webnovel

PROLOGUE

Third person pov

" I-ikaw? ikaw ang killer pero bakit-- " hindi na natuloy ni stell ang kanyang sasabihin ng bigla siyang barilin sa ulo at sa ibang parte pa ng kanyang mga katawan.

Nakadilat ang mga mata ni stell na tila nakatingin sa pumatay sa kanya at natatakpan ang kanyang mga mukha ng purong dugo na galing sa kanya.

Tumawa naman ang killer at lumapit kay stell at may binulong

" 1 down, 8 die to goo. " nakangisi niyang bulong at tumayo at nag lakad na papalayo na may ngiti sa mga labi.

------

" Erha sa likod mo! sigaw ng binata na si justin agad naman sanang tatakbo si erha para hindi siya maabutan ngunit huli na ang lahat, nahawakan siya ng killer sa kwelyo ng kanyang damit at duon na sinaksak ng killer sa tiyan at puso ang dalaga, binitawan siyang wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo

" H-hindi erha! " sigaw muli ni justin dahilan para mapatingin sa kanya ang killer at binigyan siya ng ngisi. ngising hindi mo nanaising makita dahil ang ngising yun ay hudyat na ikaw na ang susunod.

" Homerun justin? " tanong ng killer at lumalapit kay justin habang ang binata naman ay pilit na lumalayo

" Want thrill huh? "

Napalunok ang binata sa tanong ng killer at nakatingin sa kamay ng killer na hawak ang kutsilyong ginamit pang saksak kay erha na tumutulo pa ang dugo.

End~