2 Chapter 1

Chapter 1: She and He

-Kesha Karinne Marques' POV-

Uwian at naghihintay na lang ako ng mga ugok kong kaibigan na naglilinis ng room sa kadahilanang cleaners sila. Sumandal ako sa railings habang nag-ce-cellphone. Binuksan ko yung messenger ko. May sweldo na kaya kami ngayon? Part-timer kasi ako sa isang restobar.

Maingay na rin dito sa labas at maraming estudyante na rin ang nagkalat.

Tss. Ang bagal naman ng data connection.

Habang hinihintay kong mag-connect ang messenger ko, luminga-linga muna ako sa paligid.

"Ay! Ano ba naman 'yan?" , wika ng isang babae. Nahulog kasi yung mga envelope niya dahil may mga dumaan na lalaking nagtatakbuhan.

Napangiti ako ng makitang pinanlakihan niya ng mga mata at sinamaan ng tingin ang mga lalaking palayo na. Inis niyang dinampot ang envelope.

"Alcy!", lumingon siya sa babaeng tumawag sa kanya.

"O, bakit ganyan itsura mo?", tanong ng kasama niya.

"Eh kasi naman eh! Yung mga lalaking 'yon hindi nagdahan-dahan! Nahulog tuloy yung envelope!", inis niya pa ring sabi.

She's kind of amusing. My lips quirk up on left. Hope to see her again.

"Oy! Orion! Tara na!", sigaw ng isang magaling kong kaibigan nagngangalang Perdix.

"Sabi ng 'wag niyo akong tawaging Orion eh!", asik ko.

"Titig pa eh. Ano ba 'yon Chics?", mapanlokong tanong ni Tyro. Hindi  ko na lang siya pinansin at nagsimula ng maglakad.

"Ano palang itatawag namin sa'yo? Wala ka namang second name", usisa pa rin ni Perdix.

"Rye! Galing sa 'o-rye-yon' kong pangalan!", sigaw ko sa kanya.

Dire-diretso na kaming bu

"Ano 'yan?"

Nagulat ako nang biglang nilapit ni Cera ang mukha niya sa phone ko. Agad kong pinatay iyon.

"W-wala lang!", sagot ko naman at ibinulsa ko na 'yong phone ko.

Argghh! Istorbo naman 'tong babaitang ito. Napapasarap na ako sa pagta-type ng story ko eh.

"Asus! Nahiya ka pa sa akin! Nababasa ko rin naman 'yan sa wattpad!", wika niya at umupo sa tabi ko.

"WAAAHHHH!! PAANO MO NALAMAN USERNAME KO SA WATTPAD?!!!", freak out ko. Napatayo pa nga ako.

Napahinto sa pag-iingay ang mga kaklase ko (wala kasi kaming teacher) at napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila at nag-peace sign.

Umupo ulit ako at hinampas sa balikat si Cera. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Paano mo nalaman?"

Ngumiti siya sa akin ng matamis. "Ako pa ba? I'm a great stalker, Kesha"

Waaaahhh! Nakakahiyaaaaa! Ayoko pa namang may nakakakilala sa akin sa personal bilang missvycanismajoris sa Wattpad.

"Anong username mo sa wattpad, Cera?"

"Seeeeccccreeeettt", mapang-asar niyang sabi sa akin.

"Sabihin mo naaaaa!"

"Ayokoooo. HAHAHAHA!!"

"Ceraaaaalynnnn!"

"Please don't leave me baby. I can't...I just can't breathe withou—", she stopped midway because

"CERAAAALLYYYNN HAILEYYYYYY!! Tama naaaaa!!", yamot kong sigaw.

Paano kasi ginagaya niya yung linya ng isa kong character sa katatapos ko lang na story sa wattpad.

"Bakit may mali ba sa script na sinabi ko? Fan mo kaya ako! Tsaka sinaulo ko talaga 'yong linyang 'yon dahil naiiyak ako dahil iiwan ni Paris si Priam. Huhuhu! Nakakaiyak kaya!"

Ehem! Medyo na overwhelmed ako. Masarap lang pakinggan yung comment ng aking magaling na kaibigan. Masarap pala sa feeling na may pumupuri sa story na isinulat mo. Uhmmm...actually nakaka-motivate.

"Tumigil ka na nga!", asik ko habang tinatago ko yung ngiti ko.

"Asus! Hahahaha! Pero beng, bakit gano'n yung ending? Bakit hindi nagkatuluyan si Paris at Priam? Mahal naman nila ang isa't isa!", usisa niya.

"Hindi naman kasi dahil mahal niyo yung isa't isa, kayo na hanggang dulo", sagot ko habang naglalakad palabas ng room dahil feeling ko hindi na darating ang aming instructor.

"Kahit naaaaaa!", pagrereklamo niya habang nakasunod sa akin palabas ng room.

"Manahimik ka na!", sigaw ko

"Ano pala yung bago mong tinatype? 'Yon ba yung bago mong story na Orion and the Pleiades?", tanong niya ng may malawak na ngiti sa labi niya.

"Oo", sagot ko naman habang papasok ng CR.

"Waaaahhh! I'm so excited!", rinig kong sigaw niya. Nasa loob kasi ako ng isang cubicle.

Pagkatapos kong umihi, naabutan ko si Cera na naglalagay ng liptint sa labi niya. Ako naman ay naghugas ng kamay.

"Alam mo ba beng, may nagpaalam sa akin kung pwede ba nilang gamitin yung Ending of Love sa isang movie play?"

Nanlaki ang mga mata niya at lumingon sa akin.

"Talaga?!! Story 'yon nila bebe Priam at Paris! Anong sabi mo?"

"Sabi ko, okay lang naman basta ilagay yung credits ko bilang original writer ng story"

"Oh my goddd! Ibig sabihin nagandahan sila sa story. Well, maganda naman talaga siya"

"Ise-send daw nila sa gmail ko yung video kapag natapos na daw nila"

"Ohmygollinessss!! Panood ah!"

Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman"

"Yieeee!! Achievement!", pang-aasar niya sa akin.

"Sino yung nagpaalam sa'yo na gagamitin nila yung story mo, beng?", tanong niya habang naglalakad na kami sa corridor.

"Quintin Alonso. Actually, para lang naman daw 'yon sa school project nila para i-show off yung video editing skills nila"

"Taga-saan naman 'yan?"

"Dito rin sa Olongapo"

"Luhhh?! Di nga?!

"Oo. At dito rin sa university natin", bulong ko sa kanya bago ko hawakan ang doorknob ng room namin.

"Ohmygolliwow! Baka ka-forever mo na 'yan beng!", may pagulat-gulat effect pa siyang nalalaman.

Biglang sumeryoso ang mukha niya na ikipinag-taka ko.

"Beng, paano ka nakakasulat ng mga sweet at painful moments kung NBSB ka?"

Sumandal ako sa gilid ng pinto namin.

"It's a matter of emotional intelligence", nakangiti kong banggit sa kanya habang itinuturo ang puso ko.

"Pero iba pa rin kapag naranasan mo na talaga"

"Alam ko", yumuko ako.

"Naku! Wag ka ng malungkot beng! Magaganda naman yung nasusulat mong story eh"

"Hindi naman ako malungkot eh. Napaisip din kasi ako sa tanong mo. Alam mo, gusto kong magkaroon ng boyfriend hindi dahil trip ko lang. Gusto kong magkaroon ng boyfriend dahil gusto kong maramdaman kung paano ma-inlove at anong pakiramdam kapag kasama mo yung taong mahal mo. Tsaka, gusto kong maramdaman kung gaano kasakit ma-broken"

"Wag mong hilingin baliw! Pag ikaw talaga na-broken, naku! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'yo!"

"Hinihiling ko lang naman 'no! Tsaka, imposibleng magkaroon ako ng boyfriend! Magmamadre kaya ako!", pabiro kong sabi kay Cera.

"HAHAHA! Ewan ko sa'yo, Kesha Karinne Marques!"

Pumasok na kami ng room habang tumatawa.

~*~

-Rain Jude Sanchez' POV-

Excited akong tumakbo papunta sa isang mini-park. Nakita kong nakaupo siyang naghihintay sa isang swing kaya umupo rin ako sa kabilang swing.

Nawala ang ngiti ko nang mapansin kong nababalot ng kalungkutan ang aking minamahal. Wala yung dating maaliwalas niyang mukha.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kanyang mga tuhod. Yumuko siya at nalalaglag ang ilang strands ng buhok niya.

"May problema ba? Bakit nga pala tayo magkikita ngayon?", malumanay kong tanong sa kanya ngunit naroon pa rin ang saya sa aking boses.

Nabigla ako nang lumingon siya sa akin na may namumuong luha sa kanyang mga mata. Parang kinidlatan ang puso ko. Tumulo ang kanyang mga luha at yumukong muli. Takte! Parang nadudurog puso ko! I hate seeing her like this.

"B-bakit?", lumuhod ako sa harapan niya upang matanaw ang kanyang mukha.

"Maghiwalay na tayo...", bulong niya.

Takteee! Bigla na lang ako nakaramdaman ng sugat sa aking puso. Parang biglang nahiwa.

"A-ano? Hahaha. Bakit naman?", tanong ko at nagpeke ako ng tawa.

Napaurong ako nang bigla siyang tumayo at  dahan-dahang naglakad palayo sa akin.

"Sandali...", sambit ko ngunit may mga tumatakas ng luha sa aking mga mata. Masakit eh.

"Anong sinasabi mo? Ganun-ganun na lang 'yon? Sa tingin mo ba papayag ako?!", sigaw ko sa kanya habang nararamdaman ko yung unti-unting pagtulo ng dugo mula sa sugatan kong puso.

Huminto siya sa kanyang paglalakad. At humarap sa akin, namumula ang kanyang mga mata.

"Ayoko na...tama na...", naroroon ang tonong may diin.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Patuloy pa rin sa pagkawala sa aking mga mata ang luhang nagpapahayag ng aking nararamdaman.

Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap.

"Please don't leave me baby. I can't...I just can't breathe without you. Believe it or not...you are already my life. I can't lose you because losing you is also losing myself...Please...Please...don't leave me. I want you.... I need you...

I...love you..."

Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin. Lumuluha rin siya. How I hate that view! It breaks me!

Hinawakan niya ang kaliwa kong pisngi. Kahit umiiyak siya, pinilit niya pa ring ngumiti.

"Hindi naman dahil mahal natin ang isa't isa tayo na hanggang dulo. Minsan kailangan din nating isipin ang mga taong nakapaligid sa atin...ang mga taong una at tunay nating minahal. May girlfriend ka at may boyfriend din ako. Una pa lang, mali na 'tong pinasok nating laro dahil sa huli...parehas lang tayong talo..."

Tinanggal niya na ang kanyang pagkakahawak sa akin. Yumuko siya at narinig ko ang kanyang paghikbi. Sumasabay din sa kanyang iyak ang mga luha ko. Parang pinipisil ang puso ko. Takte! Ang sakit!

Tumalikod na siya sa akin.

"Good bye, Priam..."

"Paris..."

×

×

×

×

"CUT!!"

Sabay-sabay na nagpalak-pakan ang mga ka-blockmate ko. Ginawa kasi nila akong male lead sa movie play namin.

Pinunasan ko yung mga natirang luha sa gilid ng mata ko at sa pisngi ko.

"Galing-galing mo naman pala talagang umarte Rain!", pagpuri ni Joyce sa akin. Isa sa mga scripwriters namin.

Ngumiti na lang ako habang napapailing.

"Rain! Nag-acting workshop ka ba?", seryoso at curious na tanong ng isa ko pang kaklase na si Paulo.

"Huh? Hahaha! Hindi ah. Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Eh ang galing mo talaga eh! Kaya nga ikaw ang kinuha kong male lead! Napaka-natural mo umarte, Rain Jude Sanchez!", singit naman ni Quintin at bigla akong sinuntok ng pabiro sa balikat ko. Siya yung direktor ng movie play namin at masasabi kong bestfriend ko sa aking college life.

"Grabe naman 'yang mga papuri niyo sa akin", natatawa kong sabi habang umuupo sa bleacher.

"Great pretender kasi 'tong si Rain Jude kaya ganyan! Tsaka isa pa! Magaling magtago 'yan ng emosyon kaya nilalabas niya lahat sa movie play natin!", alaska pa ni Quintin.

"Haysss...wala talagang forever...", komento naman ni Danaë na siyang female lead role namin.

"Ganems talaga! Love always twists in a way you never expected", sabi ng kararating lang na si Erich. Siya ang isa sa cameraman more like cameralady namin.

"Pero infairness, I actually loved the story and the characters", dagdag ni Joyce.

"Saan niyo nga pala nakuha yung story?", tanong muli ni Danaë.

"Sa WATTPAD! Nabasa ko na 'yon eh! Kaya I'm so fluttered na magawan 'yon ng script eh!", galak na pahayag ni Joyce.

"Yeah. I sent an e-mail to the author if we could use the story for this movie play and she said yes. She just remind me to give her a credit as the original writer of the story," Quintin explained.

"Rain! Danaë!", tawag ni Joyce sa amin kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

Kita namin na naluluha siya sa galak. Natatawa kami sa childish façade niya.

"Thank you ah! You really nailed it! You gave justice to the story!"

"And Quintinnnnn! Salamat dahil nakinig ka sa mga suggestions ko! Ang galing mo ring mag-direct!", at niyakap ni Joyce si Quintin na nasa tabi niya. Nagulat ang ogag. Hahaha!

"Guys! Una na ako sa taas ah!", paalam ko sa mga kasama ko.

Tumango lang sila sa akin. Pinag-uusapan na kasi nila yung pag-e-edit na magaganap.

Umakyat na ako sa room namin para kunin yung towel ko. May mini-park kasi na malapit dito Tsumetai-Reyez University (TRU) at do'n kami nag-shooting ng huling scene sa Ending of Love.

Pumunta ako sa CR at naghilamos. Tumingin ako sa salamin at halos atakihin ako ng makita ko sa tabi ko si Quintin.

"Parang ogag 'to! Bigla na lang sumusulpot eh"

Tumawa naman ang ugok kong kaibigan habang naghuhugas ng kamay.

"Anong ginagawa mo rito?", tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng mukha.

"Bakit? Ikaw lang ba may karapatang gumamit ng CR?", pilosopong tanong niya pabalik at ngumisi pa nga.

"Tapos niyo ng pag-usapan yung about sa editing?"

"Malamang kaya nga nandito na ako sa tabi mo"

"Okay, sungit mo talaga Quintin! Kinilig ka lang kanina nung niyakap ka ni Joyce eh!", pang-aasar ko sa kanya.

"Shh! Wag ka maingay! Kinilig talaga ako ogag!", sakay naman ng ungas kong kaibigan.

Napahagalpak ako ng tawa na sinundan din ng malakas niyang pagtawa.

Sabay na kaming lumabas ng CR. May tumawag sa phone niya kaya sinagot niya 'yon habang naglalakad kami sa corridor. Nauuna ako sa kanya.

Napansin ko yung dalawang babaeng naglalakad din sa corridor. Medyo napapakinggan ko yung usapan nila. Huminto sila sa tapat ng isang room at do'n nagpatulog sa pag-uusap. Di naman kalayuan sa kasalukuyang nilalakaran ko yung room na 'yon kaya bahagya ko pa ring narinig ang mga pinag-uusapan nila.

Bago ko pa man sila malagpasan ay pumasok na sila sa room na 'yon. Tinitigan ko yung pinto na pinasukan nila.

"Oy! Ba't ka huminto? Ngayon ka lang ba nakakita ng pinto, Jude?", pang-aasar ni Quintin na nasa tabi ko na.

"Ogag", sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Itutuloy...

avataravatar
Next chapter