webnovel

Huwag Kang Magsasalita Nang Ganyan Sa Harap Ng Ibang Lalaki

"Baka nakakalimutan mo. Si Gu Jingyu ang gusto kong painumin noon, hindi ikaw!" Lalo lang nagalit si Lin Che nang maalala na naman niya iyon.

Ang hindi niya alam ay nanlamig bigla ang ang mukha ni Gu Jingze dahil sa kanyang sinabi.

"Ulitin mo nga iyang sinabi mo!" Malakas ang boses ni Gu Jingze.

Naisip ni Lin Che na parang may mali sa boses nito. Humarap siya dito at noon niya lang napansin ang mukha nitong nandidilim habang unti-unting lumalapit sa kanya.

Nataranta si Lin Che.

Oo nga pala. Kapatid pala nito ang tinutukoy niya. Hindi rin pala tama na pag-isipan niya ito nang ganoon.

Natatarantang nagpaliwanag si Lin Che. "Hindi naman iyan ang ibig kong sabihin, eh. Hindi naman sa gusto ko talaga siyang lasunin. Narinig ko lang din sa ibang tao na ay kayang magpatulog ng isang tao ang gamot na iyon. Plano ko lang namang kumuha ng ilang litrato at aalis na kaagad. Sino'ng mag-aakala na mabibiktima rin pala ako dahil naging halimaw ka pagkatapos mong inumin iyon..."

Halimaw?

Nagliwanag ang mukha ni Gu Jingze.

Bagama't nagagalit siya sa isiping mas gugustuhin nitong lasingin si Gu Jingyu kaysa sa kanya, parang naibsan ang kanyang galit dahil sa sinabi ni Lin Che.

Bahagyang nakangiti, tinanong niya ito, "Naging halimaw?"

Natulala na naman si Lin Che. Napanganga siya kaya kitang-kita ang mapuputi niyang ngipin. "Ang totoo niyan..."

Habang papalapit nang papalapit sa kanya ang malaki nitong katawan, pakiramdam niya ay sinakop na nito ang buo niyang pagkatao. Sa isip niya ay tiyak na lalapitan siya ni Gu Jingze.

Nararamdaman na rin niya ang hininga nitong humahaplos sa kanyang pisngi.

Hinawakan ng mahahaba nitong daliri ang kanyang baba at yumuko upang titigan siya sa mata. Maya-maya ay ngumisi ito.

Nagsalita si Lin Che, "Oo, hindi ba't napaka-halimaw mo nang gabing iyon? At siyempre, pagpuri iyon... AT natitiyak kong resulta lang iyon ng gamot, pero..."

Nagdilim na naman ang mukha ni Gu Jingze.

Napakatanga talaga ng babaeng ito...

Hindi talaga marunong pumili ng sasabihin.

Tinanong siya ni Lin Che, "Hindi ka naman nagagalit sa mga ganitong bagay, hindi ba? O may iba pa bang problema? Sumusumpong na naman ba ang sakit mo?"

Napansin ni Lin Che na may kakaiba sa titig nito, parang nagliliyab ang mga mata nito at mistulang lalamunin nang buhay ang sinumang makikipagtitigan dito.

Para bang nasasapian, dumako ang tingin ni Gu Jingze sa mukha ni Lin Che. Ibinaba niya ang tingin sa labi nitong bahagyang gumagalaw. Parang napakalambot ng dila nito at napakasarap. Mapula ang labi nito at nagliliwanag sa maputi at maganda nitong kutis.

Nakatitig lang si Lin Che kay Gu Jingze na parang wala sa sarili. Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng tingin nito. Mariing nakaapak ang kanyang mga paa sa sahig at ayaw niyang gumalaw nang kahit kaunti. Kapag naiisip niyang lumayo, mas lalo lang siyang nahihirapang gawin iyon.

Marahang hinawakan ni Gu Jingze ang labi ni Lin Che gamit ang daliri. Habang nakatitig sa maliwanag at malinaw nitong mga mata ay sinabi niya, "Gusto ko lang sabihin sa iyo. Hindi pwedeng basta-basta mo nalang sasabihin sa isang lalaki na siya ay isang halimaw."

"Huh?"

"Kahit na totoo man iyon."

". . ."

"Dahil iba kaagad ang naiisip ng mga lalaki. Nakuha mo?"

"Hm..."

Dahan-dahan nitong hinaplos ang labi ni Lin Che.

Pakiramdam ni Lin Che ay namamanhid na ang kanyang labi. Kaagad niyang itinulak palayo si Gu Jingze, tumalikod at patakbong pumasok sa loob.

Pagkatapos maisara ang pinto, pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

Kapag naaalala niya kung gaano ka-attractive kanina si Gu Jingze, parang gustong tumalon ng kanyang puso palabas.

Hindi ba nito alam na nakamamatay ang pang-aakit ng isang lalaki?

Lalo na kung ganoon ka-sexyng lalaki iyon?

Naisip ni Lin Che na isa lang siyang normal na babae na bago pa lamang sa ganitong experience. May mga pangangailangan din siya. Ano ba ang dapat niyang gawin kung kusa itong umaakit sa kanya?

Matagal-tagal rin ang sandaling inubos ni Lin Che bago siya nakabalik sa normal na katinuan.

Kinabukasan...

Sunod-sunod na ifini-film ang mga eksena ni Lin Che. Nagmamadali na ang kanilang team upang mapaganda ang kanilang trabaho at maipalabas ito sa takdang oras. Tiyak na tataas ang ratings nila dito.

Dahil dito, lalong umigting ang kanilang shooting.

Mula sa di-kalayuan ay nakita ni Lin Che si Gu Jingyu na dumating. Naalala niya ang nangyari sa nakaraang araw at naguilty siya kaya hindi niya itinaas ang kanyang ulo.

Subalit, nakita na siya ni Gu Jingyu at nakangiti ito sa kanya na para bang walang may nangyari.

Malakas ang kabog ng puso ni Lin Che habang nakaupo doon at umiinom ng tubig nang marinig niya ang boses nito mula sa itaas, "Hey, ano'ng nangyayari sa'yo? Ayaw mo na ba talaga akong makita?"

Halos maibuga ni Lin Che ang tubig mula sa kanyang bibig. Itinaas niya ang kanyang ulo para tingnan si Gu Jingyu. "Ah... ako... wala naman akong problema ah."

Nahalata ni Gu Jingyu ang guilt sa kanyang mukha. Tinitigan siya nito nang malalim at umupo sa tabi niya. "Hoy, may asawa ka na ba talaga? Hindi talaga halata. Napakabata mo pang tingnan."

Naalala ni Lin Che ang nangyari nang gabing iyon at ang mga nakakahiyang mensahe na ipinadala ni Gu Jingze dito. Galit na galit siya dito, ngunit ang magagawa niya lang ay ma-guilty sa harap ni Gu Jingyu. "Sorry. Pagod na pagod lang talaga kahapon kaya nasabi ko ang mga bagay na iyon na hindi ko naman talaga ginustong sabihin sa'yo. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama ko. Totoong may asawa na ako at sa tingin ko ay walang kinalaman ang edad sa pag-aasawa. Sa palagay ko ay nakadepende ito kung talagang nahanap mo na ang tamang tao para sa'yo."

May pag-aatubili sa isip si Gu Jingyu. Habang nakatingin kay Lin Che, huminga siya nang malalim at tumango. "Okay, sige na nga. Kung iyan talaga ang totoo, hindi na kita pahihirapan pa. I wish you the best, pero mukha ba talaga akong babaero?"

". . ." Mabilis na umiling si Lin Che. "Hindi. Hindi. Siyempre hindi iyan totoo."

Sumimangot si Gu Jingyu at sumagot sa kanya. "So ito ay dahil hindi mo lang talaga ako type. Kaya ba nagkunwari kang hindi mo ako nakita?"

"Ah... Eh kasi dahil... may asawa na ako, kaya hindi na ako pumapansin ng iba pang lalaki. Paghanga at pagrespeto lang talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. Para kang... para ka lang tatay ko. Ikaw ang taong tinitingala ko. Totoo iyan." Ayaw ni Lin Che na masira ang maganda nitong impression sa kanya, kaya nagmamakaawa talaga siya na hindi ito magalit sa kanya dahil doon. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para pasayahin ito.

Habang pinagmamasdan siya ni Gu Jingyu, halos matawa na ito dahil sa sobrang pagkukunwari niya. Subalit, hindi naman ito nagagalit sa kanya. Bahagya nalang umiling si Gu Jingyu.

"Ayokong maging tatay mo!" Sabi ni Gu Jingyu. "Relax, buburahin ko na ang post na iyon sa Weibo. Hindi ko na rin ito babanggitin pa sa iyo para hindi mo na kailangan pang magtago sa akin. Pero, naku-curious talaga ako kung sino ang asawa mo. Gaano ba siya kadakila na nahulog ka sa kanya? Marahil ay napaka-mature niya na at stable kaya ginusto mong pakasalan siya kahit napakabata mo pa."

". . ." sa isip ni Lin Che ay sinasabi niya na 'puntahan mo ang iyong kapatid at personal mong sabihin ang mga iyan sa kanya'.

Kung pakaiisiping mabuti, mas mature at mas stable pa ito kaysa kay Gu Jingze.

"Wala namang masiyadong dakila sa kanya. Makikita mo rin siya sa susunod."

"Okay..." Tinapik ni Gu Jingyu ang kanyang balikat at ngumiti sa kanya.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay binura na ni Gu Jingyu ang post nito sa Weibo. Kasunod nito ay nagpalabas ng statement ang kanyang kompanya na nagsasabing hindi confession ang post na iyon, kundi isang paglalahad lamang ng personal na iniisip at nararamdaman ni Gu Jingyu. Sadyang malapit na magkaibigan lang talaga sina Lin Che at Gu Jingyu at nakiusap sa publiko na sana ay hindi na sirain pa ang pagkakaibigan ng dalawang artista.

Next chapter