9 E I G H T

  

     Lumipas ang graduation, bakasyon at ang huling outing naming magkaklase hanggang sa dumating na nga ang unang araw namin sa kolehiyo. Halos kaklase din namin ang mga dating kaklase namin at syempre, palagi padin kaming magkasama ni Arlyn. Katulad padin ng dati, sabay papasok at sabay uuwi. Ganyan namin ginugol ang aming unang dalawang taon sa college.  Akala ko sabay kaming gagraduate kaya lang may mabigat na problema ang dumating sa pamilya ko kaya kinailangan kong maghinto. Nagkasakit si mama at naratay ng ilang buwan, walang mag-aalaga kaya minabuti kong maghinto nalang muna. Akala ko isang taon lang ako mahihinto pero mali ako. Bukod kasi sa hindi padin bumubuti ang kondisyon ni Mama ay kapos din kami sa pera dahil may mga kapatid din akong nag-aaral ng high school. Hindi na ako nakabalik pa sa college hanggang sa sumapit na ang graduation nila Arlyn at Lorraine. Masaya ako para sa kanila.  Saka nalang siguro ako magpapatuloy kapag may pera na kami at kapag magaling na talaga si Mama.

  "Punyeta ka sige magsolian tayo ng gamit!," nagkatinginan kami ni Lorraine ng marinig namin ang malakas na hiyaw ni Arlyn. Graduation day kasi nila ngayon at nandito kami kila Lorraine. Syempre imbitado ako sa party. Mamaya nalang siguro kami pupunta kila Arlyn.

  "Lumayo pa yan ah," natatawang puna ni Lorraine. Napailing nalang ako. Kasalukuyan kasing may kausap si Arlyn sa cellphone at base sa ikinikilos niya, malamang ay boyfriend na naman niya iyon.

  "Hayaan nalang natin yan, mukhang nag-aaway na naman," sambit ko bago ituloy ang pagkain. Maya-maya pa ay muling bumalik si Arlyn sa kanyang kinauupuan. Halata sa mukha nito ang inis.

   "Nag-away na naman kayo?," tanong ko dahil napansin kong nangingilid na ang mga luha niya.

   "Oo, itinaon niya pa talagang sa graduation ko," sagot niyang nagpipigil ng galit.

  "Ano na naman ang ginawa sayo ng gago mong boyfriend?," tanong ni Lorraine na nagsisimula na ding magtaas ng boses. Ganyan sila.  Si Arlyn, bihira mo lang iyang makikitang umiiyak, kapag sobrang bigat lang ng pinagdadaanan niya, total opposite naman niya si Lorraine dahil mababaw ang luha nito pero nagiging tigre iyan kapag isa sa amin ni Arlyn ang nasaktan.

  "Impakto na 'yon, sabi niya malelate lang daw siya dahil may aasikasuhin, ayon nakita ni ate Mae nasa bahay nila at may kalampungan!," malakas na paliwanag ni Arlyn  habang kuyom ang mga kamao. Mabuti nalang at nandito kami ngayon sa kwarto ni Lorraine kung hindi, baka pinagtitinginan na kami ng ibang bisita sa baba dahil sa lakas ng boses ni Arlyn.

"Eh gago pala talaga yang Paul na yan eh!," nanggagalaiting sabi naman ni Lorraine.

  "Kumalma nga kayo,malay niyo naman nagkamali lang si ate Mae?," awat ko sa kanila. Sabay pa silang lumingon sa akin.

  "Si ate Mae?  Nagkamali? Baka hindi mo alam tapos yon, bachelor in sitsit major in chismisan," sabi ni Arlyn habang nakataas ang isang kilay.

  "Iyon na nga eh, chismosa iyon, karamihan sa chismis, hindi totoo," paliwanag ko.

  "Ah basta! Once a cheater always a cheater!," sambit naman ni Lorraine. Napalingon kami kay Arlyn ng biglang tumunog ang cellphone nito. Pinanunuod namin siya habang binabasa niya ang text. Kunot noo siyang humarap sa amin at halata sa mukha ang inis.

  "Ang lakas ng loob na magtext?," hindi makapaniwalang sambit nito.

  "Ibalik ko daw lahat ng ibinigay niya sa akin!," muli nitong ibinalik sa cellphone ang atensyon at pinindot ito ng ilang beses bago itapat sa tenga.

   "Ang kapal ng mukha mo! Ano ba ang ibinigay mo sakin?  Yung stuffed animal na ibinigay mo? Hoy ninakaw mo lang iyon sa kotse ng Daddy mo noh!!," naniningkit ang mga matang sambit nito.

"Yung bag na tagsisingkwenta? Sige ibabalik ko sayo may kasama pang isang daan! Ano pa? Ah, yung unan?  Sige ibabalik ko sayo pati yung panty na niregalo mo sakin, kung di ko pa alam kinuha mo lang sa nag-aavon mong nanay yon!! Wag kang mag-alala pati sperm cell mo ibabalik ko sayo!!!!," hingal na hingal siya matapos niyang patayin ang tawag. Nang malingunan niya kami ni Lorraine na nakanganga lang sa kanya ay itinaas niya ang kanyang isang kilay bago magtanong ng bakit.

Ilang sandali bago kami makahuma ni Lorraine sa pagkakabigla.

   "May nangyari na ba sa inyo?," tanong ko matapos ang ilang segundo ng pagkabigla.

  "Bakit? Dapat ba wala?," takang tanong niya. Kunot noo siyang napatingin sa amin ni Lorraine ng sabay kaming tumayo mula sa pagkakaupo namin.

  "Arlyyyynnnnn!," sabay naming turan bago sumugod sa kinauupuan ni Arlyn.

   "Marupok kang babae! Bakit ka bumigay!!," sambit ni Lorraine habang nakakubabaw kay Arlyn at hinihila ang buhok nito.

  "Ibinigay mo ang sarili mo sa maling tao?Hindi mo pa nga asawa yon!," sambit ko naman habang paulit-ulit na pinipitik ang noo niya.

~~

   "Hindi nyo naman ako kailangang saktan diba?," reklamo ni Arlyn habang sinisipat ang mapula niyang noo mula sa salamin. Pagkatapos kasi ng ginawa namin sa kanya ay napagpasyahan naming lumipat na sa kanila.

 "Ilang beses naming sinabi sa iyo na walang below the belt hindi ba?," nakahawak sa noong turan ni Lorraine.

  "Guys pwede ba?  Sa halip na pagalitan niyo ako, damayan niyo nalang ako ,broken ako oh hello?," iritang sabi ni Arlyn bago umupo sa tabi ko.  Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Marami-rami pa ding bisita sa labas kaya dito nalang kami ulit sa tago.

   "Hindi ba binalaan ka na din namin jan sa jowa mo?," muling sambit ni Lorraine.

  "Okay," sabi ni Arlyn habang nakataas ang dalawang kamay.

  "Nagkamali ako, I'm sorry,"

Niyakap namin niya nang makitang nangingilid na naman ang mga luha niya. Ilang sandali pa ay bigla nalang siyang humagulgol ng iyak. Naaawa ako sa kanya, alam kong kahit gago ang boyfriend niya ay minahal niya ito ng totoo.

   Hay, love is really something.

  ***

avataravatar
Next chapter