1 Chapter One

"Bea, for you" malapad ang ngiti ni Benedict sabay abot ng isang pumpon ng rosas na kulay pink sa kanya.

Bahagya lamang niyang binigyan ng tingin ang binata at ang hawak nitong bulaklak at supladang nilagpasan ang lalaking nasa gitna ng hallway ng eskuwelahan. Nagbulungan ang mga estudyanted nakakita ng kanyang ginawa. Benedict was left there, embarrassed. 

"Diyos ko naman Bea!" Habol ng kaibigan niyang si Monique na nasa kanyang likuran, kasabay nitong naglalakad si Andrea, ang isa pa niyang kaibigan.

"What?" She snapped at her friend

"Bakit mo naman pinahiya si Benedict ng ganoon?"

She stopped walking and looked at her friend impatiently "what's the matter with you? You know I don't like him!" Taas kilay niyang sagot

"Kahit na! You didn't have to be so rude!" Protesta nito

"stop it you two!" Maarteng saway ni Andrea na halata ang pagka bored sa mukha. Sa kanilang tatlo ay ito palagi ang namamagitan sa kanila ni Monique when they clash.

"Oh I get it" a sly smile crossed her lips "do you like him?"

"N-no! Of course not!" Tanggi ng kaibigan na halatang bahagyang pinamulahan ng mukha.

She smirked "then get over it kung hindi naman pala!" She said bitchily at nagpatuloy sa paglakad.

"Don't anger the Queen B, will you?" Bulong ni Andrea kay Monique na akma pa sanang sasagot kay Bea.

Queen B.

Yes, she's known as the 'Queen B' of St. Catherine University, because she's one of the most popular girls in school. Maganda, matalino, mayaman at...spoiled. What Bea wants, Bea gets, that's her motto. With her looks and family background, it's no wonder that most males in the prestigious university are after her. Mayroon pa ngang bulong-bulungan sa paaralan na nagkakaroon daw ng pustahan ang ilang kalalakihan kung sino ang makakapag pasagot sa mailap na si Beatrix Luna Montecillo. Well, good luck na lang sa kanila dahil para kay Bea, isa lamang lalaki ang natatangi sa kanyang paningin.

Nilapitan niya ang sasakyan niyang nakaparada sa isa sa mga reserved parking spaces ng paaralan. She's driving a red Range Rover na regalo sa kanya ng ama last year for her 17th birthday. Pinindot niya ang remote noon upang i-unlock ang pintuan. Nilingon niya ang mga kaibigan na tinungo rin ang kani-kanilang sasakyan sa di kalayuan. Kumaway siya sa mga ito bilang pagpapaalam, si Monique ay iningusan pa rin siya na kanya namang ipinag kibit balikat. Paniguradong bukas lamang ay mawawala na ang galit nito sa kanya.

Akma na niyang bubuksan ang pintuan ng kotse ng biglang may pares ng kamay na humaraang doon. Napatingin siya sa nagmamay ari ng kamay. Si Benedict. Salubong ang kilay nito at halatang galit

"Not so fast, Beatrix Montecillo" wika nito

Inirapan niya ito at pilit na hinatak ang pintuan ng Range Rover pabukas. Humakbang palapit sa kanya ang lalaki at muling diniinan ng kamay ang pintuan upang hindi niya mabuksan.

"Ano ba Benedict?!" Angil niya rito.

Benedict is a year ahead of her. Sa pagkakaalam niya ay Economics major ito. He is good looking alright - matangkad, matangos ang ilong at makisig ang pangangatawan, sadyang hindi lang niya ito type.

"Gusto ko lang namang makipag usap, Bea"

Muli niyang binaltak ang pintuan "wala akong panahon sa iyo, ok? So please, stop following me like a puppy!"

Namula ang mukha ng lalaki sa galit at pagkapahiya sa sinabi niya. Nagulat pa siya ng pahampas nitong itinapon sa sahig ang bouquet ng bulaklak na hawak pa rin. Lalong nanlaki ang mga mata niya sa sumunod na ginawa nito nag sunggaban nito ang braso niya at baltakin siyang palapit.

"Bakit ba ang suplada mo ha?!" Gigil na wika nito "tignan natin kung makapag suplada ka pa sa akin pagkatapos nito!"

Mabilis na naiilag ni Bea ang mukha niya sa tangkang paghalik ni Benedict sa kanya. Isang sampal ang pinadapo niya sa mukha nito

"You bastard!" Hiyaw niya. May takot na unti-unting bumangon sa kanyang kalooban. Papalubog na ang araw at iilan na lamang ang sasakyan sa parking lot, nilinga niya ang kinaroroonan ng sasakyan ng mga kaibigan ngunit mukhang nakaalis na ang mga ito.

"Scared?" Benedict taunted, ang dalawang kamay nito ay dumako sa baywang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. Nanayo ang mga balahibo ni Bea sa pagkakadikit ng katawan niya rito.

"Let me go! Bastos!" She fought back, at pilit ihinarang ang dalawang kamay sa pagitan ng katawan nila "you will pay for this! Do you know who I am?!"

"Oh yes! yes I know exactly who you are! Kaya huwag ka ng magpakipot pa, tutal naman marami na akong narinig sa nga naging ex boyfriends mo. You like it rough, right? So I will give you rough!" Muli siyang tinangkang halikan nito.

Napatili si Bea ng mag landing ang labi ng lalaki sa leeg niya. Ang dalawang kamay niya ay pinaghahampas ang dibdib nito.

"Help!" Tili niya habang pinipilit iiwas ang mukha sa paghalik ni Benedict.

Narinig niya ang pagtawa ni Benedict "walang makakarinig sayo ngayon dito sa parking. Iyan ang dapat mapala ng isang babaeng-"

Hindi naituloy ni Benedict ang sinasabi ng mula sa likuran ay may bumaltak dito palayo kay Bea. Ang sumunod niyang namalayan ay napaupo ang lalaki sa semento ng isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha nito.

Hindi nakaligtas kay Bea ang takot na nasa mga mata ni Benedict habang nakatingin sa lalaking sumuntok dito.

Muli itong dinakma ng lalaki sa kuwelyo at sapilitang itinayo, pagkatapos ay isang suntok sa mukha ang muling ibinigay nito kay Benedict.

"You son of a bitch!" Narinig niyang galit na bulyaw ng lalaki rito. Kahit nakatalikod ito kay Bea ay hindi siya maaaring magkamali sa baritonong tinig na iyon.

Xander de Silva. Her kuya's best friend since childhood. A constant presence in the Montecillo household. Ang tanging lalaking perpekto sa kanyang paningin, since she was 10.

"B-boss... s-sorry! Hindi na mauulit. Hindi na talaga"

Binitawan ito ni Xander. Mabilis at halos magkanda dapang tumakbo si Benedict.

Napasandal si Bea sa kanyang sasakyan. Nakahinga ng maluwag na mayroong sumaklolo sa kanya, ganoon pa man ay tila nanlambot ang kanyang mga tuhod sa nangyari.

"Are you ok?" Mabilis siyang nilapitan ni Xander. Nasa mga mata ng binata ang pag aalala. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya "are you hurting anywhere?" Sinipat nito ang kabuuan niya.

"O-ok lang a-ako" she stammered. Ang totoo ay tila natutupok siya sa pagsipat nito sa kanya.

Oh my God, get a hold of yourself Beatrix! Nag aalala lang yung tao sa iyo, may gana ka pang kiligan diyan?! Sermon ng kanyang utak

"I'll take you home" kinuha nito ang susi mula sa kanya at inalalayan siya paikot sa passenger side.

*****

"Are you sure you're okay?" Sinulyapan siya nito

Kasalukuyan na nilang binabaybay ang highway pauwi ng Villa Verde, ang exclusive subdivision kung saan nakatayo ang mansion ng mga Montecillo.

"Y-yes" mahinang tugon niya. Hindi niya maiwasan ang mapaluha ng kaunti dala ng takot sa nangyari. She immediately wiped those tears away, hindi niya gustong makita ng kahit na sino ang kanyang pag iyak.

Malakas siyang bumuntong hininga at pagkatapos ay pinasigla ang tinig "let's have dinner first, Xander"

Napatingin ang binata sa kanya. Nasa mga mata nito ang pagtataka. She sweetly smiled at him, hiding any trace of shock na natitira sa pagkatao niya mula sa nangyari kanina lamang.

"Bea..."

"Japanese! Mag Japanese dinner tayo!" She exclaimed.

She heard him give out a sigh bago lumiko sa kalye kung saan naroroon ang paborito niyang Japanese restaurant.

Matapos maka order ay katahimikan ang sumunod na namagitan sa kanila. Si Xander ang unang nagsalita.

"Sinabi ko sa kuya mong sinundo kita, para hindi sila mag alala sa bahay"

"I texted mom too" she replied and smiled "tiwala naman sila sayo eh"

"Sigurado ka bang ayos ka lang mula sa nangyari kanina? That bastard almost took advantage of you!" Nakita ni Bea ang pagkuyom ng kamao nito sa sinabi

She secretly smiled, lihim na nagagalak ang puso niya sa nakikitang pagka protective nito sa kanya.

"Well, thanks to you, he wasn't able to!" She reached out for his hand na nakapatong sa mesa "thank you, Xander" she said sincerely

"I would have killed that son of a bitch kung may masama pa siyang nagawa sa iyo" he said gritting his teeth.

Halos bumukas ang dibdib ni Bea at lumundag ang puso niya palabas niyon sa narinig na sinabi ni Xander. Does that mean that he...?

Beatrix cleared her throat bago lakas loob na nagtanong. She looked at the man seating across from her, straight in the eyes "b-but... can I ask why are you so protective of me... Xander?"

Pigil ang hininga at malakas ang kabog ng puso niya habang hinihintay ang isasagot nito. Is this the moment she's been waiting for? Did he finally realize he has feeling for her?

"Because I care about you! Ano bang klaseng tanong yan?" He answered

"You...you care about...me?" Pag uulit niya sa sinabi nito

"Of course! You're my bestfriend's little sister! At para na rin kitang kapatid!" Bulalas nito

She almost slumped in her seat nang marinig iyon. Ayan sige, asa pa more! Tuya sa kanya ng sariling isip. Her heart ached as if daggers were thrown at it.

Dumating ang pagkaing inorder nila ngunit nawalan na siya ng gana. Nakuntento na lamang siya sa palihim na pagsulyap kay Xander. Kung maaari lamang memoryahin niya ang bawat anggulo at linya ng mukha nito.

She sighed. She's 17 now, kailan ba niya masasabi rito ang damdamin? She's known him for more than 7 years, magmula ng makita niya ito ng dumalaw sila sa ancestral house ng mga Montecillo sa bayan ng San Gabriel, ang hometown ng kanyang amang si Emilio.

Ang ancestral house nila ay nasa pangangalaga ng mga magulang ni Xander. Magsasaka ang tatay ni Xander at ang ina naman ay dating guro. Magkaibigan din ang mga magulang nila kaya't sa mga ito ipinagkatiwala ang pag aalaga ng mansyon ng mga Montecillo.

Ever since then, she's always looked forward to summers. Palagi ay pinananabikan niya ang pag uwi sa San Gabriel upang magbakasyon at muling makita ang binatilyong lagi ay nasa kanyang tabi upang sumaklolo sa kaniya. He would climb trees and pick mangoes for her, hold her hands and help her balance sa pagtatangka niyang tumawid sa pilapil. Her young heart flutters every time he's near.

Nang tumuntong sa kolehiyo si Xander ay isinama ito ng ama niya sa Maynila upang ipasok sa isang magandang unibersidad, sinagot din ng kanyang ama ang pag aaral nito. Her dad even wanted Xander to stay at the mansion habang nag aaral ito ngunit mahigpit na tumanggi ang binata, masayado na raw malaki ang nagawang tulong ni Emilio Montecillo. Bagaman hindi sa kanila nanirahan ang binata ay palagian naman ito sa kanilang tahanan dahil sa bestfriend ito ng kanyang kuya Zach.

She sighed. Gee! It's been seven years! Ang akala niya noon ay simpleng crush lamang ang nararamdaman niya para rito, na mawawala rin ito sa paglipas ng panahon, ngunit habang tumatagal ay tila hindi nababawasan ang pagtingin niya para sa binata. Sa kabaliktaran, ay tila lalo pa itong tumitindi.

"I heard rumors about you, Bea" anito sa seryosong tinig na pumutol sa kanyang pagmumuni-muni.

"Huh?"

"I heard rumors that you were changing boyfriends like you were just changing your clothes. Is that true?"

Napataas ang kilay niya sa tanong nito. Is that anger she's sensing from his voice? Warning perhaps?

"Ano sa palagay mo, Xander?" Hamon niya rito

"Kuya Xander" pagtatama nito sa kanya.

She almost grimaced. Sa haba ng panahong sa kilala niya ito ay hindi niya talaga magawang tawagin itong 'kuya'.

"You're not my brother" she said flatly

"Yeah. Maybe I am not. But I'm warning you, stop playing with boys kung totoo man ang nga narinig ko. You're pretty and-"

"You think I'm pretty?"

"Yes. You are. So be careful because most men will fall under your spell. Don't toy with boys, Beatrix. You are a much better woman than that" he said at humigop ng green tea mula sa maliit na tasa.

Nasaktan si Bea sa tinuran ni Xander. Her rebellious side took over at bago pa niya naawat ang sarili ay nakatayo na siya sa kinauupuan at malambing na umupo sa tabi ni Xander. She softly ran a finger on his arms, pababa "let's say what you're saying is true..." she purred "will you also fall under my spell, Xander de Silva?" She said, trying to imitate what she sees in the movies, kapag ang babae ay gustong akitin ang bidang aktor.

"Don't try me, Beatrix" inilapit nito ang mukha sa kanya, his breath fanning her face. He has never been this close to her before. Ang puso niya ay dumadagundong sa kanyang dibidb. "If you've played with a lot of boys, don't try me..." his eyes were focused on her lips bago muling dumako sa kanyang mga mata upang seryoso siyang titigan "...hindi uubra sa akin ang kalokohan mo, Beatrix"

Tumayo na ito bago pa nakabawi si Bea sa pagkabigla. Inilapag nito ang cash sa mesa para sa kanilang hapunan bago siya tinapunan ng tingin "I'll wait for you in the car, princess"

Naiwan si Bea na halos mag hyperventilate sa kinauupuan. Pakiramdam niya ay nangamatis sa pula ang mukha niya, hindi niya inaasahan ang ibinigay nitong reaksyon sa panunukso niya. Normally ay tinatawanan at ginugulo nito ang buhok niyang tila bata kahit pa magpacute siya at lapitan ito. What has gotten to him all of a sudden?

Dinama niya ng kamay ang tapat ng dibdib kung saan nagmumula ang matinding kabog.

Shit. Will you stay still, you stupid heart!

avataravatar
Next chapter