10 The Lone Survivor

MATAPOS na makaalis ng buong seksyon malapit sa bulletin board malapit sa gate ng eskwelahan ay minabuting iginiya nina Winter at Agustus ang kanilang nasasakupan sa gazebo na nasa harapan lamang ng Euclid Building. Napagdesisyonan kasi ni Winter na mas mainam na paghatihatiin na niya ang buong klase nang sa gayon ay mabilis nilang mahanap si Mayumi.

"So Group 1 ang team leader niyo ay ako. Kasama ko sina Hugh, Theo, Eliza, at Chynna," pag-aanunsyo ni Winter sa harapan ng kanyang mga kaklase habang itinuturo ang mga pangalang kanyang tinatawag.

"Seriously, Pres? Kasama ko 'yang loser na 'yan? My God! Magiging pabigat lang 'yan sa paghahanap kay Mayumi. Kainis!" pagmamaktol ni Eliza tapos ay inirapan niya si Chynna na nalukot na rin ang mukha.

Ngunit hindi na ito pinatulan ni Chynna. Ang mas importante sa kanya ay ang mahanap si Mayumi at nang tuluyan na silang makalabas sa impyernong kinalalagakan nila sa kasalukuyan.

"Sa grupo ko naman, which is Group 2, ay ako ang leader niyo. I'll be with Miko, Rixxtan, Zaira, and Andrea," halos pasigaw na sambit ni Agustus upang pigilan ang pag-aaway ni Eliza kay Chynna.

Agad namang nakipag-apir si Miko kay Rixxtan nang marinig nila ang kanilang mga pangalan. Masaya silang dalawa dahil magkakasama na naman sila sa iisang grupo.

"At sa huli ay sa grupo naman ni Lawrence. Naisip ko kanina na si Rioka sana ang team leader niyo pero naisip ko rin na mas mainam kung lalaki rin ang lider para mas maproteksyonan nito ang kanyang mga kagrupo," pagsasalaysay ni Winter.

["Mmmmmmmm..."]

"Narinig niyo 'yon?" kinakabahang tanong ni Miko habang humahalikipkip sa kanyang katabi na sina Rixxtan at Xyryl.

"Gayshit," sambit naman ni Xyryl habang pilit na inaalis ang ulo ni Miko sa kanyang braso.

"Arte mo naman, bro," saad ni Miko saka itinulak ng bahagya si Xyryl dahilan upang mapasubsob ang binata sa kanyang katabi na si Rioka.

Hindi sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi. Mabuti na lamang at walang nakakita sa tagpong iyon. Agad namang humingi ng pag-unawa si Xyryl sa tila ba naistatwa na dalaga. Matapos nito ay malakas na sinapak niya si Miko.

Papalag pa sana si Miko sa ginawa sa kanya ni Xyryl ngunit narinig na naman nila ang misteryosong ingay kanina.

["Mmmmmmmm..."]

["Baka 'yan na 'yong mga multo ng mga pinatay!" ]

["Creepy!"]

["Let's get outta here!"]

["Bakla!"]

"Wait guys. Pakinggan niyo ulit," utos ni Agustus sa kanyang mga kaklase.

["Mmmmmm..."]

["Mmm..."]

"Sa Marcos Building ata 'yan nanggagaling," sambit ni Zaira at saka inipit ang hawak-hawak na bolpen sa kanyang kwaderno.

"Tara tingnan natin! Baka 'di talaga 'yon multo!" utal ni Kian matapos ay bigla siyang tumayo.

"What if, multo talaga 'yong narinig natin, Kian? Ha?" tanong ni Eliza sa binata habang pinandidilatan niya ito.

"Baka kasi may iba pang mga buhay rito o maybe... si Mayumi 'yon," sambit naman ni Kian dahilan upang makuha nito ang atensyon hindi lamang ni Eliza ngunit ng buong seksyon.

"Let's go!" sigaw ni Winter at saka mabilis na tumayo habang isa-isa siyang sinundan ng kanyang mga kaklase—patungo sa naturang gusali.

•••••

"Hello! May tao po ba diyan?!" sigaw ni Hugh sa harapan ng gusali.

["Mmmmm..."]

["Kakatakot talaga!"]

["Mayumi?"]

["Mga duwag!"]

Saglit namang itinuro ni Theo ang ikaapat na palapag ng gusali sa kanyang mga kaklase.

"Guys, tama si Theo. Sa 4th floor yata nanggagaling ang tinig na 'yon," pahayag ni Hazel habang ginugulo ang buhok ni Theo. Ngumisi naman ang binata bilang tugon habang nag-ta-thumbs up.

"What if trap lamang ito ng killer para maubos tayong lahat," opinyon ni Rioka ngunit agad namang tinapik ni Winter ang kanyang balikat.

"No. I think hindi niya 'yon gagawin. Plano yata niyang isa-isahin tayo," misteryosong untag ni Winter habang tinitingnan sa mga mata ang kanyang kaklase, dahilan upang mangilabot ang ilan sa kanila.

NANG TULUYAN na silang makapasok sa loob ng gusali ay agad silang nagsipaktakpanan sa kanilang mga ilong dahil sa umalingasaw na amoy ng tila ba amoy ng patay na daga.

"Napakabango naman ng perfume mo Rixxtan!" turan ni Miko habang pilit pa rin na tinatakpan ang kanyang ilong.

"Basta ako!" sagot naman ni Rixxtan. Agad naman silang nag-apir habang nagtatawanan.

"Sssssshhhh!" sita sa kanila ni Winter dahil sa umaalingawngaw na sa buong gusali ang boses ng dalawa.

Tahimik namang tumatawa si Hugh sa dalawa dahil sa paninita sa kanila ng kanilang presidente. Inilabas pa nito ang kanyang dila upang inisin pa lalo ang dalawa. Mabilis naman siyang pinalo ni Miko sa puwet bilang ganti sa naturang binata.

"Spank me more, daddy!" Umakto pa si Hugh na tila ba nagsusumamo na paluin sa ulit ni Miko habang bahagyang nakatuwad. Napailing na lamang sina Miko at Rixxtan sa tinuran ni Hugh.

["Mmmmmmm..."]

"Narinig niyo 'yon? Tara! Sa 4th floor tayo," sambit ni Agustus at saka nagsimula na siyang pumanhik sa hagdanan patungong ikaapat na palapag ng gusali.

•••••

"Hay salamat! Wala na akong masyadong naaamoy rito!" utal ni Chynna at saka bahagyang inipit ang ilan hibla ng kanyang buhok sa kanyang tainga.

Agad naman siyang sinundan ng kanyang mga kaklase sa pag-alis ng kanilang mga kamay na nakatakip sa kanilang mga ilong.

["Ay, oo nga! Bongga!"]

["Wtf? I still smell shits!"]

["Atlit..."]

["Mabaho pa rin!"]

["Pathetic."]

"Guys! Hanapin na natin 'yong boses," utos sa kanila ni Winter at saka isa-isa na silang nagpulasan upang hanapin ang pinanggagalingan ng tinig na kanina pa nila naririnig.

Ngunit hindi pa sila gaanong nakakalayo sa pinanggalingan nila kanina ng marinig na naman nila ang ungol ng tila ba nahihirapan na tao.

["Mmmmmm..."]

["Mmmmpp!"]

"Sa may faculty!" sigaw ni Lawrence dahilan upang magsitakbuhan ang buong seksyon patungon sa silid kung saan namamalagi ang ilan sa mga guro ng naturang gusali.

NAPASIGAW sa gulat ang buong seksyon nang bigla na lamang mabangga ni Theo ang isang flower vase nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng silid. Kumalat ang basag na mga bahagi ng vase sa sahig ngunit hindi na niya ito nagawang kunin lahat dahil sa kaba. Huli kasing nakapasok si Theo dahil sa pagmamadali ng kanyang mga kaklase na makapasok sa faculty, kaya hindi na siya nagawang pansinin pa ng kanyang mga kaklase na naiwan na pala siya. Maging siya ay takot na rin sapagkat baka bigla na lang siyang patayin ng killer.

"Kamuntikan na kaming atakihin sa puso sa ginawa mo, Theo!" sigaw ni Chynna sa piping binata ngunit halatang may halo itong panlalambing.

Agad namang yumuko si Theo upang humingi ng tuwid ngunit maagap naman siyang pinatayo nina Hazel at Andrea.

"Ano ka ba, Theo? Okey lang kaya 'yon sa amin," utal ni Andrea habang bahagyang inaayos ang damit ng binata.

"Masyado lang talagang OA 'tong si Chynna," untag pa ni Hazel dahilan upang mandilat ang mga mata ni Chynna at unti-unting tumawa.

"Bayaran mo 'yan," sabi naman ni Chynna tapos ay tumalikod na ito sa kanila.

["Mmmmmpp!"]

"Andito!" sigaw ni Xyryl tapos ay unti-unti silang lumapit sa pinakasulok na parte ng naturang silid.

Samu't-saring reaksyon ang kanilang inilahad nang makita kung kanino nanggagaling ang boses na kanila pa nila naririnig.

["How come?"]

["Multo!"]

["Oh my God!"]

["Miss!"]

"Untie her now," utos ni Winter. Agad namang lumapit sina Lawrence, Kian, at Hugh upang tanggalin ang matabang tali na nakapulupot sa balingkitang katawan ng kanilang guro. Punong-punong ito ng mga galos sa katawan ngunit mabuti na lamang at hindi gaano kalalim ang mga sugat nito.

"Gunting!" untag ni Hugh sapagkat matatagalan pa sila kung kamay lang ang gagamitin nilang pantanggal sa tali.

"Here. Use this." Inilabas ni Xyryl mula sa kanyang bulsa ang isang kutsilyo at ibinigay ito kay Agustus upang iabot ito kay Hugh.

Saglit namang namuo ang takot sa mga mukha ng kanyang mga babaeng kaklase dahil sa patalim na kanyang inilabas.

"Xyryl, tell me where did you get that knife?" nanginginig na tanong ni Eliza sa binata dahilan upang lalo pang maningkit ang singkit na na mata ng lalaki.

"Nasa bingit tayo ng kamatayan, Eliza. Kaya dapat lang na depensahan ko ang sarili ko laban sa putanginang killer na 'yan!" Hindi na napigilan ni Xyryl ang kanyang emosyon at bigla na lamang siyang sumigaw dahil sa inis.

"Miss Alexa? May masakit ba sa iyo?" Agad na nilapitan ni Andrea kasama sina Chynna at Hazel ang kanilang guro matapos itong matagumpay na mapakawalan nina Lawrence.

"C-class, maraming s-salamat," utal ni Miss Alexa ngunit halatang nanghihina pa ito.

"Tell me, Miss Alexa. Who is behind this kill—" tanong ni Eliza sa binibini ngunit agad na siyang pinigilan ni Chynna.

"Mamaya ka na magtanong, Eliza. Kita mong nahihirapan pa si Miss Alexa," utal ni Chynna bagay na ikinunot ng noo ni Eliza.

"Dalhin na natin siya sa clinic, guys, para sa first aid," pag-aanya ni Miko sa kanyang mga kaibigang sina Hugh at Rixxtan at saka inalalayan ang naturang guro habang sinusundan sila ng kanilang iba pang mga kaklase.

Nang isasauli na sana ni Lawrence ang kutsilyo na hiniram nila kay Xyryl kanina ay bigla siyang pinigilan ni Winter, at kinuha ang naturang kutsilyo mula sa kanang kamay ng binata.

"Pero?" pag-angal ni Xyryl sa ginawa ng kanilang pangulo.

"Walang pero-pero. Mas mainam na sa akin muna ito..." untag ni Winter. "[baka kung ano na namang magawa mo]," misteryosong dagdag pa ng binata dahilan upang mapatigil si Xyryl sa paglalakad.

["Naaalala pa rin niya?"]

avataravatar
Next chapter