1 Natulog Kasama Ang Isang Estranghero

Nahihilong tumayo mula sa higaan si Lin Che.

Napakagulo ng kanyang isip ATpakiramdam niya'y wala siya sa kanyang sarili. Bago ang lahat sa kaniyang paningin. Ang malambot na kumot ay bago rin sa kanyang pakiramdam, naiiba sa mga nakagisnan niyang lumang mga tela. Ang ilaw sa itaas ay napakaliwanag at hindi katulad ng lamparang kanyang nakasanayan sa tuwing siya'y gigising. Sobrang sakit ng kanyang katawan na para bang may isang bagay na sinadyang wasakin siya. Mas lalo siyang nagulat nang itaas niya ang kanyang braso...napakarami niyang pasa sa katawan!

Hindi iyon panaginip, tama...

Tinakpan niya ang kanyang bibig upang hindi makalikha ng ingay at inalis ang kumot. Pero nang makita niya ang sarili na nakahubad, walang saplot sa katawan, muntikan na siyang mapasigaw.

Muli siyang napapikit. Inalis niya ang kumot at dahan-dahang tumayo. Pagkatapos pulutin ang nagkalat niyang mga damit, dali-dali siyang nagbihis at walang lingon-lingong naghandang umalis.

Pero bago pa man siya makahakbang, may biglang sumunggab sa likod ng kanyang leeg...

"Aaah... bitiwan mo ako... bitiwan mo ako...", pagpupumiglas ni Lin Che.

Hawak ng malalaking kamay ng isang lalaki ang leeg ni Lin Che at walang kahirap-hirap na siya'y hinila pabalik sa kama.

Bagaman naguguluhan at walang alam sa kasalukuyang nangyayari, walang magawa si Lin Che kundi ang mapatigil habang pinagmamasdan ang lalaki sa kanyang harapan. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa napakagandang mukha nito.

Napakagandang lalaki...

Makikita sa kanyang mga mata ang pagiging likas na arogante. Ang kanyang mukha ay tila napakalamig at ang kanyang matangos na ilong ay nababagay sa kanyang makinis at maputlang pisngi. Sa kanyang kaputian, nakaramdam ng inggit si Lin Che na noon paman ay akala niya, wala ng mas puputi pa kaysa sa kanya.

Marami na siyang nakitang mga makikisig at gwapong lalaki ngunit sa ganitong uri ng mukha, sa tingin niya ay wala ng sinuman ang makakahigit pa.

Ito ba ang lalaking nagpahirap sa kanya kagabi na halos ikamatay na niya?

"Sino ang nagpadala sayo dito? Ang lakas ng loob mong painumin ako ng gamot? Pagkatapos mong gawin yun, sa palagay mo makakaalis ka dito ngayon nang ganun na lang?" Galit na tiningnan niya ang wala-sa-sariling babae.

Ang di-kilalang babae ay may kutis na singputi ng niyebe, maliit na mukha, at may pares ng malalaki't maamong mga mata. Ang kanyang pilikmata ay mabilis na nagbubukas-sara, ngunit nakikipagsabayan sa pagtitig sa kanya.

Nakapokus ang mga mata ni Gu Jingze sa kanya.

Si Lin Che ay isa lang D-list na artista. Matagal na niyang gustong matiyempuhan si Gu Jingyu, isang A-lister na artista. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na makalapit dito. Kaya nang minsan ay nalaman niyang ito ay nasa hotel kung saan naroroon din siya ay sinadya niyang bumili ng isang "condiment". Ayon sa pagkakaalam niya ay sinumang iinom nito ay mawawalan ng malay. Nilagay niya ito sa tubig na iinumin dapat ni Gu Jingyu sa pag-aasam na matupad niya ang kanyang balak.

Sa kasamaang-palad, maling tao ang kanyang napainom.

Ang lalaki sa kanyang harapan, bagaman ay napakagwapo at napakakisig, ay hindi ang inaasahan niyang si Gu Jingyu.

Hinila nitong muli ang kanyang braso, dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Napagulong siya nang isang beses bago nakahanap ng makakapitan.

"Ikaw...anong ginagawa mo? Sa tingin mo ba, naririto pa ako ngayon kung talagang may masama akong balak sayo ha? Nagkakamali ka! Sa ating dalawa dito ngayon, ako ang mas naguguluhan! Hindi ko rin naiintindihan kun ano ang nangyari!" Mas ramdam niya ang sakit sa kanyang puwetan dahil sa pagkakabagsak kumpara sa mga pasa na natamo niya sa kanyang braso. Ngunit mas lalong di niya matiis ang sakit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Galit na galit, sumigaw siya. "Hindi ikaw ang inaasahan kong darating dito! Hindi ikaw ang kailangan ko. Do you think you're worth drugging? Hindi ako basta-basta humahawak sa kung kani-kanino lang! At isa pa ha, ibalik mo sa'kin ang perang ginamit ko pambili sa gamot na ininom mo!"

Nagkamali siya ng pinatulog? Umigting ang mukha ni Gu Jingze sa narinig at napakunot ang kilay. Ang maiitim niyang mata ay nag-anyong tulad ng isang mabangis na hayop habang nakatitig sa babaeng gusut-gusot ang damit. Ang kanyang balikat ay bahagyang nakikita at ang mga berdeng-lilang mga pasa rito'y agaw-pansin dahil sa maputi at makinis nitong balat.

Ang mga larawan ng nagdaang gabi ay muling bumalik sa kanyang isipan. Pagkanaka'y bigla niyang naramdaman ang pag-init ng kanyang puson. He felt the obvious arousal surging through his body.

Inilayo niya ang paningin sa babae.

This damned woman... 'Anong karapatan niyang painumin ako ng ganoong gamot? At hindi lang simpleng gamot ha.'

Ang sandaling pagmumuni-muni ni Gu Jingze ay nagbigay-daan kay Lin Che upang makatakas. Walang ibang maisip, tumalon siya mula sa kama at itinulak palayo ang lalaki.

Walang lingon-lingon, mabilis siyang tumakbo palabas.

Nang narinig niya itong kumilos, sumigaw siya, "Anong tinitingnan mo? Go look at yourself!"

"You..." Papalapit palang si Gu Jingze upang habulin siya nang may maramdaman na naman siya. His lower area was once again standing tall and proud.

"Damn it", napamura siya nang malakas. Ikinuyom ang kanyang kamao sa pag-asang mapatigil ang bwisit na pagnanasa.

Mayamaya ay may ingay mula sa labas.

Hindi makapaniwala si Qin Hao sa kanyang nakita. Napatigil siya sa kanyang paglalakad.

Ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita? Bakit may babaeng lumabas mula sa silid ng kanyang amo-- hindi lang iyan, gusot at magulo pa ang damit.

"S-Sir, tumawag po si First Young Master upang tanungin ka kung nagustuhan niyo po ba ang iyong kwarto, pero nakatulog ka na kaagad kagabi pagdating mo kaya hindi na po kita pinagising sa aking mga tauhan. Sinabihan na po ng assistant ang Presidente tungkol sa iyong schedule. Sa ngayon ay naghihintay na po siya sa Presidential Residence. At...ang babaeng nakita ko po kanina..."

"Shut up!" Tinitigan ni Gu Jingze nang masama ang secretary. Agad namang nilunok ni Qin Hao ang lahat ng hinalang mayroon siya.

Sa bathroom, mariing kinukuskos ni Jingze ang kanyang buong katawan hanggang sa nakaramdam na siya ng hapdi. Dahil dito'y napatingin siya sa salamin at napamura nang malakas, "****!"

"Sir, nandito po si Madam." Paalala ni Qin Hao mula sa labas, maririnig ang kaba sa kanyang tinig.

Napatigil si Jingze. Para sa kanya, hindi magandang balita ang pagpunta ng kanyang ina.

Nang buksan niya ang pinto, ang napakagalanteng tingnan na ginang ay hindi makapaniwala sa nakitang kalat sa kama.

Hindi na kailangang hulaan pa kung ano ang nangyari kagabi.

Gu Jingze's eyes darkened. Inabot niya ang bathrobe at isinabit sa kanyang balikat. "Alam ko kung ano ang itatanong mo pero, Ma, busy ako ngayon."

Paanong hindi magtatanong si Mu Wanqing? Hindi niya maitago ang kasiyahan sa kanyang mukha. Nakatingin kay Gu Jingze, itinuro niya ang higaan. "Jingze, alam ko. May kasama kang babae dito kagabi."

Binuksan niya ang pinto at malamig na sinabi kay Mu Wanqing, "Pwede ba, Ma, wag ka ng makialam sa bagay na ito."

"Paanong hindi ako makikialam? Jingze, kailangan mong pakasalan ang babaeng 'yon; you must be responsible for what you did to her!"

Alam niyang ganito ang sasabihin ng ina...

"Mama, hindi ko siya papakasalan. Hindi ako tanga! She's just a stranger. Ni hindi ko nga alam ng pangalan non."

"Ang pangalan niya ay Lin Che. She's 23 years old. Siya ay anak sa labas ng mga Lin ng Lin Groups at may dalawang nakatatandang kapatid na mga babae at isang nakababatang kapatid na lalaki. Namatay ang kanyang ina nang siya'y bata pa at ang ama niya'y walang pakialam sa kanya. Nakatira siya sa mga Lin pero hindi siya nakakatanggap ng kahit anumang financial support mula sa kanila..."

"Mama!" Pagpapatigil ni Gu Jingze. Lalo siyang nainis nang maalala ang babaeng iyon.

"Iniisip mo pa rin ba ang Mo Huiling na iyon? Sinasabi ko sa iyo. It's impossible between you and her. Matagal mo na siyang nakakasama pero hindi mo pa rin siya mahawakan man lang. You two are not destined to be together!" Pabalang na sabi ni Mu Wanqing.

"Ma, tama na!"

Pero ayaw paawat ni Mu Wanqing. "Jingze, alam mong hindi mo mapapasaya ang isang babae dahil sa iyong sakit. The family has almost finished making preparations for artificial insemination so that you can have a child. Pero, ngayon may nangyari sa inyo ng babaeng iyon. Baka ibig sabihin nito na siya ang nararapat para sa iyo!"

avataravatar
Next chapter