webnovel

Chapter 03

Third Person's POV

Simula noong makilala ni Gabby si Vin ay palagi na silang magkasama. Pati narin si Zach ay palagi rin nilang kakulitan. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan bago nila nalaman na nahuhulog na pala sila kay Gabbrielle. Si Vin ay nagdadalawang isip kung itatapat niya ba ang kanyang nararamdaman kay Gabby dahil ayaw niyang masira ang kanilang pinagsamahan. Habang si Zach naman ay gusto na niyang aminin ang feelings niya para kay Gabby.

-----3:15 PM-----

Magkausap sina Zach at Gabby ngayon sa telepono dahil tinawagan ni Zach si Gabby.

"Gabby?? Free ka ba mamayang uwian?? May sasabihin lang sana ako sayong mahalaga" tanong ni Zach kay Gabby.

"Oo naman, wala naman akong lakad mamaya" sagot ni Gabby kay Zach.

"Sige maghihintay nalang ako sa labas nang gate" mabilis na tugon ni Zach.

"Sige pupuntahan nalang kita sa gate Zach" sagot din agad ni Gabby.

Narinig naman lahat ni Vin ang pinag-usapan nila dahil magkasama sila ni Gabby. Mukhang alam niya kung bakit gustong makipagkita ni Zach kay Gabby nang sila lang dalawa.

Zach's POV

Pagdating nang uwian ay naghintay ako kay Gabby sa harapan nang gate. Nang sa hindi kalayuan ay nakita ko na siya, kaya bumaba ako nang sasakyan at susunduin sana siya nang makita kong hinalikan siya ni Vin. It's too painful for me to see her kissed by another man. Pagpasok ko sa kotse ay sinusuntok ko nang malakas ang manibela dahil sa sakit. Pagkatapos ay umalis agad ako at pinaharurot ang sasakyan papuntang bar.

Gabby's POV

Papalabas na ako ngayon nang school dahil magkikita daw kami ni Zach my lo.... ay joke lang pala yun. May mahalaga daw kasi siyang sasabihin sa akin. Nang malapit na ako sa gate ay biglang sumulpot si Steven sa harapan ko at hinalikan niya ako. WTF!!!

"STEVEN!!!! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin??!!" sigaw ko sa kanya pagkatapos ko siyang sampalin.

"Lavigne... kasi... ano ehh... ahmmm..." sagot ni Steven na para bang naghahanap nang tamang sagot.

"Ano Steven?!!" sigaw ko sa kanya habang dumadaloy ang mga luha aa aking mga mata pababa sa aking mga pisngi dahil sa kahihiyan, dahil madaming estudyante ang nakapaligid sa amin at alam kong ako nanaman ang pag-uusapan nila.

"Lavigne... ano kasi... m-ma-matagal na kitang gusto... alam kong gusto ka ni Zach, kaya lang ayaw kong mawala ka sa akin" paliwanag ni Steven habang umiiyak.

First time ko siyang makita na umiyak, maliban lang noong mga bata pa kami. Iba kasi ngayon ehhh, ako kasi yung dahilan nang pag-agos nang mga luha niya.

"Steven naman ehhh... sinisira mo pagkakaibigan natin ehhh" sabi ko sa kanya.

Pagkatapos ay umalis na ako sa harapan niya at lumabas na ako nang school. Paglabas ko nang gate ay nakita ko ang sasakyan ni Zach na humarurot papaalis.

"Nakita niya kaya yung ginawa ni Steven sa akin?" tanong ko sa sarili ko.

"Sana hindi" sabay cross fingers sa aking gilid.