3 Chapter 02

Third Person's POV

Pumunta naman sina Vin and Zachary sa pinakadulong upuan at tumabi sa babaeng ngayon lang nila nakita. (Vin - Gabby - Zachary) Pinagitnaan nila si Gabby.

"Bago ka ba dito?" tanong ni Zach kay Gabby.

"Yes" maikling sagot naman ni Gabby.

Alam ni Zach na siya ang binigyan nang kanyang parents nang full scholarship para makapag-aral dito sa Zeth University.

Sa buong araw ng Zeth University sa college ay wala muna silang ginawang iba dahil first day pa naman. Habang yung mga high school students sa Zeth University ay naghahanda para e welcome yung mga freshmen at transferees.

Zach's POV

Pumunta muna ako sa office para kunin ang aking gitara. Ako na kasi ang namamahala nang school kahit na nag-aaral pa lamang ako, at may sarili na akong office dito.

Pagkatapos kong makuha ang gitara ay pumunta kami ni Vin sa rooftop para magpalipas nang oras.

Gabby's POV

Pumunta naman ako sa isang puno at umupo sa damuhan at nagbasa ng libro habang nakikinig nang music sa aking headset.

-----5:00 PM-----

Pag-uwi ko sa bahay ay kinamusta lang ako nang aking mga kuya na sina Kuya Tristan Jake Torres and Kuya Tristan James Torres at nang aking mama na si Mrs. Venice Lavigne Torres. Wala na kasi ang aking tatay na si Mr. Tristan Torres dahil namatay siya noong maaksidente ang taxi na kanyang minamaneho.

Third Person's POV

Si Zach naman ay inaasikaso ang school na kanyang pinapatakbo. Kahit na bata pa siya ay bihasana siya sa pagpapatakbo nito. Ang parents niya kasi ay busy sa ZS Corporation, isang company at sa ZS Private Hospital na pagmamay-ari din nila.

-----The next day-----

Nagbabasa nang libro si Gabby habang naglalakad, nang hindi niya mapansin si Vin na tumatakbo papunta sa room nila dahil hinahabol siya ni Zach. Papasok na sana si Vin sa loob nang magkabungguan sila ni Gabby.

"Naku naman... pasensya na, hindi ko sinasadya..." paumanhin ni Vin kay Gabby.

"Okay lang... hindi din kasi kita napansin" agad na sagot ni Gabby kay Vin.

"Noon pa man, kahit na nasa harap mo na ako, hindi mo pa din ako napapansin" mahinang sabi ni Vin habang pinupulot ang librong kanina lang ay binabasa ni Gabby.

"A - A - An - Ano... Anong sabi mo Vin" nauutal na tanong ni Gabby dahil baka mali lang ang narinig niya.

"Ahhh... w - wa - wala... ang sabi ko, mag-ingat ka sana sa susunod lalo na kung naglalakad ka habang nagbabasa nang libro" sagot ni Vin habang tumatayo.

"Ah sige salamat" sabi ni Gabby sabay abot nang kanyang libro sa kamay ni Vin at pumasok na sa loob nang room nila.

Gabby's POV

Sumunod naman si Vin sa akin at umupo sa tabi ko.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan Lavigne?" tanong ni Vin sa akin.

"Teka, ba't mo alam na ako si Lavigne... ehh... Gabrielle lang yung sinabi kong name ko at yun din ang nakalagay sa I.D ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Lavigne, ako to si Steven, yung batang mataba noon na tumutugtog ng gitara, sa Baguio" sagot ni Vin sa akin.

"Steeeveeen!! Haha... ang laki nang pinagbago mo ahh... Kaya hindi kita nakilala agad ehhh" masayang sagot ko kay Steven.

"Kung noon eh ang taba-taba mo pa, ngayon eh parang wala kang kinakain sa sobrang payat mo" dagdag kong sabi sa kanya.

"Good morning class. I'm Mr. Justin Trevor Joaquin, your professor in 'Mathematics in the Modern World'. You can address me as Sir Justin" bati sa amin si Sir Justin.

Napatigil ang pagtawa ko kay Steven nang dumating ang professor namin.

avataravatar
Next chapter