12 E L E V E N

      Nakatulala ako habang nakatingin sa dalawa kong kaibigan. Kay Arlyn at kay Lorraine.

   "Masyado ka bang nabigla?," tanong ni Lorraine dahil hanggang ngayon ay hindi padin ako nakakahuma. Kasalukuyan akong nagbibihis sa locker room kanina ng ianunsyo ng manager na may bago daw na waitress at hindi ko inaakalang silang dalawa ang tinutukoy nila.

   "Hayaan mo na nga iyan," sabi naman ni Arlyn bago hatakin si Lorraine palabas ng locker room at magdiretso sa kusina. Malamang na-orient na sila na kailangang punasan muna ang mga utensils at mga kasangkapan doon. Ilang sandali muna akong nanatili doon at nang akmang lalabas na din ako ay bumalik na naman silang dalawa na nanlalaki ang mga mata.

   "Sabihin mo nga, namamalikmata lang ba kami o si Cj talaga ang nakita namin don?," kunot noong tanong ni Arlyn.

  "Siya nga iyon,halina nga kayo!," sambit ko sabay hatak sa kanila.

  "Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo,"

Nagtungo na kami sa usual spot namin at habang naghihintay ng mga customers ay sinabi ko sa kanila ang mga dapat nilang gawin, matalino naman sila kaya hindi ko na kinailangang ulitin. Tinanong ko din kung bakit nag-apply din sila at ang nakuha ko lamang na sagot ay para raw may experience sila. Nagkibit balikat na lamang ako at nanahimik.

   Sumapit ang lunch break namin, medyo kakaunti na ang mga kumakain kaya pwede na kaming maglunch. Ayos naman ang trabaho ng dalawa, at nakakapagtakang hindi sila sinusungitan ng manager.  So ako lang ang trip niya?

   Katulad nga ng napagkasunduan ay ikinuwento ko sa kanila lahat habang kumakain kami.

  "Eh di tumibok na naman iyang mani mo?," tanong ni Arlyn kaya tinignan ko siya ng masama.

  "Bibig mo!," reklamo ko sa kanya.

"Ayusin mo nga! Saka wag kang maingay,"

   "Nakilala ka ba niya?," tanong naman ni Lorraine.

  "Ewan ko,kapag nagtatangka siyang lapitan at kausapin ako ay agad akong umiiwas," sagot ko.

  "Bakit naman?," tanong ulit ni Lorraine.

  "Don't tell me hanggang ngayon?,"

  "Wag ka ng magtaka, hindi mo ba nakita iyang bruha na iyan kanina?," nakataas ang isang kilay na turan ni Arlyn.

  "Pasimpleng sumisilip sa kusina,"

  Napailing nalang ako at itiniloy nalang ang pagkain. Tama naman kasi sila. Punyeta kasing puso ito eh. Aaminin ko, ang inakala kong pagmamahal ko sa kanya na nawala na noon ay nandito padin pala. Nakatago lang at naghahanap ng tamang pagkakataon para muling lumantad.

  "Ayan, ganyang ganyan siya noong high school tayo," narinig kong sabi ni Arlyn pero hindi ko sila pinansin.

  "Lutang na naman,"

  "Kaya ka siguro pinag-iinitan ng manager?," tanong naman ni Lorraine. Ng marinig ko iyon ay napasimangot ako at muling lumingon sa kanila.

  "Hindi noh! Talagang may issue lang sa akin 'yon," sambit ko. Hinayaan ko nalang silang magkwentuhan at itinuon ko nalang ang atensyon sa pagkain.

  Pagkatapos ng shift namin ay inanunsyo ng manager na si Ms. Ana na isa sa amin ang du-duty ng gabi at dahil nga may unidentified issue siya sa akin ay ako ang napili niya. Nagpaalam ang dalawa sa akin at pati sila ay nakasimangot din pero nangako naman si Arlyn na susunduin niya ako mamaya gamit ang sasakyan ng Papa niya kaya nakahinga din ako ng maluwag.

  Ilang minuto pa bago magsimula ang shift ko sa gabi kaya tumambay muna ako sa locker room at dahil wala akong kilala sa mga pang-gabing empleyado ay mag-isa lang akong nagpapalipas ng oras sa locker room.

Pero naisip kong silipin kung umuwi na si Cj kaya nagpunta ako sa kusina at pasimpleng sumilip sa may pinto. Nakita kong nakatalikod siya at may ginagawa. Napangiti ako. Kahit pagod at puyat, atleast may masisilayan ako!!

  "Sinong sinisilip mo?," nagulat ako ng biglang may magsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay nakita ko si Antony na nakasilip din sa may pintuan kagaya ko.

  "Wag kang maingay!," impit na sambit ko sabay hatak sa kanya palayo sa may pinto.

  "Bakit?," takang tanong niya. Hindi ako nakapalag ng bigla niya akong hatakin papasok sa kusina.

  "Halika, may ipapatikim si Chef Jhon na bagong putahe niya,"

  "San ka ba nagpunta?," tanong ni Cj at saglit na napahinto ng makita ako.

  "May kasama ka pala," napatingin siya sa kamay namin ni Antony na hindi ko alam ay magkahawak pala. Agad kong binawi ang mga kamay ko at napakamot sa batok.

  "Ah oo sir, nakita ko siyang nakasilip sa pinto eh," nakangiting paliwanag ni Antony.

  "Nakasilip sa pinto?," takang tanong naman ni Cj.  Tinignan ko ng masama si Antony na nakangiti pa din. Nice. Bumaling ako kay Cj.

  "Uhm ano kasi, naghahanap ako ng inumin," napakagat ako sa labi ng masabi ko iyan. Nice one She!

  "Nauuhaw ka pala dapat sinabi mo sa akin," sabi naman ni Antony sabay lakad patungo sa ref. Kumuha ito ng baso at nilagyan ng malamig na tubig.

  "Here," napalingon ako kay Cj na may inaabot sa akin. Tumblr niya pala na may lamang tubig. Nag-aalangang inabot ko iyon at marahang uminom. Oh my God!! Indirect kiss!!  Inilapat niya ang labi niya dito!

  Uminom lang ako ng kaunti bago ibigay ulit sa kanya ang tumblr niya. Hindi ko mapigilan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang pinanunuod ko siyang tinatapos ang kanyang ginagawa. May parte sa utak ko ang nagbibigay ng signal at nagpapaalala na dati na akong nasaktan dahil umasa ako sa mga ipinapakita niya noon at sinasabing dapat ay matauhan na ako ngunit may parte din naman na nagpapalakas ng pag-asang unti unti na namang lumalago sa puso ko.

   "She heto na ang tubig," sabi ni Antony habang inaabot sa akin ang baso. Kinuha ko padin iyon at simimsim lang ng kaunti.

  "Bakit nga pala nandito ka pa?," muli akong napalingon sa kay Cj ng magsalita ito.

  "Ako kasi ang itinalaga ni Ma'am Ana na magtake ng pang-gabing shift," sagot ko matapos muling magbaba ng paningin.

  "Alam mo kasi sir, parang pinag-iinitan ni Ma'am Ana itong si She eh," sabi naman ni Antony kaya nilingon ko siya at siniko.

  "Bakit? Totoo naman ah, lahat kami napapansin iyon, "

  "Ganon ba?," sambit ni Cj bago lumingon sa akin.

  "Don't worry, I will talk to her,"

   Gusto kong itanong kung bakit nagpaparamdam na naman siya ng ganyan pero hindi ko magawa. Siguro baka sadyang mabait lang siya at iba lang ang nagiging tingin ko doon.

    ***

avataravatar
Next chapter