6 Chapter 5

Chapter 5

Arietta's POV

Pagkatapos sabihin ni Kuya 'yon lumabas na rin siya. Hindi niya man lang hinintay ang sasabihin ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong layuan si Steven. May sakit ba siya na nakakahawa?

Hays! Bahala na nga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-ayos sa sarili. Loose t-shirt, pantalon at rubber shoes ang isinuot ko para makagalaw ako ng maayos. Hindi na rin akong nag-abala pang suklayin ang buhok ko na gulo-gulo. Liliparin din naman ng hangin 'yon kapag nagcommute ako mamaya. Mabilis kong isinuot ang salamin ko sa mata.

Nakita ko si Mommy ng naghahanda. Maaga yatang nagising si Mommy. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat pa nga siya nang makita ako pero nginitian ko lang siya at nagsimula ng kumain.

Mabilis akong nagpaalam kay Mommy nang matapos kumain at hindi ko na hinintay si Kuya para sumabay papuntang school.

Nakangiting lumabas ako ng bahay namin habang bitbit ang bag ko sa likuran. First time kong magcommute papunta sa school namin ngayon at na-eexcite ako.

Pagkalabas ng gate ng subdivision ay naglakad ako papuntang waiting area at doon nag-abang ng bus. Isang sakayan lang kasi kapag sumakay ako sa bus at maglalakad na lang ako ng kaunti pagdating ko roon sa kanto malapit sa school. Kung saan ako ibinaba ni Kuya kahapon.

Pumara ako nang makita ko na 'yong sasakyan ko. Gumilid naman 'yong bus para makasakay ako. Napasimangot ako nang makaakyat ako dahil ang dami na pa lang pasahero sa ganitong oras. Paano pa kaya kapag nalate ako? Hindi na siguro ako makakasakay sa lagay na 'yon.

Muntik na akong matumba nang magsimulang umandar 'yong bus. Mabuti na lang talaga at nakakapit ako, kung hindi mapapahiya ako kung matutumba ako rito. Inayos ko naman ang suot kong salamin at saktong nakita ko 'yong isang space roon sa may gitna. Mabilis akong lumapit doon at umupo.

Napatingin ako sa katabi kong lalaki na diretsong nakatingin sa labas ng bintana. Napatingin naman ako roon at napangiti. Maganda talaga mag-sight seeing kapag ganitong mag-isa ka, feel na feel mo ang adventure.

Muntik na akong mahulog sa upuan ko nang mapalingon sa gawi ko 'yong lalaki.

"J-Jaypee?" naguguluhang tawag ko. Bakit sa lahat ng makakasabay ko ay siya pa? At isa pa bakit nandito siya? Alam ko naman na may sarili siyang sasakyan. Bakit niya pa kailangang mag-commute?

"Bakit nandito ka?" tanong ko. Tinignan niya lang ako saglit at muli ulit siyang tumingin sa labas ng bintana ng bus. Napaayos ako ng upo at hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Mabuti na lang at may bumabang pasahero kaya nakalipat ako ng upuan doon sa may kabilang puwesto. Mas okay na ito kaysa naman makatabi ko siya.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag nang maramdaman kong nag-vibrate ito. Nakita ko ang text ni Kuya nang buksan ko ito.

My better half: Nasaan ka? Bakit hindi ka sumabay sa akin?

Me: Nakalimutan mo yatang nagcommute ako.

My better half: I forgot. Magkita na lang tayo sa school mamaya, ingat ka.

Me: Same.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Mas okay na rin siguro ito kaysa makausap ko 'yong lalaki roon sa kabilang side na walang balak pansinin ako.

Ilang minuto rin akong nagmamasid sa paligid ko nang makita ko siyang tumayo at naglakad sa unahan.

Teka, saan pupunta 'yon?

Tumayo naman ako at sinundan siya ng tingin. Napatingin ako sa labas ng bintana ng bus at napansin kong ito na pala 'yong kanto na binabaan ko kahapon. Mabilis kong kinuha ang bag sa tabi ko at napahinto ako nang makita 'yong naiwan ni Jaypee sa inupuan niya kanina.

Hindi ko makita si Jaypee mukhang nakababa na siguro. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na naiwan niya 'yong wallet niya. Bigla akong nataranta nang biglang umandar 'yong bus.

"Kuya saglit lang po, bababa pa po ako!" sigaw ko. Mabilis kong kinuha ang wallet na naiwan ni Jaypee at nagmamadaling bumaba sa bus.

Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita si Jaypee.

Nasaan na 'yon? Ang bilis naman niyang maglakad.

Ibibigay ko na lang siguro ito mamaya kapag nasa room na kami. Mabilis kong inilagay ito sa loob ng bag ko. Sana lang talaga huwag niya akong iwasan para makausap ko rin siya.

Naglakad ako papunta sa loob ng school. May mga ilang estudyante akong nakakasabayan. Pagkarating ko sa loob may mga tao na namang nakatumpok doon sa gitna. Sa tingin ko nandito na rin sila Kuya. Hindi naman mangyayari 'yan kung wala sila.

Hindi na ako nag-abala pang tumingin at dumiretso na ako sa room ko. Baka maulit na naman sa akin 'yong nangyari na mapatid ako roon. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagkaroon ng sugat. Sobrang OA pa naman ng family ko kapag nakikita nilang may sugat ako.

Pagkarating ko sa room wala pang mga estudyante. Dumiretso ako sa loob at umupo roon sa may dulo, sa gitna.

Alam kong mali na umupo ulit ako rito pero wala na akong choice, ito nalang ang available na upuan. Mas okay sana kung mag-aassign 'yong teacher namin ng seat kung saan kami puwedeng umupo. At least mas safe ako kung magiging ganoon 'yong arrangement namin.

Napaayos ako ng upo nang magsidatingan ang mga kaklase ko. Nagulat pa nga ako dahil kasabayan din nilang dumating 'yong mga kaibigan ni Kuya. Mas okay na ito kaysa gumawa sila ulit ng scene kapag nandito na 'yong teacher. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa mga estudyanteng masasama ang tingin sa akin.

Ang sarap dukutin ng eyeballs nila tapos tutusukin ko ng stick at iihaw sa mainit na mainit na apoy, pero syempre joke lang.

Napatahimik lang sila nang pumasok si Miss Perez sa room. May dala siyang bowl at hindi ko alam kung ano ang laman no'n.

"Magkakaroon kayo ng bagong seating arrangement," paninimula ni Ms. Perez. Marami namang umangal sa kagustuhan ni Miss Perez at may mga ilan na gusto dahil may chance silang makatabi ang apat na lalaki na kahilera ko. "If you have notice may dala akong bowl dito." Pinakita niya 'yong bowl at kumuha ng sample sa loob. "May iba't ibang kulay rito. Dalawang color na magkaparehas. Kung ano 'yong color na makukuha mo ay roon ka tatabi sa color na nakakuha rin ng parehas ng sa iyo. Nakuha niyo ba?" Sabay-sabay naman kaming tumango.

Nagulat ako nang magtaas ng kamay si Kuya.

"Yes, Mr. Vielle?"

"Puwede ko bang makatabi si Arietta?" sabi ni Kuya na ikinataas ko ng kilay.

Ano bang pinagsasabi niya? Alam niya naman na ayaw kong nadadawit ang pangalan ko sa pangalan niya. Gusto niya yata na mapahamak pa ako lalo. Nakita ko ang panlilisik ng mata ng mga kaklase ko.

"No you can't. Ako ang in charge rito kaya wala kayong magagawa kung hindi sundin ang gusto ko," mataray na sagot nito.

"I'm just asking a question here," bulong ni Kuya.

"May sinasabi ka ba Mr. Vielle?"

"No Ma'am," sagot ni Kuya.

"Good then, let's start." Umikot naman si Miss Perez at isa-isa kaming pinakuha sa bowl. Nakuha ko ang kulay na Grey. Samantalang si Kuya naman ay Royal Blue. "Nakakuha na ba ang lahat?"

"Yes Ma'am!"

"Good, so I will call the color at doon kayo uupo sa ituturo ko. Everyone please get your things at pumunta sa likuran." Sumunod naman kami kay Miss Perez pagkatapos niya sabihin 'yon. Inayos niya rin ang mga upuan namin, pinagdikit niya ang dalawang armchairs. Nagkaroon ng tatlong by partner chair bawat row. Tinawag naman ni Ma'am 'yong bawat color. Si Kuya naging magkatabi sila ni Ferdinand at doon sila nakaupo sa may pangalawang row.

Matagal pa bago natawag ang kulay na hawak ko. Dalawang by partners na lang ang hindi pa natatawag. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako nang makita kong kami na lang ni Steven at Jaypee ang nakatayo. It's either isa sa kanila ang makakatabi ko o ako lang mag-isa. Hindi kasi sakto ang bilang namin 23 lang kami at isa talaga ang mawawalan ng kapartner.

"Next color Grey." Napaupo ako sa upuan na tinuro ni Ma'am. Nakita kong napatingin si Kuya sa akin. Naalala ko na naman tuloy ang sinabi niya sa akin kagabi tungkol kay Steven. "Wala bang may color grey sa inyong dalawa?" tanong ni Ma'am Perez. Napatingin naman ang dalawa sa isa't isa.

"Sorry Ma'am, ako pala." Napatingin ako kay Steven nang itaas niya ang kamay niya at pinakita ang kulay na hawak niya. Bigla akong kinabahan nang lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Narinig ko na naman ang iba't ibang bulungan ng mga kaklase ko.

"You may take your seat, Jaypee." Napatingin ako kay Jaypee na naupo sa kabilang side. "So that will be your permanent seat until the end of this school year. Kapag may nakita akong lumipat ng upuan, expect the consequences. And your first assignment is getting to know your partner." Biglang sumibol ang kaba sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Totoo bang makakatabi ko si Steven?

"Ma'am how about Jaypee? Wala siyang partner?" tanong ng isa kong kaklase.

"Oh I forgot! Makisali ka muna sa grupo ng Grey."

"What?!" sigaw ng kaklase ko.

"Do you have any objection, Kyla?" nakataas na kilay na tanong ni Miss Perez sa sumigaw kong kaklase.

"N-No Ma'am."

"Good! So, class dismiss!" sagot ni Ma'am at lumabas na sa room. Nakita ko namang lumingon si Kyla sa akin at tinitigan ako ng masama.

"Ang swerte mo nga naman," naiinis na sabi nito sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin, ayokong mas lalong lumala ang away. Hindi ko naman kagustuhan na makatabi sila. Mas okay pa nga sa akin kung ako lang ang mag-isa.

Dumating din ang kasunod na teacher at nagturo ng introduction sa subject niya after no'n ay nagbell na.

Mabilis kong niligpit ang gamit ko para lumabas at kumain nang maramdaman kong hinawakan ni Steven ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"May kailangan ka?" kinakabahang tanong ko. Umiling ito at inilahad ang kamay.

"I just want to introduce myself. My name is Steven Young, the hottest student in Uranium University and you are?"

"Arietta Vielle," mabilis kong sagot at nakipag-shake hands sa kaniya. In fairness ang lambot ng kamay niya. Tatanggalin ko sana ito nang maramdaman ko ang higpit ng hawak niya.

"Finally meet you, Arietta." Nagulat ako nang halikan niya ang likod ng kamay ko sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya ng malakas na siyang ikinatumba niya. Nagsipagtinginan naman ang mga estudyante sa akin ng masama. Natatawang inayos ni Steven ang upuan niya at tumayo para harapin 'yong mga students.

"Easy, it's my fault. Natumba lang ako," natatawang dahilan nito. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang lumingon siya sa akin. "Mukhang na-fall ako ng walang sumalo," mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko at alam kong ako ang tinutukoy niya roon. Hindi sa assuming ako, pero parang ganoon na nga.

Kinuha ko na lang ang gamit ko at 'saka lumabas ng room. Iba ang atmosphere sa loob kapag kasama ko siya. Hindi ko maipaliwanag.

Hindi pa ako nakakalayo nang may humila sa akin at inagaw ang bag ko. Nakita ko si Kyla kasama ang dalawang babae. Sila 'yong mga grupo ng babae na kating kati na saktan ako sa tuwing napapansin ako ng apat na lalaki na 'yon.

"Anong kailangan niyo?" mahinahong tanong ko. Inagaw ko sa kanila 'yong bag ko, pero hindi ko makuha. "Akin na 'yong bag ko."

Hindi ko alam kung ano ang binabalak nila.

"No! Hindi ako aalis dito nang hindi ko nakukumpirma sa'yo. Alam kong ikaw lang ang gagawa nito base on your looks. Mukhang uhaw na uhaw ka sa pera." Napakunot ang noo ko sa sinasabi nila.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" tanong ko at kinuha ang bag ko pero dahil tatlo sila ay hindi ko nakuha. Mas malakas sila kaysa sa akin. "Akin na 'yong bag ko. Sinasayang niyo ang oras ko." Kinuha ko muli ang bag ko pero sa sobrang lakas nila ay naitulak nila ako kaya napatumba ako sa sahig. Nakita ko 'yong ibang estudyante na lumapit sa puwesto namin at tumingin sa akin.

"Ano bang gusto niyong sabihin? Puwede bang diretsuhin niyo ako? Hindi ko kayo maintindihan, wala akong maintindihan sa sinasabi niyo," sagot ko at pinagpagan ang suot ko na nadumihan. Kukunin ko na sana ulit ang bag ko nang itapon nila ang laman no'n sa sahig. Kumalat ang mga gamit ko sa sahig.

"Nalaman lang naman namin na nawawala ang wallet ni Jaypee at isa lang ang pinaghihinalaan namin doon at ikaw 'yon." Tinuro niya ako at hinalungkat ang gamit ko sa baba. Nagulat siya nang makita ang wallet ni Jaypee roon. "Sinasabi ko na nga ba!" Nakita kong nagbulungan 'yong mga students sa paligid ko habang nakatingin sa akin

"M-Mali kayo ng iniisip," napapailing na sabi ko. "Naiwan 'yan ni Jaypee sa bus, ibibigay ko na sana pero nakalimutan ko. Plea---"

"Huwag ka ng magdahilan! Alam naman namin na ninakaw mo ito kay Jaypee!" pagputol nito sa sinasabi ko.

"H-Hindi ko 'yan ninakaw. Please, maniwala naman kayo sa akin." Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko kung paano sila tumingin ng masama sa akin na para bang may pinatay ako. "Totoo 'yong sinabi ko. Nakita ko lang 'yan sa b--" Napatagilid ang mukha ko nang dumapo sa pisngi ko ang isang malakas na sampal. Tumapon pa sa sahig ang salamin ko sa mata at sa tingin ko nasira 'yon sa lakas ng pagkakabagsak. Tumahimik ang paligid at wala akong narinig na ingay mula sa kanila. Unti-unting pumatak ang luha mula sa mata ko.

Nakita kong nakatayo si Jaypee sa harapan ko at masamang nakatingin sa akin. Hindi ko alam na kaya niyang manakit ng babaeng walang laban.

"You are such a disgrace! Hindi ko alam na may pinapasok silang magnanakaw sa paaralan na 'to!" sigaw nito sa akin na siyang ikinatigil ko.

"Ganiyan ba ang tingin niyo sa akin? Na porket ganito ang pananamit ko ay pagdududahan niyo ako. Oo! Hindi ako kasing ganda niyo. Hindi ako kasing yaman niyo pero wala kayong karapatan na idiin ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa!"

"Hindi pa ba sapat 'to?" Turo niya sa mga nagkalat na gamit ko sa lapag at sa hawak niyang wallet. "Paano mo mapapatunayang hindi ka magnanakaw?" sagot niya sa akin pabalik.

"Hindi pa ba sapat ang pagsasabi ko ng totoo? Hindi ko ninakaw 'yan!" sigaw ko pabalik sa kaniya. "Hindi ako magnanakaw! Wala akong ninakaw. Hindi ba at magkasabay tayo kaninang pumasok sa school? Magkatabi tayo sa bus at noong bumaba ka nakita ko 'yong wallet na nahulog kaya kinuha ko, tatawagin pa sana kita pero hindi na kita nakita pa. Kasalanan ko kung bakit hindi ko naisuli sa iyo agad ang wallet pero wala akong kasalanan, Jaypee. Maniwala ka naman sa akin."

"Don't believe her, Jaypee. Sa tingin mo naman maniniwala kami sa'yo? Nakita na ng dalawang mata namin na nakalagay ang wallet ni Jaypee sa bag mo. You thief!" Isinangga ko ang kamay ko sa mukha ko nang sasampalin niya ako, pero hindi nangyari 'yon nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Subukan mong saktan siya at patatalsikin kita sa eskwelahan ko!" matapang na sabi nito. Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Kuya roon na galit na nakatingin kila Kyla. Lumapit siya sa akin at inalalayan ako. "Are you okay?" bulong niya sa akin at tumango ako.

"S-So, ipagtatanggol mo 'yang magnanakaw kahit na ninakaw na 'yong wallet ng kaibigan mo?" sabi ni Kyla at napatingin si Kuya sa kaniya.

"Kung patalsikin kaya kita sa school ko. Kaya ka bang ipagtanggol ng kaibigan ko?" Bigla naman siyang napaatras sa takot sa sinabi ni Kuya. "Hindi siya magnanakaw! May nakakita sa kaniya kanina sa bus na pinulot 'yong wallet ni Jaypee na nahulog. Iaabot niya na sana ito kaso hindi niya na makita si Jaypee. Satisfied?" paliwanag nito.

"Sinong nagtapon ng gamit ni Arietta sa lapag?" sunod na tanong ni Kuya. Napaturo naman ang mga estudyante sa tatlong babaeng kaharap ko. "Bibilangan ko kayo ng tatlo kapag hindi niyo napulot 'yong gamit ni Arietta at naipasok sa bag niya, bukas wala na kayo sa school. Isa!" Mabilis na nagsipagkilos ang tatlo at pinulot ang gamit ko at inilagay sa bag. Binigay naman nila ito sa akin.

"Kayong tatlo!" sigaw ni Kuya sa tatlo at nagsipaglapit ito kay Kuya. "I want you to disappear in my eyes. Kung hindi niyo magawa, umalis na kayo sa sch---" hindi na natapos ni Kuya 'yong sasabihin niya nang tumakbo silang tatlo palayo sa amin. "O kayo? Anong tinutunganga niyo?!" Umalis naman 'yong mga tao sa paligid at tanging kaming tatlo nila Jaypee at Kuya ang natira, kasama 'yong magpinsan na nakatingin sa 'di kalayuan.

Umalis siya sa pag-aalalay sa akin at dahan-dahang lumapit kay Jaypee. Nagulat ako nang bigyan ni Kuya si Jaypee ng isang malakas na suntok sa mukha. Napatumba ito sa sahig. Pipigilan ko pa sana si Kuya nang hilahin niya ang kamay ko. Pero bago kami umalis ay humarap muna siya kay Jaypee na pinupunasan 'yong tumulong dugo sa ilong niya.

"Fuck you Jaypee! Fuck you!" galit na sigaw ni Reed kay Jaypee na ikinagulat naming lahat.

To be continue...

avataravatar