82 Nakakadiri

"Kung gayon, pumunta nalang tayo sa bahay ko," sabi ni Mo Huiling.

Nilingon siya ni Gu Jingze at tumango.

At sabay na umalis ang dalawa sa bahay ni Gu Jingze.

Nang makarating sila sa bahay ni Mo Huiling, pagkababa nila sa sasakyan ay agad na hinila ni Mo Huiling si Gu Jingze papunta sa kwarto nito.

Naka-pout ang labi nito kay Gu Jingze at malambing na nagsalita, "Jingze, miss na miss na kita nang sobra. Gusto kitang makasama araw-araw…"

Nag-aatubiling tumingin lang sa kanya si Gu Jingze, "Pero, Huiling, may asawa na ako…"

"Oo, kasal ka na nga pero ako naman ang mahal mo, Jingze. Huwag mong sabihin sa'kin na inlove ka na sa kanya? At ano pa ba ang dahilan mo para maging malapit sa kanya? Kayong dalawa… hanggang saan na ba ang nagawa ninyo…"

Hindi rin alam ni Gu Jingze kung ano ang dahilan basta't ang alam niya lang ay gusto niyang maging malapit pa lalo kay Lin Che.

Sa tuwing napapalapit siya kay Lin Che ay parang nakakalimutan niya ang lahat ng bagay at nagkakaroon siya ng lakas na loob na gawin ang anumang gustuhin niya.

Malaki ang pinagkaiba ng nararamdaman niya kapag si Mo Huiling ang kasama niya.

Naiisip niya na baka dahil na rin sa dahilang nahahawakan niya ito nang walang anumang rashes na lumalabas sa kanya kaya pakiramdam niya ay safe siya kapag si Lin Che ang kasama niya.

Ganoon pa man, may emotional connection silang dalawa ni Mo Huiling, ang koneksiyon ng pagiging pamilyar at malapit sa isa't-isa. Para silang mag-soulmate.

Ipinikit ni Gu Jingze ang mga mata at pakiramdam niya'y nasaktan niya si Mo Huiling. Huminga muna siya nang malalim bago tinanggal ang kamay nito. "Huiling, sa tingin ko ay mas magiging mabuti para sa lahat kung ititigil na natin ito."

Nabigla si Mo Huiling.

Nagpatuloy si Gu Jingze, "Sorry. Pero ayoko ng sayangin pa ang iyong buhay. Maraming taon na ang nasayang mo para sa akin; masiyadong mahabang taon na ang kinuha ko sa'yo. Hindi kita mapapakasalan dahil hindi kita pwedeng hawakan. Hangga't hindi pa gumagaling ang sakit ko, hinding-hindi kita mahahawakan kahit kailan. Araw-araw ka lang magdudusa sa piling ko. Hindi rin naman payag ang pamilya mo sa relasyon nating dalawa. Masiyado lang din akong naging selfish kaya hanggang ngayon ay nagkikita parin tayo…"

Lalo lang ding nagimbal si Mo Huiling.

Namumutla ang mukha nito at hindi makapaniwalang nakatitig lang kay Gu Jingze.

Pati ang labi nito'y nawalan ng kulay.

"Sinamahan mo ako kahit nang ikinasal na ako; sinasayang mo nalang ang panahon mo, Huiling. Maghiwalay na tayo…"

Hindi niya kayang tumingin sa mata ni Mo Huiling.

NApakatagal na taon din ang ginugol nila sa relasyong ito.

Kahit malamig man siya at istrikto sa negosyo, malambot pa rin naman ang puso niya sa mga ganitong bagay.

Tumayo na si Gu Jingze at naghanda ng umalis.

Hindi niya inaasahan na bigla nalang hinila ni Mo Huiling ang kanyang braso, niyapos siya at walang balak na bumitaw sa kanya.

"Jingze, 'wag mo akong iwan. Wag kang umalis," pagmamakaawa nito.

Ipinikit naman ni Gu Jingze ang mata. "Bitiwan mo na ako, Huiling. Kapag nakahanap ka na ng iba, makakalimutan mo rin ang tungkol sa atin."

"Hindi, paano ko naman makakalimutan ang tungkol sa atin? Sa loob ng napakahabang panahon, ikaw at ikaw lang. Ikaw na ang naging buhay ko, JIngze. Wala akong pakialam kahit na may sakit ka; wala akong pakialam kahit hindi mo man ako mahawakan man lang. Ang gusto ko lang ay magkasama tayo. Wala akong pakialam kahit may asawa ka na. Hihintayin kita. Hihintayin kong mamatay lahat ng mga Gu at Mo hanggang sa wala ng matira na hahadlang sa ating dalawa. Please…"

"Huiling, ano ba'ng pinagsasabi mo?!" Kaagad siyang pinagalitan ni Gu Jingze dahil sa hindi maganda nitong sinabi sa kani-kanilang pamilya.

Pero naisip din niya na baka nasabi lang nito ang mga iyon dahil sa pagkataranta, kaya huminga siya nang malalim at hinawakan si Mo Huiling sa pag-asang mapapakalma ito.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? May asawa na akong tao. Hindi ko alam kung kailan kami magdi-divorce ni Lin Che. Ako at si Lin Che ay… hindi lang ganoon kasimple ang mayroon kami. Kasal kami, mag-asawa. Malapit kami sa isa't-isa kasi… kailangan naming magsama sa iisang bahay. Kaya, magiging unfair ang ganitong setup para sa inyong dalawa."

"Alam ko, Jingze. Pero ikamamatay ko kung mawawala ka sa'kin. Ang gusto ko lang naman ay ang nakikita kita, nakakausap, at nakakasama; iyan lang ang gusto ko. Hinding-hindi kita iiwan. Habang buhay kitang hihintayin. Hindi ako magpapakasal sa ibang lalaki at hindi ako mag-aasawa kung hindi rin lang ikaw iyon. Kaya…please, wag mo akong isuko. Talagang ikamamatay ko 'to!"

Nakamasid lang si Gu Jingze sa mukha ni Mo Huiling na basang-basa ng luha.

Alam niyang sobra-sobra talaga ang pagmamahal nito sa kanya.

Napakahirap naman kasi. Bakit hindi niya ito kayang mahawakan man lang?

Napansin ni Mo Huiling na medyo lumambot na ang ekspresyon ng mukha ni Gu Jingze at noon di'y nakaramdam ng lihim na kasiyahan sa kanyang puso.

Naisip din niya na kung nakakalapit dito si Lin Che nang wala namang gaanong problema, marahil ay gumagaling na ang sakit ni Gu Jingze.

Kung ganoon, bakit hindi siya maaaring makahawak dito?

Kaya mabilis na lumapit si Mo Huiling kay Gu Jingze habang seryoso itong nag-iisip at direktang hinalikan sa labi…

Noon lang din napansin ni Gu Jingze na nakalapit na pala ito sa kanya.

Agad niya itong itinulak. Hindi naman sa sumama ang pakiramdam niya, pero itinulak niya ito dahil nakaramdam siya ng pandidiri.

Napasandal si Mo Huiling sa kama. Galit na may halong lungkot na tumingin siya kay Gu Jingze.

Hindi mapakali na pinupunasan ni Gu Jingze ang bibig at nakalimutan niya na nandoon pa pala si Mo Huiling. Tiningnan niya ito, "Huiling, ano…"

Samantala, sa isip ni Mo Huiling ay gusto niyang sakalin si Lin Che ngayon hanggang sa ito'y mawalan ng hininga.

Bakit kaya nitong makalapit nang sobrang close kay Gu Jingze samantalang siya ay hindi?

Sobra rin ang galit ni Gu Jingze. Hindi niya kailanman naisip na bigla nalang siyang hahalikan ni Mo Huiling.

"Huiling, sinabi ko na sa'yo na may asawa na ako. Paano mo nagawa iyon…"

Alam ni Mo Huiling na wala pang ibang babaeng nakarelasyon si Gu Jingze bukod sa kanya. Alam niya rin na kapag ginawa niya ang bagay na 'to, susumpong na naman ang sakit ni Gu Jingze. Medyo nauunawaan niya pa kung bakit ito kumikilos nang ganoon ngayon.

Pero, sinabi na niya dito na may asawa na siya at ayaw niyang maging unfair sa kanilang tatlo. Pero, ginawa pa rin nito ang bagay na iyon.

Talagang galit siya dito. Seryosong tiningnan niya si Mo Huiling bago tumayo at lumabas ng kwarto.

Nakaramdam naman ng takot si Mo Huiling nang makita si Gu Jingze na aalis nang ganoon. Pero, natatakot din siya na habulin ito. Natatakot siya na baka dahil sa sobrang galit nito ay hindi na ito makipagkita pa sa kanya kahit kailan.

Hindi nagtagal ay nakarating na si Gu Jingze sa lugar ni Chen Yucheng.

Kaagad siyang nagpunta sa lababo at nagsipilyo pero hindi pa rin siya komportable sa sariling bibig.

Hindi niya masabi kung sa isip niya lang ba ito o sadyang pinaglalaruan lang siya ng sariling katawan, pero talagang hindi siya komportable. Muli siyang nagsipilyo ng ngipin. Ganoon pa rin. Kaya muli na naman siyang nagsipilyo.

Narinig ni Chen Yucheng ang ingay mula sa loob kaya kumatok ito sa pinto. "Mukhang niloloko mo lang yata ako. Sa isang kiss lang ay balak mo ng ubusin ang isang tube ng toothpaste? Masusugatan na niyan ang bibig mo kapag hindi ka pa tumigil."

Malakas na binuksan ni Gu Jingze ang pinto.

Kaagad namang tumigil sa pagsasalita si Chen Yucheng nang makita ang kanyang ekspresyon. "Mr. Gu, nagbibiro lang naman ako. Sinabi ko lang naman iyon dahil hindi naman siya ibang tao sa'yo diba. Hindi naman siguro masiyadong masama, ano? Ano kaya kung kontrolin mo muna ang takbo ng isip mo? Nang sa gayon ay malaman mo kung bakit hindi ka komportable ngayon, kung sa isip mo lang ba ito o talagang ayaw ng katawan mo ang nangyari?"

Kinontrol naman ni Gu Jingze ang emosyon. Gusto niya rin namang malaman ang dahilan pero sadyang hindi niya mapigilang marumihan sa sarili at hindi mapalagay ang loob. Nang maalala niya ang nangyari ang parang gusto na naman niyang magsipilyo ng ngipin.

Pero, naisip niya na bakit parang magkaiba naman ang pakiramdam niya kapag hinahalikan niya si Lin Che…

Kakaiba ang nararamdaman niya kapag ito ang hinahalikan niya. Iyong tipo ng pakiramdam na magkukusa pa siyang lunukin ang laway nito nang walang kahit kaunting pandidiri…

avataravatar
Next chapter