1 Lapis

Nakakasilaw na sinag ng araw ang bumungad sa aking singkit na mga mata palibhasa'y nakatapat ang kwarto ko sa isang napakalaking bintana na sakto lang naman sa nakasilip na araw..

At kasing liwanag din ng boses ng isang ale sa baba ng bahay na animoy tunog ng bell ng sorbetes sa ingay. "Uno! Gumising kana at bumangon, malelate kana sa eskwela! ", "Dos!baliktad ang medyas mo!", palibhasa kambal kaya sabay sa lahat ng bagay. "Maria! Tanggalin mo ang lipstick na iyan, walong taong gulang ka palang!" - "nay! Marga po!," Marga? Anong Marga? Eh Maria Galope pangalaman mo?! ". Araw-araw iyan lage kong naririnig,. Instant alarm clock kumbaga, memorize ko na nga mga sinasabi nila eh. Ha! Ha! Ha! Pero lumaki kaming magkakapatid sa isang mapagmahal at masayahin na pamilya kahit linoko ng tatay ko at iniwan nalang kami. Ang kwento ni nanay sa akin, lumabas ako sa kanyang sinapupunan sa harap ng isang tindahan habang hinahabol ang walang kwenta naming tatay na nakahawak sa kamay ng kanyang kabit habang papalayo. At alam niyo ba kung ano ang pangalan ng tindahan na iyon? Mongol store lang naman, pangalan ng isang lapis. Kaya ayon nabiyayaan ako ng napakagandang pangalan!! Representing, hello world! Ang bansa na capital ng mga lapis? MONGOLIA!! ganda ng pangalan ko hindi ba.. "Mongolia Galope".

avataravatar
Next chapter