webnovel

YOUR FIRST MISSION 2

"Huwag mo nang hintayin pang lapitan kita dahil kapag ginawa ko iyon, titiyakin kong ikaw ang unang makakalasap ng latigo ko," nagbabantang turan ni Yexa at matalim ang tingin sa paru-paro. Alam niyang naririnig siya nito kaya hindi na niya kailangan pang sumigaw at lapitan agad ito.

Nakarinig sila ng mahinhing halakhak at ilang sandali lang ay nagpalit ito ng anyo at naging isang diwata.

Ang kaninang makulay na paru-paro ay naging isang diwata na walang itulak-kabigin sa ganda. Ang maalon at hanggang beywang nitong kulay gintong buhok ay napapalamutian ng iba't-ibang klaseng bulaklak. May kumikinang din diyamante sa gilid ng magkabila nitong mata na mas lalong nagpatingkad sa kagandahang taglay nito.

"Morgana! Bakit mo iyon ginawa?" salubong ang kilay na tanong ng isang matangkad at tsinitong lalaki.

Humagikhik si Morgana at malagkit ang mga tingin na tumingin sa kanya.

"He dares to insult one of the higher ups, and I just want to teach him a lesson. Masama na ba iyon?" painosenteng wika ng diwata.

Umangat ang sulok ng kanyang labi at nang-uuyam na nagsalita.

"Really? You call that as teaching my father a lesson?" may diing wika niya. "How about I shoot you the same dagger you throw at me?"

Nawala ang ngiti sa labi ng diwata nang makita ang pira-pirasong patalim na bumalik sa dati nitong anyo. Maging ang mga naroon ay nagulat sa ginawa niya. Nang akma na niyang ihahagis iyon pabalik sa diwata ay nagsalita ang kanyang ama.

"Enough, Yexa. She's one of your comrades, wala ring mali sa ginawa niya. Kawalang-pagalang sa mga nakatataas ang ginawa ko kaya nararapat lang ang ginawa niyang paghagis sa akin ng patalim."

Tumigas ang anyo niya at muli ay dinurog ang patalim. Hindi puwedeng mapunta sa iba ang mga bagay gawa ng kapangyarihan niya.

"She's trying to kill you, she extract a poison on that dagger, just saying," aniya.

"And you dare to throw that dagger to her again? Are you insane?" galit na baling sa kanya ng kanyang ama.

"Don't worry, Mr. Mcdamon, hindi ko tatablan ng lason na ako mismo ang may gawa." Humakbang ang diwata papunta sa ibang moonchasers.

"You don't understand, Ms. Morgan. One of Yexa's ability is modifying every destroyed things and made it more powerful and deadly. And for everyone's information too, poison is also one of her ability and as far as I remember the last person she killed explode his brain with his body intact."

Napatingin ang lahat sa kanya, sa mga mukha nito ay nakabalandra ang pagkamangha sa sinabi ng kanyang ama.

"Well, the Conclave will not choose her as the head of the Moonchasers for nothing," wika naman ng isa pang babae na sa unang tingin pa lang niya ay malalaman na niyang approachable ito at palakaibigan.

"But it is really possible to kill a person without damaging his physical body but only the brain? Man, that's awesome!" bulalas ng isa pang lalaking kulay asul ang buhok.

"It's very simple, dumb ass. Palibhasa hindi mo kayang gawin iyon kaya manghang-mangha ka," nakahalukipkip na wika ni Morgan.

Pagak na tumawa ang lalaking sinabihan ni Morgana.

"Simple? Sa buong panahon na magkakasama tayo, ni minsan hindi ka pa nakagawa ng lason na katulad ng nagawa niya," turi nito sa kanya.

"Are you insulting me?!" galit na sigaw ni Morgana sa lalaki.

"Oh yeah, what if I am? Lalasunin mo ako? Baka nakakalimutan mong, lahat ng lason na alam mo ay may antidote kami," nakangising wika naman ng lalaki

"That's enough!" awat sa kanila ng Honchos. "Kung hindi niyo magagawang magkasunod, paano niyo gagawin ang mga tungkulin niyo?"

"Morgana," baling nito sa diwata. "Hindi tama ang ginawa mo, so you should apologize to her and to her father." utos nito sa diwata.

"At ikaw naman, Diomedes," baling naman ng Honchos sa lalaking nakasagutan ni Morgana.

"It's Dio, Chief," pagtatama ng lalaki sa Honchos.

"Shut up. Everyone of you holds a different kind of ability. Not to mention that all of you is a hybrid. Kaya huwag niyong mamaliitin ang kakahayan ng bawat isa." Matamang nakikinig ang lahat at hindi na muling nagsalita pa ang dalawang nagbabangayan.

"Alright, I guess everyone is here. Let's start the discussion about your first mission. You can stay if you want," baling ng Honchos sa ama niya.

Nakita niyang natigilan ang kanyang ama sa sinabi ng Honchos. Tumango lang ito at tahimik na inalalayan siyang makalapit sa mga ito.

May pinindot na button ang Honchos at may lumabas na mukha sa ibabaw ng mesang pinalilibutan nila.

"Her name is Marga, and her ability is witchcraft. She's making a forbidden spell and turned every mortal her puppet. She's building her own kingdom in a desserted island in Hawaii."

"Whoa, of all the places, bakit sa Hawaii pa?" ani Diomedes.

"It's a favorite place where many mortals loves to visit." Izi-noom nito ang isang isla. "This is also her property, The Cloud Island, the popular tourist spot in Hawaii. Ang may-ari ng islang ito at isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Marga, si Freddirick Stec." May inilabas itong larawan ng isang lalaki na nase edad trenta pa lang.

"Paanong nangyari pag-aari iyan ng isang witch gayung halos lahat ng mga turistang nagpupunta diya ay sinasabing napaka-ganda at ligtas ang lugar na iyan? Wala ring naitatalang missing people and crimes in that place," kunot-noong wika ng isa sa mga kasamahan ni Yexa.

"That's because, she manipulates everyone who enters in her territory," sagot niya.

"That's correct," sabi naman ng Honchos. "Using another forbidden spell, she casted a spell that can erase every mortal's memory. Imagine, million of people is coming to that place and in an instant their existence is drop out."

"That bitch," galit na wika ni Morgana na kuyom ang mga kamao.

"You need to stop her and arrest her. Sa ganoong paraan natin mapipigilan ang paghahasik niya ng kasamaan at maililigtas ang mga taong inaalipin niya."

"So, what's the plan?" seryosong tanong ni Diomedes.

"You need to pretend you're an ordinary mortal and enter her lair," sagot naman ng Honchos.

"Okay shoot, that's very easy," nakangiting wika ni Diomedes.

"No it's not. By pretending to be an ordinary mortal, you need to erase your own memory and seal your ability. Makapangyarihan si Marga, she can sense if another downworlder is in her territory, at iyon ang kailangan nating iwasan para maging successful ang planong paghuli sa kanya."

"Are you telling us to enter her territory without any memory of our mission? Paano namin gagawin iyon kung hindi namin maalala?" kunot-noong tanong ng tsinitong lalaki.

"That's why we need to find a person who has the ability of erasing and hiding your power. Nang sa ganoon walang maging problema sa misyon na ito." Tumingin ang Honchos kay Morgana, ipinapahiwatig nito na siya ang abilidad nito ang kailangan nila.

"The ability of disguise, wala naman na palang problema, kaya ko naman iyong gawin. Kailan tayo magsisimula?" taas ang noo na wika ng diwata.

"Seryoso ka? Oo nga at iyon ang isa sa mga abilidad mo pero paano mo maitatago ng sabay-sabay ang lahat ng kapangyarihan namin? Hindi ka ganoon kalakas para gawin iyon," wika ni Diomedes.

"He's right, base sa nakikita ko, ang makakayanan mo lang gamitan ng ability mo ay tatlo hanggang apat sa atin, kasama na ang sarili mo, paano ang dalawang kasamahan natin?" pagsang-ayon naman ng tsinitong lalaki.

"Zane, huwag mong sasabihing pati ikaw ay minamaliit ang kakayahan ko? Of all people, you know my ability more!" masama ang loob na wika ni Morgana.

Nagbuntong-hininga siya, mukhang sa lahat ng nandirito ay si Morgana lang ang mahirap pakisamahan. Gusto niya sanang sabihin na kaya naman niyang gawin ang ipinapagawa ng Honchos kay Morgana. Copying and Modifying is one of her ability, hindi lang mga bagay ang kaya niyang kopyahin at i-modify, maging ang abilidad ng bawat taong mahahawakan niya ay kaya niyang kopyahin. Ngunit magagawa niya lang iyon kung naka-activate ang kapangyarihan ng taong hahawakan niya.

Ang sabi ng kanyang ama, nakuha niya daw ang kanyang kapangyarihan dahil sa kanyang ina. Nang mamatay ang kanyang ina ay iipinama nito sa kanya ang kapangyarihan na iyon na minana pa nito sa lolo niya. Hindi lahat ay nagkakaroon ng ganitong uri ng kapangyarihan at iyon ang isa na nagpapatunay kung gaano siya kaespesyal.

Next chapter