9 Nag-Aaudition Si Madam Para Sa Isang Role

Hindi makapaniwala, tinitigan ni Lin Che si Lin Li, "Sino ka ba sa palagay mo ha?"

Sasampalin niya na sana si Lin Che para malaman nito kung sino talaga siya, pero biglang nag-iba ang kanyang anyo. Parang nahihiya at mahinahon niyang sinabi kay Lin Che, "Anyway, kailangan mo ng umuwi sa bahay. Lin Che, ate mo ako at ang nais ko lang ay mamuhay ka nang maayos."

Labis ang pagtataka ni Lin Che sa biglang pagbabagong ito ng kapatid.

Hindi niya alam kung kailan pa nakarating si Gu Jingze sa kanyang kinaroroonan.

Muli, hindi maitago ni Lin Li ang pagkahumaling sa kanyang kaharap. Patuloy lang siyang nakatitig dito.

Habang nakaharap sa perpekto nitong mukha, pinisil niya sa abot ng makakaya ang kanyang dibdib. Mabuti na lang at bago palang siya nagpa-breast treatment kaya confident siya na nakakaakit siyang tingnan sa mga oras na iyon.

Akala niya talaga na perpekto na si Qin Qing; ubod ng yaman at gwapo pa. Pero, sa harap ng lalaking ito, baka mapahiya lamang ang kanyang nobyo.

Halata sa kanyang tindig at tikas na siya'y hindi isang ordinaryong tao.

Parang mababaliw na si Lin Li habang nakatitig sa mukhang kayang bumihag ng maraming kababaehan.

Ngunit, hindi nag-aksaya ng tingin si Gu Jingze kay Lin Li. Mabilis niya lang itong sinulyapan at tinitigan na ang takot na takot na si Lin Che.

Namumutla ito na parang tinakasan ng dugo sa katawan, malayong-malayo sa mukha nito kaninang umaga. Ang mahahaba nitong pilik-mata ay nanginginig nang bahagya at ang ibabang talukap ng kanyang mga mata'y may kulay na green-blue. Mukha siyang isang batang aso na basta na lang iniwan.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Nakatingin nang walang ekspresyon si Gu Jingze kay Lin Che.

Nanginig si Lin Che. Takot na itinaas niya ang kanyang ulo at sumagot, "Hindi. Ayos lang ako."

"Sumama ka sa'kin." Hindi na siya lumingon pang muli kay Lin Li. Sa halip, diretso lang naglakad papunta kay Lin Che.

Napahinto saglit si Lin Che. Nakita niyang nakangiwi ang mukha ni Lin Li. Mula sa likod, napansin niya ang assistant ni Gu Jingze na nagpapahiwatig sa kanyang sumunod na lang. Walang ibang choice, nagmamadali itong sinundan ni Lin Che.

Naiwan doon ang namumutlang si Lin Li na nakatayo. Galit na galit na napasigaw, "Kilala niya si Lin Che?"

"Imposible. Hindi naman sikat si Lin Che ah. Hindi nga siya matawag bilang D-list na artista."

"Pero sino ba talaga ang lalaking 'yon? Parang kakaiba ang kanyang dating."

Si Lin Li ay isang eksperto. Sigurado siya na ang suot nitong hand-made Italian suit ay hindi mabibili ng kahit sino lang. Sobrang mahal ng designer brand na 'yon. Nagbalak ngang magpareserve si Qin Qing ng suit na iyon pero nabigo ito, para sana sa kanilang engagament party.

Hindi niyang mapigilang makaramdam ng kaunting selos. Tiningnan niya nang masama ang nakatalikod na si Lin Che.

Sinundan naman ni Lin Che si Gu Jingze patungong exit.

"Salamat nga pala sa tulong mo kanina," sabi niya dito.

Hindi lumingon si Gu Jingze pero sumulyap siya sa may gilid nito. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

Sumagot naman si Lin Che, "Ah, gusto ko sanang mag-audition para sa isang role kaya pumunta ako para makaharap man lang ang direktor, baka sakaling mabigyan ako ng chance sa audition."

"Oh" lamang ang isinagot ni Gu Jingze at sinuri ang suot niyang azure-green na outfit. Napakaganda at nakakaakit siya sa kanyang suot.

"Okay. Hanapin mo ako dito kapag tapos ka na. Ihahatid kita pauwi."

Tumango si Lin Che. "Okay, pero bakit ka nga pala nandito?"

"Ang hotel na ito ay pagmamay-ari ng mga Gu", sagot niya nang hindi nagbabago ang tono.

Ah, kaya pala, ang naisip ni Lin Che.

Ang napakalaking hotel na ito...

Nagpaalam na si Lin Che at umalis para asikasuhin ang dapat niyang gawin.

Nang paalis na siya, tinawag ni Gu Jingze ang kanyang assistant na si Qin Hao at tinanong, "Nandito siya para mag-audition?"

Nakatingin sa direksiyong iniwan ni Lin Che, magalang na sumagot si Qin Hao. "Yes, sir. Nag-aaudition si Madam para sa isang role sa isang fantasy drama. Mag-iinvest ang Gu Family sa fantasy drama na ito para i-promote ang ating mga hotel. Magsisimula na ang filming nito at si Third Young Master ang male lead."

Ibinaling ni Gu Jingze ang kanyang tingin sa pinto kung saan pumasok si Lin Che. Ibinaba niya ang kanyang ulo at sinabi kay Qin Hao, "Pumunta ka doon and make some arrangements..."

----

Nahirapan si Lin Che sa paghahanap sa director at producer. Nang makita niya na ang mga ito, binalewala niya ang kanyang hiya at lumapit.

"Hello po, Director Jiang."

Nagtagpo agad ang kilay ng director. "At sino ka?"

"Oh, ako nga po pala si Lin Che, isang artista mula sa Dynamic Pictures, ako..."

Agad na nakuha ng director ang ibig niyang sabihin at mabilis na sumagot, "Ah. Kung tungkol ito sa audition, hanapin mo ang assistant. Hindi ako ang in-charge sa mga ganyang concerns."

Alam ni Lin Che na lahat ng mga obra ni Director Jiang ay sobrang sikat. Kaya, talagang napakahirap ang makalapit man lang dito.

Pero sa ganitong uri ng trabaho, minsan, kailangan lang talaga ang kakapalan ng mukha.

"Alam ko po 'yan, Director Jiang. Hindi po ako pumunta dito para sa role. Gusto lang po kitang makita at sabihin sayo na simula nang makapagtapos ako sa drama academy, lagi ko pong inaabangan ang iyong mga palabas. Alam ko pong sikat ang lahat ng iyong mga obra. Ang kalidad ng mga ito ay talagang nakakamangha. Alam ng lahat na kapag si Director Jiang ang humawak ng isang project, tiyak na magiging blockbuster ito na may maraming awards, kaya pumunta po ako sa'yo lalo..."

"Okay." Walang ganang pagputol ni Director Jiang. "Okay lang 'yan. Di mo na kailangang bolahin pa ako. Marami na akong nakitang katulad mo. Pag sinabi kong 'no', ibig sabihin 'no'."

"Hindi..."

Gusto pang lumapit ni Lin Che pero tumalikod na ang director at pumasok sa loob.

Napatingin nalang si Lin Che at hindi na naabutan pa ang director. Sa halip, lumabas ang producer. Nang makita nito si Lin Che, lumapit ito sa kanya nang nakangiti.

"Hi, you must be Lin Che."

Nagulat si Lin Che. Pero agad niya namang ipinakita ang kanyang signature smile. "Producer Chen, kilala mo po ako?"

"Oo naman. Napanood ko ang ilan sa mga palabas mo. Bagama't hindi masyadong marami ang iyong mga scenes, magaling ka naman. Bakit? Gusto mo ba ng isang role dito?"

Nahihiyang sumagot si Lin Che, "Gusto ko lang pong makapag-audition."

Sinuri siya ng producer at mahinahon itong tumingin sa kanya, "Alright. Kakausapin ko ang director. Makakabalik ka dito para mag-audition, few days from now."

Tumingin sa kanya si Lin Che at hindi makapaniwala, "Talaga po?"

"Oo naman." Ngumiti ito at tiningnan siya nang makahulugan. "Work hard."

Ilang sandali pa ay bumalik na si Lin Che sa may lounge para hanapin si Gu Jingze.

Nakaupo ito sa loob habang nagbabasa ng ilang papeles sa kanyang kamay. Nang tumingin siya sa itaas, nakita niya ang napakagandang ngiti ng babaeng papalapit sa kanya. Napakaganda ng kanyang mga mata kapag siya'y nakangiti.

"Bakit parang ang saya mo yata?" Tanong niya.

Sumagot naman agad si Lin Che. "Yes, yes. Pinayagan ako ng isang sikat na director na makapag-audition para sa isang role ng kanyang project. Sabi ko na nga ba; magtatagumpay talaga ako kapag gumawa ako ng paraan. Kalat na ang aking pangalan sa entertainment circle. Kahit ang producer, alam niya ang pangalan ko! Parating na ang masasaya kong araw. Kaya syempre, masaya talaga ako ngayon. Hahahahaha."

Ngumiti siya at tuwang-tuwa na ikinabit ang kanyang braso sa braso ni Gu Jingze at masaya itong idinuyan.

Iniyuko ni Gu Jingze ang kanyang ulo at tiningnan ang kamay nitong nakalambitin sa kanya. Parang nag-aanyaya ang mapuputi nitong daliri na manaka-naka ay dumadampi sa kanyang balat.

Patuloy lang sa pagduduyan ng kanyang kamay si Lin Che. Ngunit nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla niyang naisip na parang may mali at biglang binitiwan ang kamay nito.

"Sorry, sorry. Nadala lang ako ng sobrang kasiyahan kaya di ko agad namalayan. Hindi na mauulit ito."

Tinitigan siya ni Gu Jingze. Pero wala siyang nararamdaman na parang mangangati ang kanyang katawan. "Tara na. Umuwi na tayo."

Tumalima naman agad si Lin Che.

Naghiwa-hiwalay naman ang napakaraming bodyguards upang padaanin sila. Binuksan ng isa sa mga ito ang pinto nang buong ingat na para bang isang hari ang kanilang pinagsisilbihan.

Habang nakatingin sa kanya, napaisip si Lin Che na talagang naiiba ito sa karamihan. "Gu Jingze, are you some big shot?"

avataravatar
Next chapter