19 E I G H T E E N

  

     Sheyi's POV

    Nagising ako na nasa ospital na ako. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita ko ang mga mukha ng nag-aalala kong mga kaibigan.Nakita ko din si Michael sa gilid at bakas sa mukha na masaya itong makitang ayos na ang kalagayan ko. Napasimangot ako ng mapagtantong wala si Cj sa paligid. Baka naman talagang guni-guni ko lamang ang nakita ko bago ako mawalan ng malay.

  "May iba ka pa bang inaasahang makita?," tanong ni Arlyn.

  "Sino ka?," balik tanong ko naman. Napairap siya bago ngumiti.

  "Natrap ka lang sa storage at hindi ka nabagok kaya lumubay ka," sabi nito.

Napasimangot ako dahil hindi man lang ito sumakay.

  "Wala man lang bang kamusta kana?," nakalabing tanong ko sa kanila. Agad na lumapit si Michael  sa akin at ginulo ang buhok ko.

  "Wag mo ng uulitin iyon ha. Masyado mo kaming pinag-alala," sabi nito matapos magbuntong hininga.

  "Mauuna na ako sa inyo, kulang na ng tao sa restaurant," sabi nito sa amin.

  "May ipapakilala pa ako sa iyo," sabi ko naman. Agad siyang napalingon sa gawi ni Arlyn at bahagyang namula. Napangiti ako ng mapakamot siya sa batok.

  "Magpagaling ka ha," sabi nito sabay labas ng kwarto. Napailing nalang ako bago muling lumingon sa dalawa. Nagulat ako dahil nakadaiti na naman sa akin ang mukha ni Lorraine.

  "Ako ba ang ipapakilala mo?," nanlalaki ang mga matang tanong nito. Napatawa ako bago siya itulak palayo.

  "Sana," nanghihinayang na sambit ko bago muling sumigla ang boses.

  "Kaso ang gusto niya ay iyong babaeng abo ang buhok,"

  Nakasimangot siyang humarap kay Arlyn.

  "Type niya si Arlyn??," hindi makapaniwalang tanong nito.

  "Mukhang ganon na nga," natatawang sagot ko.

  "Lumubay na nga kayo," sita nito sa aming dalawa.

  "May naiisip kasi ako eh,"

   "Ikaw? Nag-iisip?," kutya ni Lorraine habang medyo natatawa pero napatigil siya ng tignan siya ng masama nito.

  "Nagbibiro lang eh," bulong nito sa sarili.

  "Nakita nyo ba ang itsura ni Cj kanina?," kunot noong tanong nito.

  Napailing ako kasi wala namang Cj akong nakita ng magising ako.

  "Halos hindi niya alam ang gagawin niya habang walang malay si She," sabi nito. Ows talaga ba?

  Mataman akong nakatitig kay Arlyn at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

   "Parang may mali, kung umasta siya ay parang nag-aalala siya kay She," pagpapatuloy nito. Napasimangot ako ng marinig ang sinabi niya. Bakit? Mali ba kung nag-aalala siya sa akin?

   "Anong mali doon?," takang tanong naman ni Lorraine na sinundan ko naman ng marahang pagtango.

   "Mali, kasi wala naman siyang nararamdaman kay She," pinal na sambit nito. Lakas makagago talaga ni Arlyn.

  "Lubayan na nga natin ang mga bagay tungkol sa walang kulay na love life ni She," sabi nito maya-maya.

  "May sasabihin nga pala ako sa inyo,"

  "Ano na naman," bagot na tanong ko.

  "Alam niyo ba na may tinatagong baho si Geraldine," pa-suspense na tanong nito.

  "Alin iyong pakikipagtalik niya kay Mr. Chen sa opisina nito noong nakaraang linggo?," tanong ni Lorraine.

Nanlalaki ang mga mata ni Arlyn habang nakatingin sa amin.

  "Paano niyo nalaman?," hindi makapaniwalang tanong nito.

  "Nakita namin sa cellphone mo," sagot ko. Tinitigan niya kami ng masama.

  "Pinakikialaman ninyo ang mga gamit ko ng hindi ko nalalaman?," nang-gagalaiting tanong nito.

  "Oo, nakita pa nga namin ang isang dosenang comdom sa bag mo," sambit naman ni Lorraine.

  "Pabili lang iyon," paliwanag naman ni Arlyn.

  "Eh sa cellphone ko, wala na kayong ibang nakita?,"

"Siguro may scandal kadin noh?," sabi naman ni Lorraine.

  "Siraulo wala dito iyon," sagot niya. Napasapo kami ni Lorraine sa mga sarili naming noo. So meron nga talaga siya.

  "Sigurado kayo wala kayong nakita?,"

  "Wala nga, meron pa ba kasi?," iritang sagot ni Lorraine.

  "Meron," nakangising sagot nito.

  "Sino naman iyong isa?," takang tanong ni Lorraine.

  "Si Ma'am Ana," sagot niyang nakangisi ng malapad.

   "Paano mo ba nakukunan ang mga iyan?," takang tanong ko naman.

  "Iyon ay isang sekretong malupet," sagot niyang itinataas baba pa ang mga kilay.

  "Alam mo, unti-unti na kaming natatakot sayo," sambit ni Lorraine habang umiiling.

   Halos hindi nila ako iniwan habang nasa ospital ako at pagkalipas pa ng isang araw ay nakalabas na din ako. Sinabi sa akin ng dalawa na sa susunod na linggo nalang daw ako pumasok kasi iyon ang sabi ng supervisor. Kaya naman tatlong araw akong nag-lagi sa bahay namin. Binanggit din ng dalawa na sinuspinde ng tatlong linggo si Geraldine dahil sa ginawa niya. Naawa ako ng kaunti kasi kailangan din niya ng pera kaso masama kasi ang ugali niya.

  Iniisip ko pa din ang sinabi ni Arlyn noon sa ospital. Nag-aalala nga kaya si Cj sa akin.

  Pilit kong tinanggal ang pag-asang unti unti na namang bumabalot sa puso ko dahil natural lang naman na mag-alala ang isang tao sa taong nadisgrasya hindi ba?

Pero kahit na ganoon ay hindi ko talaga mapigilang umasa.

  Paano kung meron? Paano kung..

Ipinilig ko ang ulo at sinubukang matulog nalang. Kasalukuyan kasi akong nagpapahinga sa kwarto ko dahil tinulungan kong maglaba si Danica. Okay naman ako at malakas na kaya ayokong tumunganga lang sa bahay.

  "Ate may poging lalaki ang naghahanap sa iyo,mukhang mayaman," sabi ng kapatid kong bunso. Biglang kumabog ang dibdib ko sa pag-aakalang si Cj iyon pero nalungkot ako ng makitang si Michael pala. Sinalubong ko ito at tinulungan sa mga dala niyang pagkain at groceries.

  "Bakit parang hindi ka masayang ako ang makita?," natatawang tanong niya habang naglalakad kami papunta sa bahay.

  "Hindi ah, natutuwa nga ako at dumalaw ka," sagot kong nakangiti.

  "Kunwari kapa, eh kita ko jan sa mga mata mong si Jhon ang hinihintay mo," napapailing na sambit niya.

   "Halata ba masyado?," tanong ko sa kanya kaya natawa siya ng malakas.

  "Syempre hindi, binibiro lang kita," natatawang sagot niya.

  "Baliw ka talaga," sabi ko at iginiya siya sa loob ng bahay namin. Naghanda ako ng maiinom at ang meryenda na dala niya.

  "Pasensya kana sa bahay namin ha, medyo maliit,"

  "Ang ganda nga eh, ganito lang din ang gusto kong bahay," sagot nito habang inililibot sa paligid ang paningin.

  "Salamat nga pala sa pagdalaw ha, nag-abala ka pang bumili ng kung ano ano," sambit ko habang binubuklat ang mga pinamili niya.

  "Wala iyon," nakangiting sagot niya.

  "Bakit nga pala wala ka sa restaurant?," takang tanong ko bago maupo sa katapat niyang upuan.

  "Kasi nandito ako," sagot niya.

  "Pilosopo ka din noh?," natatawang puna ko.

  "Bagay kayo ni Arlyn,"

  Nang mabanggit ko ang pangalang Arlyn ay napansin kong namula siya ng kaunti at medyo hindi mapakali kaya natawa ako.

  "Hay nako, mukhang may tinamaan na naman ng pana ni kupido," napapailing na sambit ko.

  "Alam mo, tawagin mo nalang ang mga kapatid mo at bigyan mo ng mga meryendang dala ko," natatawang sambit niya. Ginawa ko ang sinabi niya pati si Mama ay tinawag ko. Ilang oras kaming nagkwentuhan, natutuwa ako dahil mahilig din pala sa bata si Michael kaya tuwang tuwa din sa kanya ang mga kapatid ko.

  "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina," sabi ko ng kami nalang dalawa ang nasa sala.

   "Alin ba?," balik tanong din niya.

  "Bakit nga andito ka at wala doon sa restaurant?,"

  "Dinadalaw nga kita, saka day off ko," sagot niya.

  "Eh ikaw kailan ka papasok?,"

  "Sa monday pa daw," malungkot na sagot ko.

   "Dapat nga pumasok kana kasi magulo na doon eh," sabi naman niya.

  "Bakit naman? Paanong magulo?,"takang tanong ko.

  "Laging mainit ang ulo ng boyfriend mo," natatawang sagot niya. Sinimangutan ko siya dahil sa narinig.

  "Hindi ko nga siya boyfriend," lintanya ko.

  "Oo na, kahilig nyo kasing magtagu-taguan eh," sabi niya.

  "Basta kailangan pumasok kana kasi nagiging hulk na si Jhon,"

   Kahit ilang oras na ng makaalis si Michael ay nasa isip ko pa rin ang mga sinabi niya kanina. Bakit kaya nagsusungit si Cj dahil lang sa wala ako doon? Hindi kaya...

  Napangiti ako dahil sa naisip. Kung ganon nga ang nangyayari ay baka hindi ko mapigilan ang puso kong sumabog dahil sa tuwa..

  Madaling araw na akong nakatulog dahil sa kakaisip kay Cj at sa mga sinabi ni Michael. Sana talaga! Sana may pag-asa.

  ***

 

avataravatar
Next chapter