Ngayon gustong lumabas ng mga sama ng loob na kinikimkim ko.

  "Pinaparamdam mo na concern ka pero hindi naman. Saka wag mong isiping ikaw palagi ang dahilan," sabi ko sabay tayo kaya napatayo rin siya at kunot noong nakatingin sa akin.

  "High school palang tayo ay paasa kana,hindi ka naman siguro tanga para hindi mapansin na gusto kita diba? Pero ano? Paulit ulit mong pinaparamdam na may pag-asa ako pagkatapos ay bigla mo akong ibabagsak at sasaktan," mahabang sabi ko bago punasan ang mga luhang kumawala mula sa aking mga mata.

  "Tapos ngayon na okay na ako ay darating ka na naman at papaasahin ulit ako. Gustong-gusto mo bang nakikita na may nagkakandarapa sa iyo kaya ka ganyan?," hindi siya nakakibo at nakatulala lamang sa akin.

  "Alam mo, wag mong isiping lahat ng ginagawa ko ay may kinalaman sa iyo dahil wala, kung ano man ang nararadaman ko sayo noon ay matagal ng wala kaya pwede ba wag kang umasta na may pakialam ka dahil alam kong wala naman talaga," halos hindi na ako makakita dahil sa luhang bumabalong sa aking mata. Agad ko iyong pinunasan at tumakbo patungo sa locker room upang magbihis ng damit. Ipinangako ko sa sariling hindi na ako muling babalik pa sa lugar na ito. Hindi ko na nakuha pang mag-paalam kay Lorraine dahil sa pagmamadaling makauwi. Kila Arlyn ako nagdiretso at nagbuhos ng sama ng loob.

***

avataravatar
Next chapter