66 Naniniwala Ako Sa'yo

Hindi makapaniwalang nagtinginan sina Lin Che at Yu Minmin.

Nang paalis na sila, hindi napigilang mapabulalas si Yu MInmin, "Ano iyon?!"

Umiling naman si Lin Che. "Hindi ko rin alam."

Samantala, habang papalapit sa kanila ay panay ang sigaw ni Senmira.

"Lin Che, ano'ng karapatan mo na agawin sa akin ang aking advertisement?"

Alerto namang humakbang si Yu MInmin sa unahan at hinarang si Senmira. "Bakit? Nagmamataas ka pa rin ba ngayon? Sa industriyang ito, isa laban sa isa. Ang bawat isa'y nakikipaglaban sa bawat isa. Kung nagawa mo iyan sa aming advertsiement, hindi rin ba namin pwedeng gawin iyan?"

Galit na itinuro ni Senmira ang daliri kay Lin Che. "Lin Che, hindi mo ba ako kilala? Kung kaninong babae ako? Kung lalabanan mo ako, dapat ay..."

"Miss Lin Che," Nang biglang tumahimik ang lahat dahil sa boses na iyon. Matipuno ang boses na iyon pero pormal.

Ang ilan sa mga taong nandoon ay napahinto at hindi makapaniwalang makita si Qin Hao na nakatayo doon.

Sa likod ni Qin Hao ay nandoon ang ilang mga bodyguards ni Gu Jingze. Namangha ang mga matang nandoon.

Napahinto rin si Senmira at nakalimutang ibaba ang kamay habang nakatingin kina Qin Hao.

Hindi rin makapaniwala si Yu Minmin habang tinitingnan ang mga taong dumating.

Nakita ni Lin Che si Qin Hao at nagmamadaling tinanong, "Assistant Qin, ano'ng ginagawa mo rito?"

Napakagalang ni Qin Hao kay Lin Che. "Pinapunta po ako ni Sir dito."

Tumango din naman si Lin Che at tiningnan ang paligid. Nagtataka siya kung paanong parang kinakabahan ang mga tao dahil sa isang assistant.

Pinigilan ni Senmira ang galit at masama ang tinging nilingon si Lin Che. Sino'ng mag-aakala na may kilala itong ganoong klase ng tao?

Bukod pa rito ay napakagalang ni Qin Hao sa kanya. Anong uri ng gintong trono ba ang inuupuan nitong si Lin Che?

Si Gu Jingze ba?

Imposibleng mangyari iyon...

Lumingon si Senmira at mabilis na nagpakilala. "Mr. Qin, hello. Ako nga pala si Senmira."

Tiningnan lang ni Qin Hao si Senmira. Bagamat isa siyang sikat na artista, hindi nagpakita ng kahit kaunting interes sa kanya si Qin Hao.

Nakatingin lang si Qin Hao kay Lin Che at pinaringgan si Senmira. "Miss Lin, sinabi po ni Sir na kung mayroon man pong nagbibigay sa inyo ng problema ay siya na raw po ang bahala dito. Halimbawa na lang ay pwede niya raw po itong ilibing sa snow, palayasin sa bansa, o ipadala ito sa malayong lugar ay gagawin niya raw po para lang mawala ang taong ito sa bansang ito."

Nanginig si Senmira habang tinitingnan ang seryosong mukha ni Qin Hao.

Sandaling sinulyapan ito ni Qin Hao bago magalang na ibinalik ang tingin kay Lin Che.

Hindi rin ito pinansin ni Lin Che at tinanong si Qin Hao, "Nandito rin ba siya? Nasaan siya?"

"Nasa labas po si Sir at naghihintay sa'yo."

Tumango lang si Lin Che. Tiningnan niya nang masama si Senmira bago tumalikod at umalis sa lugar na iyon.

Pinauna muna ni Qin Hao si Lin Che at pinasunod sa kabila ang mga bodyguards bago hinarap si Senmira. "Umaasa ako na kusa kang aamin sa iyong ginawa."

Nanginig ang buong katawan ni Senmira.

Habang nakatingin sa papaalis na si Lin Che, ilang sandali muna ang kanyang iginugol bago kumalma ang sarili. Naiinis na tinanong niya sa sarili kung talaga bang konektado si Lin Che kay Gu Jingze?

Bakit?

Ganoon pa man, nakaramdam pa rin siya ng takot. Mabilis na kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Lin Li.

Nang malaman ni Lin Li ang nangyari, halos itapon nito ang cellphone dahil sa galit.

Pinatay niya ang tawag at sinabi kay Han Caiying, "Napaka-arogante talaga ng Lin Cheng iyon!"

Hindi makapaniwalang nagtanong si Han Caiying, "Talaga bang may relasyon sila ni Gu Jingze?"

"Kahit may relasyon man sila, alam kong pinaglalaruan lang siya nito. Basura lang ang Lin Cheng iyan."

"Tama ka. Hindi siya kasingganda o kasing-elegante mo. Hindi ako naniniwala na mas magugustuhan siya ni Gu Jingze kaysa sa'yo."

Ngunit, lalo lang nagagalit si Lin Li kapag naiisip niya iyon.

Naiinggit siya na mayroong lalaking nagpoprotekta kay Lin Che nang ganoon.

Habang naaalala niya ang kisig at pustora ni Gu Jingze nang araw na iyon ay lalo siyang nagseselos. Walang ibang lalaking makakapantay dito.

Paanong nagkaswerte si Lin Che nang ganoon?

---

Nagtatakang nakasunod lamang si Yu Minmin sa mga bodyguards.

Nakasuot ang mga ito ng kulay-itim na suits at may earpiece sa gilid. Napansin rin ni Yu Minmin na may mga baril na nakasabit sa mga baywang nito.

Dalawang linya ang sinusundan ng mga ito. Sinalubong sila ng isang linyadang itim na kotse at nasa ginta naman si Gu Jingze.

Nakilala ni Lin Che ang sasakyan ni Gu Jingze at diretsong naglakad papunta doon.

Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas mula doon si Gu Jingze.

Nagliwanag ang mata ni Yu Minmin, at naalala niya na kapatid ito ni Gu Jingming. Nabalot ng pagka-awkward ang kanyang mukha.

Pero paano ito nakilala ni Lin Che...

Tiningnan ni Gu Jingze si Lin Che at sumimangot.

Medyo nahiya naman si Lin Che. "Tungkol nga pala doon sa police station at advertisement, ikaw ba ang tumulong sa'kin?"

Sumagot naman si Gu Jingze, "Binati ko lang naman sila. Halika na, ihatid na kita sa bahay."

Tumango si Lin Che at tinawag si Yu Minmin. "Ms. Yu, mauuna na ako. Tawagan mo nalang ako kung may biglaang mangyari."

Nagnakaw ng mabilis si Yu Minmin kay Gu Jingze at tinanong si Lin Che, "Ikaw at si Gu Jingze ay…"

"Kami ay…" Hindi alam ni Lin Che kung paano niya ba sasabihin ang tunay nilang relasyon.

Naunawaan naman ni Yu Minmin na may mga bagay talaga na hindi na dapat sabihin pa. Nabigla lang talaga siya nang makita si Lin Che na kausap si Gu Jingze. Napakaswerte nito na nakilala ang isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa. Ngumiti siya't sinabi kay Lin Che, "Okay, sige. Mauna ka na. Aalis na rin naman ako."

Nagpapasalamat na ngumiti si Lin Che kay Yu MInmin bago tumalikod at humarap na sa kulay dark blue na Porsche.

Tumingin din si Gu Jingze kay Yu MInmin. Natuwa naman ito kaya ito'y yumuko at ngumiti kay Gu Jingze.

Hindi nito lubos akalain na makakalapit sa isang mataas at makapangyarihang personalidad.

Ngumiti rin naman si Gu Jingze bilang ganti dito.

Muling yumuko si Yu Minmin at mabilis na tumalikod nang makita niyang pumasok na sa sasakyan si Gu Jingze.

Sa isang utos lang ni Gu Jingze ay kaagad namang sumakay ang mga bodyguards at nagpaandar ng kani-kanilang sasakyan habang pinoprotektahan ang kotseng Porsche sa gitna.

Sa loob ng sasakyan ay nahihiyang nagpasalamat si Lin Che. "Salamat sa pagtulong mo sa'kin."

"Huwag mo ng alalahanin iyon. Asawa kita at obligasyon ko na tulungan ka."

"Tungkol naman sa drugs, wala talaga akong alam don. Promise."

Lumingon sa kanya si Gu Jingze at sinabing, "Naniniwala ako sa'yo."

Napatigil naman si Lin Che. Sobra siyang na-touch sa pagtitiwala nito sa kanya.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Gu Jingze, "Bagama't wala kang modo, pasaway, tanga-tanga, at tamad; naniniwala ako na hindi mo magagawa ang ganyang bagay."

". . ."

Salamat sa papuri.

Parang gustong sabihin ni Lin che na 'wag nalang itong magtiwala sa kanya.

Dagdag pa ni Gu Jingze, "Ganoon pa man, kasalanan ko pa rin kung bakit kinailangan mong manatili sa police station nang buong gabi."

"Hindi mo kasalanan iyon."

"Bilang iyong asawa, tungkulin ko na tulungan ka. Ngunit sa kasamaang-palad ay nasa labas ako ng bansa nang mangyari iyon kaya wala akong kalam-alam sa nangyayari sa'yo. Hindi ko napansin ang oras at dahil diyan, nais kong humingi ng tawad."

avataravatar
Next chapter