2 Chapter 01

Someone's POV

Nandito na ako ngayon sa Zeth University, isang private school. Napunta ako dito dahil sa full scholarship ko. Binigay nila ito sa akin dahil naniniwala sila sa kakayahan ko because I graduated in Elementary and High School with Valedictorian.

Pagpasok ko palang sa gate nang University ay may mga mata nang nakatitig sa akin. Tinititigan nila ako mula ulo hanggang paa, na para bang ngayon lang sila nakakita nang babaeng nakalongsleeve, jeans, and converse shoes. Palibhasa kasi yung suot nila ay parang kinulang sa tela.

Sa mga hindi pa ako kilala, Gabrielle Lavigne Torres, 19, Philippines. Hahahahaha. Kilala din ako bilang Gabby.

Third Person's POV

"Kuya Zach, bangon na!!" sigaw ni Zyrene.

"Hmmm... Tumahimik ka nga Zy... Did you see that I am sleeping!" sagot nang isang inaantok na Zach sabay itinakip sa kanyang mukha ang kanyang kumot.

"Kuya bilis na kasi!! Malalate tayo nito ehhh!! First day of school pa naman!!" sigaw na naman ni Zyrene habang inaalog ang kanyang kuya na ayaw pang bumangon.

Kung pwede lang sana siyang magmaneho nang sarili niyang sasakyan, kaso hindi pa pwede dahil 16 pa lang siya at wala pa siyang lisensya.

Habang nagmamaktol si Zyrene sa kanyang isipan ay hindi niya napansin na nakabangon na pala ang kanyang kuya Zach.

"Lumabas ka na nga sa room ko Zy!!" sigaw nang kanyang kuya.

Agad namang umalis si Zyrene mula rito.

Pagkababa ni Zyrene mula sa kwarto nang kuya niya, umupo siya agad para kumain nang agahan.

"Nasaan na ang kuya Seth mo, Sxiera?" ang tanong ni Mrs. Zhxianne Yvette Sandoval. Ang mom nina Zyrene Sxiera Sandoval and Zachary Seth Sandoval.

"Nagbibihis na po si kuya Zach mom" sagot ni Zyrene sa kanyang ina na sakto namang pagbaba ni Zach mula sa kanyang kwarto.

"Sa cafeteria nalang po ako magbebreakfast mom, tayo na Zy" sabi ni Zach habang naglalakad papalabas papunta sa garahe para kunin ang kanyang Lamborghini Reventon na regalo nang kanyang dad na si Mr. Skie Vincent Sandoval noong mag 18 siya.

Pagkatapos niyang kunin ang sasakyan ay umalis na agad sila ni Zy.

Gabby's POV

Pagpasok ko sa room namin, natahimik ang mga tao sa loob at nakatitig sa akin. Nakayuko akong pumunta sa pinakadulong upuan at umupo doon. May iba namang mga babae na sumunod sa akin habang pinag-uusapan nila ako.

"Bakit kaya nandito ang isang katulad niya?? She's not one of us" sabi ni Lexie na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Tinignan ko naman sila mula ulo mukhang paa.

"Oo nga Lexie, hindi siya belong dito" maarteng sang-ayon naman ni Alex kay Lexie, na sa tingin ko ay magbestfriend sila.

'yan ang naririnig ko dito sa aking first day dito sa University na ito.

Bigla naman silang natahimik nang dumating sina Vin Steven Villafuerte and Zachary Seth Sandoval. Napatingala ako nang biglang magsigawan ang mga babae.

"Ohhh, myyy, ghaaad!! They're here already!!" narinig kong tili ni Clarisse habang inaalog ang kanyang mga kaibigan.

"Ahhh!! I LOVE YOU VIN!! Akin ka nalang babe!!" tili din ni Lorraine.

"Oyyy, akin lang si Zachary my loves ha!!" sabi ni Ashleya Kate habang kilig na kilig na nakatitig kay Zachary.

P.S. Alam ni Gabby ang mga pangalan nang kanyang mga kaklase kahit na unang araw pa lang niya dahil may I.D na agad sila at makikita mo kaagad ang pangalan dahil malaki ang font size nito kaysa sa I.D picture nila.

avataravatar
Next chapter