104 Naaalala Ko Pa Ang Lahat Ng Nangyari Nang Gabing Iyon

Biglang natampal ni Lin Che ang balikat ni Gu Jingze. "Sige! Banggitin mo pa iyon! Subukan mo lang!"

"Ano'ng problema?"

"Alam ko namang hindi lang isang beses mong nakita ang lahat lahat nang gabing iyon!" Malinaw pa rin sa alaala ni Lin Che ang mga nangyari nang gabing iyon. Para itong isang halimaw na paulit-ulit na inangkin ang kanyang pagkatao sa buong magdamag.

May parang kislap na lumabas sa mga mata ni Gu Jingze habang nanunudyong tiningnan si Lin Che. "Naaalala mo pa pala."

Kaagad namang narealize ni Lin Che na parang may mali. Ano na naman bang kapalpakan ang nasabi niya?

Ngumiti si Gu Jingze at humarap sa mukha ni Lin Che. "Ano pa ba'ng naaalala mo? Sabihin mo sa'kin."

"H-h-huh… Wala. Wala na akong ibang naaalala pa," naging malikot ang mata ni Lin Che. Iniiwas niya ang tingin kay Gu Jingze.

Kaso nga lang, nakahawak pa rin ito sa pulso niya.

Lalong lumapit si Gu Jingze sa kanya at masusing sinuri ang ekpresyon ng kanyang mga mata. "Sabihin mo sa'kin. Ano pa ba ang naaalala mo? Naaalala mo pa ba kung paano ko hinubad ang suot mo? Kung paano kita pinahiga sa kama?"

"Hindi. Hindi ko maalala." Nauutal na sagot ni Lin Che.

"Talaga?" Ngumiti si Gu Jingze. "Kasi ako, naaalala ko pa."

"Ano…"

Tumawa si Gu Jingze at nagsalita, "Ganunpaman, wala naman akong masiyadong nakita talaga. Malabo ang paningin ko noon at nangangapa-kapa lang ako. Sa katunayan nga ay hindi ko alam kung ano'ng hitsura ng katawan mo nang walang saplot at kung ano ba talaga ang ginawa ko nang gabing iyon. Bakit hindi natin gawin iyon ulit?"

"Manyakis! Nakakainis ka talaga! Hindi ako naniniwala sa'yo!" Mabilis na umalis si Lin Che mula sa pagkakadikit dito. Nang lingunin niya ito ay nakita niya itong malakas na tumatawa. Mukhang napakasaya nito.

"Nakalimutan mo na bang may sakit ka pa?", tanong ni Lin Che.

Noon lang din naalala ni Gu Jingze na may lagnat pa pala siya.

Hinawakan niya ang noo. Kapag umiinom siya ng gamot, karaniwan ay nakakaramdam siya ng pangangati at pagkahilo pero nakapagtataka at maayos naman ang pakiramdam niya ngayon. Marahil ay dahil nakikipagbiruan siya kay Lin Che ngayon kaya hindi siya nakaramdam ng mga iyon.

Sinuri niya ang katawan at napansin na malaki na ang nabawas sa pamumula ng kanyang katawan, kaya nagpasya na siyang umuwi kasama ni Lin Che.

Ibinigay ni Chen Yucheng ang gamot kay Gu Jingze. "Kailangan mo pa ring inumin iyan araw-araw. Mas malala ang nangyari ngayon. Siguro ay hindi ka palaging umiinom niyan."

Huminga nang malalim si Gu Jingze at hindi na sumagot pa.

Sumingit naman si Lin Che sa usapan ng dalawa. "Hay naku, Gu Jingze! Bakit hindi ka palaging umiinom ng gamot mo?"

Sumama ang tingin ni Gu Jingze kay Lin Che.

Ngumiti naman si Chen Yucheng at sumagot, "Effective pa rin naman ang gamot na ito. Bagama't may mga side effects ito sa kanyang katawan, medyo nasanay na din naman siya kaya hindi na ito dapat ipag-alala pa. Sa una lang naman talaga mahirap inumin ang gamot na ito."

Tiningnan ni Lin Che ang bote ng gamot at nag-isip kung paanong nakakaya lang itong inumin ni Gu Jingze. Dahil espesyal ang sakit nito kaya malamang na kakaiba din ang gamot na kailangan nitong inumin. Siguradong malayo ang pinagkaiba nito sa mga gamot na karaniwan niyang iniinom.

Ngumiti si Chen Yucheng kay Gu Jingze. "Pambihira talaga, oo. Noong huli mong pagpunta dito para magsipilyo ng ngipin, naisip ko na baka nalunok mo ang laway ni Miss Mo. Alam ko namang dumampi lang ang labi niya sa'yo at sandali lang iyon pero matindi ang naging reaksiyon mo! Halos ilang oras kang paulit-ulit na nagsipilyo! Kung sakali mang nalunok mo ang laway niyan, wala naman sigurong epekto na iyon ngayon kasi malamang ay napanis na iyon."

". . ." Nanlilisik ang mga matang tiningnan ni Gu Jingze si Chen Yucheng.

Dahil sa titig na iyon ay para bang maninigas na ang katawan ni Chen Yucheng. Natatarantang nilingon niya si Lin Che pero alam niyang huli na para bawiin pa niya ang sinabi.

Narinig iyon ni Lin Che at bigla siyang napatigil. Nakalutang pa rin sa isip niya ang mga salitang iyon. Mga salitang 'dumampi ang labi', 'nalunok na laway', at 'Miss Mo'…

Nakatitiyak siyang si Mo Huiling ang pinag-uusapan ng dalawa.

Kailan pa sila… naging ganoon sa isa't-isa…

Umiling si Lin Che at tinigil ang pagmumuni-muni. Sinabi niya sa sarili na normal lang namang mangyari iyon. Magnobyo ang dalawa; kaya walang masama kahit pa maghalikan ang mga ito.

Normal lang na makalimutan nito sandali na may sakit pala ito.

Agad namang nagpaliwanag si Chen Yucheng para mabawasan ang tensiyon. "Ah, tungkol nga pala doon, Madam, nagkakamali ka po sa iniisip ninyo. Hindi ho iyon sinadyang gawin ni President Gu."

Iwinasiwas ni Lin Che ang kamay. "Hindi, hindi mo kailangang magpaliwanag. Kung sinadya man iyon o hindi, normal lang naman na gawin nila iyon. Oo nga pala, mauna na muna akong lumabas at titingnan ko kung saan nakaparada ang sasakyan para papuntahin na dito si mamang driver."

Nanatili na lang sa dila ni Chen Yucheng ang mga salitang dapat ay sasabihin niya habang pinanood si Lin Che na lumabas ng bahay niya.

Humihingi ng paumanhin na nilingon niya si Gu Jingze. Ang hindi niya alam ay kanina pa pala siya tinutusok ng mga mala-kutsilyong titig ni Gu Jingze.

Nag-aalalang sinabi ni Chen Yucheng, "President Gu, wala naman po akong sinabing masama."

"Alam ko."

"President Gu, bakit ganiyan ang tingin mo? Ano po ba'ng iniisip ninyo?"

"Wala naman. Iniisip ko lang na masiyadong matagal na panahon mo na akong ginagamot pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa sakit ko. Marahil ay panahon na para maghanap ako ng bagong doctor."

". . ."

Kinabukasan…

Sinabihan ni Yu Minmin si Lin Che na naghahanda ang kanilang kompanya ng isang party para ipagdiwang ang pagkapanalo niya.

Masasabing ibang klase at pambihira ang manalo ng award sa Panda Program. Bagama't iyon ay Best Newcomer Award lang, dapat pa rin silang magsaya na nakakuha sila ng parangal mula sa programang iyon.

Bukod dito, laman pa rin ng mga balita si Lin Che. Kalimitang pinag-uusapan dito ay ang pagpasok niya at paglalakad sa red carpet kasama ni Gu Jingyu, ang kanyang mga ikinilos nang gabing iyon, ang pag-akyat niya ng stage para tanggapin ang award at pati na rin ang mga interview pagkatapos ng awarding. Makikita din sa kahit saan ang mga larawan ni Lin Che. At masayang-masaya ang kompanya nila kaya nagpasya ang mga higher-ups na magdaos ng pagdiriwang para kay Lin Che.

"Miss Yu, parang sobra naman yata kung magkakaroon pa ng party," sabi ni Lin Che.

Natawa si Yu Minmin sa sinabi niya. "Ano ka ba, deserve mo ito! Umuwi ka na muna at ihanda mo ang iyong sarili. Bumalik ka mamayang gabi para sa celebration. Ipapasundo nalang kita sa kotse ng kompanya. Sabihin mo lang kung anong oras ka pwedeng puntahan doon."

"Okay. Salamat, Miss Yu."

Hinatid ni Yu MInmin sa exit door at saktong pagbalik niya sa loob ng opisina ay tumunog ang kanyang cellphone.

Nang makita niya ang numero ng tumatawag ay napahinga siya nang malalim at pagkatapos ay sinagot, "Oh, papa, ano'ng balita?"

"Sinabihan mo ba ang mga Lu na hindi na ako papasukin sa kanila kahit kailan?" Halatang naiirita ang boses ng kanyang ama mula sa kabilang linya.

"Hindi ba't ikaw mismo ang may sabi na titigil ka na? Naisip ko na mahihirapan ka na bigla nalang tumigil sa nakasanayan mong bisyo. Kaya, naisip ko na siguro mas makakatulong kung ang may-ari na mismo ng mga pasugalan ang gumawa ng paraan para sa'yo. Hindi ba't magandang ideya iyan?"

Ang pasugalan ng mga Lu ang pinakamalaki sa lahat ng mga pasugalan sa B Market. Matagal nang panahon na namamayagpag ang negosyo ng mga Lu sa lugar nila.

Kaya naman, ito ang paboritong puntahan ng tatay ni Yu Minmin.

Mas lalong mahahalata ang pagkainis ng lalaki dahil tumataas na ang boses nito. "At bakit mo naman ginawa iyon ha?! Minmin, pakiusap sabihin mo sa kanila na huwag akong harangin doon. Gusto kong pumasok pero hindi nila ako pinapayagan! Hindi nila ako pinapapasok sa lahat ng mga pasugalan na mayroon sila. Kapag ginawa mo ito, paano ko mababawi ang lahat ng mga perang naitalo ko?"

"Mga perang naitalo mo? Ang ibig mong sabihin ay ang mga perang pinaghirapan kong ipunin? Ano pa ba ang babawiin mo? Hindi ko naman na binabawi iyon ah; tapos ikaw, interesado ka pa?" Tanong ni Yu Minmin.

"Wala akong pakialam kung ano man ang ginawa mo. Ang gusto ko ay pilitin mo sila na papasukin ako. Kapag mo ginawa iyan, pupuntahan kita diyan sa kompanya ninyo at manggugulo ako!"

"Eh di pumunta ka dito at gumawa ka ng eksena! Hindi ka na hahayaan ng mga security guards na makapasok pa dito."

"Huh… Hindi ka ba natatakot na dungisan ko ang reputasyon mo? Hindi ako nagbibiro! Talagang pupunta ako diyan at manggugulo! Sasabihin ko sa lahat ng mga tao na wala kang kuwentang anak!"

Malamig na tumawa si Yu Minmin. "Eh di gawin mo iyan! Matagal ng sira ang reputasyon ko at hindi na kaya pang maisalba. Hindi na ako maaapektuhan pa kahit dungisan mo pa ito lalo. Ang isang uwak ay hindi natatakot na lalo pa siyang umitim."

Nang matapos siyang magsalita ay pinatay na niya ang tawag.

Samantala…

Nakauwi na si Lin Che. Pero bago pa man siya makapasok sa pinto, mula sa di-kalayuan ay nakita niya si Mo Huiling na naglalakad papalapit sa kanya…

avataravatar
Next chapter