5 F O U R

    Kapag masaya ka, syempre kontrabida talaga ang kapalaran dahil gagawa sya ng paraan para saktan ka ulit.

Araw ng Christmas party namin. Lahat kami ay abala sa mga games na inihanda ng teacher namin. Meron akong isang kaklase na kung makahingi ng polbo ay akala mo sa kanya yung polbo dahil hindi na nagpapaalam kapag mangunguha sa bag ng may bag. Yung bag ko ay naiwan kong nakapatong sa ibabaw ng bangko ko kaya iyon ang pinuntirya nya. (Shout out sa mga kagaya nyang walang polbo at buraot sa kaklase).

  To make the story short. May nakuha sya sa bag ko na agad nyang itinakbo. Ang love letter ko para kay Cj. Nang makita ni Arlyn na nakuha ng classmate naming buraot ng polbo yung love letter ko na hindi ko din alam kung bakit daladala ko ay agad nya itong hinabol. She really looks like a real friend. Lahat na ay nagkagulo at nagtanong kung ano iyon.Habang itinatakbo ng kaklase ko ay binabasa nya iyon ng malakas. Wala akong nagawa kundi ang mapaupo at magtakip ng mukha dahil sa hiya at humiliation.

"Hoy ibalik mo yan!," sigaw ni Arlyn kasabay ng sigaw ng mga kaklase ko ng tanong na 'kanino yan?'

I'm really doomed this time!! Paano kapag nalaman ng mga kaklase nya na ako yung nagbigay nun, tyak pagtatawanan nila ako!!

  Kung ano-ano nang negatibong bagay ang pumapasok sa utak ko at nang marinig kong naibigay na sa grade 9 ang sulat ay dali-dali akong tumakbo sa cr at inilock iyon at doon ako umiyak. Kahit mapanghi wala akong pakialam. Ang tanging nasa utak ko lang ay ang sasabihin ng iba, tiyak na ibubully nila ako dahil doon.

  Kung magpakamatay nalang kaya ako?? No!! Tusok lang ng karayom hindi ko kaya pagpapakamatay pa kaya?

  Kagat ko ang aking kuko habang nag-iisip ng posibleng bagay na pwedeng gawin upang iwasan ang aking kahihiyan.

   Magtransfer nalang kaya ako sa ibang school?

   Hindi din pwede,iisipin nila na ang cheap ko!!

  Ilang minuto akong kinakatok ni Arlyn pero hindi ako umiimik. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakakulong lang sa loob habang sila ay nagsasaya sa labas.

Halos wala nang tao sa room nang katukin ulit ako sa loob ng cr.

Nakayuko ako nang lumabas hanggang sa sakayan dahil ayokong may makakita sa mukha ko. Mabuti nalang at isang linggong walang pasok, makakahinga ako ng maluwag ng ilang araw.

"Sinabi kong sa akin galing yung love letter," sabi ni Arlyn habang nakaakbay sa akin. Hindi ako umimik. Tahimik lang ako hanggang sa makasakay kami at makauwi.

  During the holidays, hindi ako masyadong nagbubukas ng cellphone. Natapos ang pasko at bagong taon ng hindi ko man lang naenjoy. Pasukan na naman. Parang ayoko ko nang pumasok. Kung hindi nga lang maagang pumunta si Arlyn sa bahay at binuhusan ako ng tubig hindi talaga ako babangon.

"Nakalimutan na nila yun," turan nya habang naglalakad kami patungo sa sakayan.

"Saka sinabi ko naman na sa akin galing yun,"

  Kahit anong sabihin na pangpalubag loob ni Arlyn ay walang epekto sa akin. Iisa lang ang nasa isip ko. Tiyak na katakot-takot na tukso ang aanihin ko mula sa mga kaklase ko.

Nakayuko lang ako habang naglalakad kami papunta sa room namin. Ayokong magtaas ng tingin.

    Nakahinga ako ng maluwag dahil natapos ang klase ng walang gumagambala sa akin. Hindi ko alam kung anong ginawang pagbabanta ni Arlyn sa mga kaklase ko at ni isa ay walang bumabanggit sa nangyari.

Ilang linggo na din ang nakakalipas mula noong nangyari ang love letter incident na iyon. Wala nang bumabanggit sa pangyayaring iyon at mukhang nakalimutan na nila. Pero patuloy parin ako sa pagpapantasya kay Cj. Walang kadala dala ang ateng nyo. Basta mahal mo, ipaglaban mo.

"She ano ba, magfocus ka naman!," sabi ni Arlyn sa akin dahil nag-iisip kami ng kanta na pwedeng kantahin. Tuwing monday kasi ang flag ceremony namin at bawat section at grades ay may kanya-kanyang performance pagkatapos ng ceremony. Ang section namin ang magpeperform sa darating na lunes kaya abala ang lahat sa pag-papractice. May mga magsasayaw at kami naman ni Arlyn ang napiling kakanta.

"Umiikot nalang kay Cj ang buhay mo," inis na sambit nya sabay tingin ulit sa songbook na kanina pa nya binabasa.

"Ang manang mo naman, kaya di ka crush ng crush mo eh," biro ko sa kanya.

"Kamusta na nga pala si Lindon?," tanong ko sa crush nya na mukhang angry bird ang buhok dati.

"Wow, crush ka kasi ng crush mo eh," sarkastikong tugon nya.

"Wala, hindi parin nya ako pinapansin,"

"Back to December ang kantahin natin," sabi ko nalang bago sya iwanan para bumili ng inumin.

  Pagbalik ko ay inaayos na niya ang mga lines na para sa akin at para sa kanya. Ilang minuto din kaming nagtatalo dahil ayoko ng mga lines na ibinibigay niya sa akin kaya naman ako ang pinapili niya dahil ang kulit ko daw.

   "Bibigyan kaya ako ng bulaklak ni Cj kapag nasa stage na tayo?," tanong ko maya-maya.

  "Sa tingin ko oo," sagot naman niya kaya napaharap ako sa kanya habang nakangise.

   "Talaga?," masayang tanong ko habang nagsisimula na namang kiligin at mangarap na nasa stage ako at inaabutan ni Cj ng bulaklak habang nagpapalakpakan at kinikilig ang mga nanunuod na students. Parang narinig ko na talagang nag-crack at nabasag ang naiisip kong tagpo na pinapanalangin ko na siyang maganap sa lunes ng marinig ko ang sinabi ni Arlyn.

  "Kailangan niyang magbigay ng bulaklak sa iyo dahil alam ng lahat na gusto mo siya kaya pipilitin siya hindi lang ng mga kaklase niya pati ng mga teachers na abutan ka ng bulaklak dahil tradisyon na ng school iyon," mahabang paliwanag niya. Nakasimangot ako habang nakatingin sa kanya.

  "Alam mo, tigil-tigilan mo nga iyang mga assumption mo," sabi ko nalang sabay balik sa ginagawa.

  "Kahit tradisyon o kahit napilitan lang siya magiging masaya padin ako,"

  Pwede naman niya akong i-cheer diba?  Kahit minsan lang.

****

avataravatar
Next chapter